15 Agosto 2017
Dakilang Kapistahan ng Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria: Pagmimisa sa Araw ng Dakilang Kapistahan
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6a. 10ab/Salmo 44/1 Corinto 15, 20-27/Lucas 1, 39-56
Malaki ang pagkakaiba ng pagkaka-akyat sa langit ng Panginoong Hesukristo at ng Mahal na Birheng Maria. Ang Panginoong Hesukristo ay umakyat sa langit taglay ang Kanyang maluwalhating kapangyarihan bilang Anak ng Diyos, Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Ang Mahal na Birheng Maria naman ay hindi umakyat sa langit taglay ang sariling kapangyarihan sapagkat hindi siya isang bathala, diyos, o diyosa. Nakaakyat ang Mahal na Inang si Maria sa langit dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Ang Diyos ang nag-akyat sa Mahal na Birheng Maria sa langit sa katapusan ng kanyang buhay dito sa lupa.
Ang Pag-Aakyat sa Mahal na Birheng Maria sa langit ay isa sa mga maraming dakilang bagay na ginawa ng Diyos para sa Mahal na Birheng Maria. Gumawa ng maraming mga dakilang bagay ang Diyos para sa Mahal na Birhen. Bago pa man isilang ni Santa Ana, ang Mahal na Birheng Maria ay iniligtas ng Diyos mula sa bahid ng kasalanang mana (Kalinis-linisang Paglilihi o Inmaculada Concepcion). Pinili't hinirang ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria sa lahat ng mga kababaihan upang maging ina ng Mesiyas at Tagapagligtas na si Kristo Hesus. At sa katapusan ng kanyang buhay dito sa lupang ibabaw, ang Mahal na Birheng Maria'y iniakyat ng Diyos sa langit, katawan at kaluluwa.
Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang paglingap kay Maria sa pamamagitan ng pag-akyat sa kanya sa langit sa katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Hindi pinahintulutan ng Diyos na mabulok sa lupa ang katawan ng Kanyang abang lingkod at alipin na si Maria. Kaya, nang magtapos ang buhay ng Mahal na Ina sa lupa, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat ng Diyos sa langit. Hindi nabulok o naagnas ang katawan ng Mahal na Birheng Maria sa katapusan ng kanyang buhay sa lupa dahil sa paglingap ng Diyos.
Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, ang Mahal na Birheng Maria ay umawit ng isang awit ng papuri sa Diyos (Magnificat). Umawit siya nang buong kagalakan sa Diyos na lumingap sa kanya. Sa kanyang awit, inihayag ni Maria na itinaas ng Maykapal ang lahat ng mga nasa abang kalagayan (1, 52b). Si Maria mismo ang nagpapatotoo sa katagang ito. Siya, na buong kababaang-loob at pananalig na naglingkod sa Kataas-taasang Diyos, ay itinaas mula sa kanyang pagkaaba. Dahil sa paglingap ng Diyos, si Maria ay bukod na pinagpala sa lahat ng kababaihan.
Ang Mahal na Birheng Maria ang abang alipin at lingkod na pinagpala at nilingap ng Panginoong Diyos. Bilang abang alipin ng Panginoon, ang Mahal na Birheng Maria ay naglingkod sa Kanya nang buong puso't kaluluwa. Buong kababaang-loob siyang nanalig at tumalima sa mga atas ng Diyos. Kaya naman, si Maria'y kinalugdan at nilingap ng Diyos sa lahat ng kababaihan. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang paglingap kay Maria sa pamamagitan ng Kanyang mga kahanga-hangang gawa. Kabilang na roon ang pag-akyat sa katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria sa langit nang magwakas ang kanyang buhay sa lupa.
Tanggapin natin ang papel na ibinigay ng Diyos sa ating lahat - maging Kanyang mga abang lingkod. Buong kababaang-loob tayong manalig at tumalima sa Kanyang kalooban. Manalig tayo sa Kanya, sa kabila ng mga pasakit na dulot ng buhay. Isentro natin ang buhay natin sa Diyos na Siyang may kontrol sa buhay ng bawat isa sa atin. Tularan natin ang halimbawang ipinakita sa atin ng Mahal na Inang si Maria upang maranasan rin natin ang pagpapala't paglingap ng Mahal na Poon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento