12 Nobyembre 2017
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Karunungan 6, 12-16/Salmo 62/1 Tesalonica 4, 13-18 (o kaya: 4, 13-14)/Mateo 25, 1-13
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ng Panginoong Hesus ang talinghaga ng sampung dalaga. Lima sa mga dalaga'y matatalino at ang iba pang lima nama'y mga hangal. Ang mga matatalinong dalaga ay nakapasok sa kasalan kasama ang lalaking ikakasal habang ang mga hangal na dalaga ay hindi nakapasok. Masinsinang pinaghandaan ng mga dalaga ang pagdating ng lalaking ikakakasal sa pamamagitan ng pagbabaon ng mga dagdag na langis kung saka-sakaling maubusan ng langis ang mga ilawan nila. Ang mga hangal naman ay bumili ng dagdag na langis para sa kanilang mga ilawan kung kailan pa dumating ang lalaking ikakasal.
Ipinakita ng mga matatalinong dalaga kung paano nila hinahangad at pinanabikan ang lalaking ikakasal sa pamamagitan ng kanilang paghahanda. Bago pa man sumapit ang araw o gabi ng kasalan, pinaghandaan nila ang posibilidad na mababalam ang lalaking ikakasal sa kanyang pagdating. Hindi nila inalis sa kanilang mga isipan ang posibilidad na maaaring maantala ang pagdating ng lalaking ikakasal. Hinahangad nilang makiisa sa pagdiriwang ng kasalan. Kaya, naghanda sila para sa posibleng pag-antala sa pagdating ng lalaking ikakasal.
Labis na hinangad at kinasabikan ng mga matatalinong dalaga ang pagdating ng lalaking ikakasal. Kung paanong hinangad hanapin ang Banal na Karunungan ng Diyos sa Unang Pagbasa, gayon din nilang inasam-asam ang pagdating ng lalaking ikakasal. Nais nilang makiisa sa napakaengrandeng pagdiriwang ng kasalan. Nais nilang makihati sa kagalakan ng lalaking ikakasal. Nais nilang mapabilang sa mga pinalad na maging bahagi ng kasalang iyon.
Ang lalaking ikakasal ay walang iba kundi si Hesus. Tayo naman ang kumakatawan sa mga dalaga sa talinghaga ni Kristo. May tanong para sa atin mula sa Ebanghelyo ngayong Linggo. Alin nga ba tayo sa dalawang uri ng dalaga? Gaano ba kahalaga sa atin ang Panginoong Hesukristo? Kailangan nating pagpasiyahan kung saan tayo kabilang sa dalawang uri ng mga dalagang inilarawan ni Kristo sa talinghaga, kung sa mga matatalino o sa mga hangal. Hindi na si Hesus ang magpapasiya para sa atin. Tayo ang magpapasiya para sa ating mga sarili. Binigyan tayo ni Hesus ng dalawang pagpipilian - hangal o matalino? Saan tayo kabilang?
Kung nais nating ibilang ang ating mga sarili sa mga matatalino, kinakailangan nating kasabikan ang Panginoon lamang. Ang Panginoong Hesukristo, ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos ayon kay Apostol San Pablo (1, 24) ay dapat nating hangarin, kasabikan, panaligan, at tanggapin. Kung paanong hinangad ng mga naghahanap sa Karunungan ng Diyos na matagpuan ito sa Unang Pagbasa, dapat nating hangarin at kasabikan si Kristo lamang. Siya ang dapat nating bigyan ng pangunahing importansya. Dapat natin Siyang pahalagahan nang higit sa lahat. Sa pamamagitan nito, inihahayag natin ang ating pananalig sa Kanya. Kung magkagayon, mangyayari sa atin ang inihayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa - muli tayong bubuhayin ng Diyos sa katapusan ng panahon upang Siya'y ating makakapiling magpakailanman. Dahil ang mga nananalig kay Kristo ay bubuhayin sa araw ng Kanyang pagparito upang makapiling Siya magpakailanman.
Gaano ba nating pinapahalagahan ang Panginoon? Gaano kalaki ang ating pagpapahalaga sa Kanya? Tanging Siya lamang ba ang ating kinasasabikan at hinahangad? Mayroon ba Siyang kakumpetensya? Siya ba ang nasa sentro ng ating buhay? Nais ba natin Siyang makasama't makapiling habambuhay? Pinaghahandaan ba natin nang mabuti ang Kanyang pagdating? May pakialam ba tayo kung dumating man Siya o hindi? Binibigyan ba natin ng halaga ang Kanyang pagdating? Pagmuni-munian natin ang mga katanungang ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento