27 Agosto 2017
Ikadalawampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Isaias 22, 19-23/Salmo 137/Roma 11, 33-36/Mateo 16, 13-20
"Sapagkat mula sa Kanya at sa pamamagitan Niya at sa Kanya ang lahat ng bagay." (Roma 11, 36). Ang mga katagang ito ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Roma ang paksang nais bigyang-diin ng mga Pagbasa ngayon. Sa Diyos nagmumula ang lahat ng bagay. Siya lamang ang may tunay na kakayahang ibigay o bawiin ang mga ito. Ang Diyos ang tunay na may-ari ng lahat ng bagay na nakikita at 'di nakikita. Sa Kanya lamang nagmumula ang lahat ng mga bagay na hindi kayang ibigay ng sinumang tao sa daigdig.
Sa Unang Pagbasa, binawi ng Panginoong Diyos mula kay Sabna ang kanyang posisyon bilang katiwala sa palasyo ni Haring Ezequias. Si Sabna ay naging isang mapagmataas na tao noong hawak niya ang tungkuling iyon. Dahil sa pagmamataas ni Sabna, inabuso niya ang kanyang kapangyarihan bilang katiwala ng palasyo. Hindi ikinalugod ng Diyos ang pagmamataas at pang-aabusong ginawa ni Sabna bilang katiwala ng palasyo. Kaya, inialis ng Diyos si Sabna mula sa kanyang tungkulin bilang katiwala ng palasyo at hinirang si Eliaquim na anak ni Helcias upang maging kanyang kapalit.
Sa Ebanghelyo, ibinigay ng Panginoong Hesus kay Apostol San Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang mga susi ng kaharian ng langit ang sumasagisag sa kapangyarihang ibinigay ni Hesus kay Apostol San Pedro bilang punong lingkod ng Simbahan. Binigyan ni Hesus si Apostol San Pedro ng kapangyarihan bilang pinuno at tagapangasiwa ng Simbahan. Bilang pinuno at tagapangasiwa ng Simbahang itinatag ni Kristo sa lupa, pangungunahan at pangangasiwaan ng Santo Papa ang pangunahing misyon ng Simbahan - ipangaral at ipalaganap sa lahat ng mga bansa ang Mabuting Balita ng kaligtasang kaloob ng Panginoon. Magpahanggang ngayon, ipinagpapatuloy ito ng Simbahan sa pamumuno ng kasalukuyang Santo Papa na si Papa Francisco, ang isa sa maraming humalili kay Apostol San Pedro.
Ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala sa ating lahat upang magamit natin ang mga ito para sa kabutihan. Mayroong tayong tungkulin mula sa Diyos - ipalaganap ang kabutihan. Nais ng Diyos na ipalaganap natin ang kabutihan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagpapalang ipinagkaloob Niya sa ating lahat. At ang paggamit ng mga pagpapalang kaloob ng Diyos sa atin para sa atin ay ang tamang paggamit sa mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang Kanyang mga biyaya. Ang mga pagpapala ng Diyos ay ipinagkaloob sa bawat isa sa atin upang maipalaganap natin ang kabutihan.
Tayong lahat ay mga katiwala lamang ng mga kaloob ng Diyos. Hindi porke't ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala ay nangangahulugang maaari natin gamitin ang mga iyon para sa anumang naisin natin. Huwag nating iabuso ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Huwag tayong maging abusado sa pagtupad ng ating tungkulin bilang mga katiwala ng mga kaloob ng Diyos. Gamitin natin ang mga pagpapalang ipinagkaloob sa ating lahat ng Diyos sa tamang pamamaraan, sa tunay na layunin nito.
Ang bawat Kristiyano ay pinagkatiwalaan ng isang mahalagang tungkulin mula sa Diyos - ipalaganap ang kabutihan. Ibinuhos ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala sa bawat isa sa ating lahat, mga Kristiyanong lubos na nananalig at sumasampalataya sa Kanya, upang makagawa ng kabutihan sa ating kapwa. Sa gayon, ipinapalaganap natin ang kabutihan sa lahat ng mga bansa sa daigdig, ayon sa kalooban ng Poong Maykapal.
Mayroon tayong kontribusyon sa misyon ng Inang Simbahan - ipalaganap ang kabutihan. Gamitin natin ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Maykapal para sa kabutihan. Sa pamamagitan nito, tayong lahat ay nagpapatotoo sa kabutihan at kagandahang-loob ng Diyos na Siyang nagligtas sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sa pamamagitan nito, ipinapangaral at ipinapalaganap natin ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa sa lupang ibabaw. At higit sa lahat, lalo nating dinadakila ang Diyos na Siyang bukal ng lahat ng kabutihan at kadakilaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento