22 Oktubre 2017
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Isaias 45, 1. 4-6/Salmo 95/1 Tesalonica 1, 1-5b/Mateo 22, 15-21
Wika ng Panginoong Hesus sa katapusan ng Ebanghelyo ngayon, "Ibigay sa Cesar ang para sa Cesar at sa Diyos ang para sa Diyos." (22, 21b) Ang kahulugan ng mga salitang ito ng Panginoong Hesus ay madalas na binabaluktot. Ang interpretasyon ng karamihan ng mga tao kapag naririnig nila ang mga salitang ito ng Panginoong Hesukristo - hindi na dapat makialam ang Simbahan sa mga isyu o usapin sa lipunan. Dapat na lamang magdasal at mangaral tungkol sa Salita ng Diyos ang Simbahan gamit ang mga matatamis na salita. Pabayaan ng Simbahan ang estado na gawin ang kanilang binabalak, mabuti man o masama ang mga ito.
Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ni Hesus noong sinabi Niyang, "Ibigay sa Emparador ang para sa Emperador at ibigay sa Diyos ang para sa Diyos?" Maging mga mabubuting mamamayan ng bansa. Magbayad ng buwis sa gobyerno. Sumunod sa mga patakaran at mga utos ng bayan. Suportahan ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga programang magdudulot ng kabutihan para sa lahat. Subalit, hindi nangangahulugang dapat ihiwalay natin ang pagiging mabuting mamamayan sa pagiging mabuting Kristiyano. Hindi dapat manatiling tikom ang mga labi ng Simbahan kapag ang estado ay may mga programang nais isulong na labag sa mga utos ng Diyos. Dapat alalahanin na tayong lahat ay nilikha ng Diyos at inangkin Niya bilang Kanyang mga anak. Kaya naman, kailangan din nating tuparin at sundin ang mga utos ng Panginoong Diyos.
Nais ituro sa atin ni Kristo na ang pagiging isang mabuting mamamayan ng isang bansa at ang pagiging Kristiyano ay hindi dapat ihiwalay. Hindi nais ituro ni Kristo na dapat tayong maging tahimik sa harap ng kawalan ng katarungan. Hindi nais ituro ni Kristo na mali ang pagbibigay ng kritisismo o pumuna sa mga opisyal ng gobyerno. Higit sa lahat, hindi rin sinasabi ni Kristo na dapat maging isang diktadura ang estilo ng pamamahala ng gobyerno. Bagkus, ang nais ituro ni Kristo na dapat tayong maging isang mabuting mamamayan ng bansa at isang Kristiyano. Bilang mamamayan ng isang bansa, dapat tayong magbigay ng buwis upang tulungan ang estado sa pagpapatupad ng mga programang nagdudulot ng benepisyo para sa lahat. At bilang isang Kristiyano, tayo'y tatalima sa mga utos ng iisang Diyos na makapangyarihan bilang pagsamba sa Kanya.
Kaya nga, ang Simbahan ay aktibo sa pakikibaka laban sa mga prinsipiyong nais pairalin ng estado na labag naman sa mga utos ng Diyos. Noong EDSA Uno, aktibong nakiisa ang Simbahan sa pakikibaka laban sa diktadura at ang pandaraya noong dagliang halalan (snap election) ng 1986. Noong EDSA Dos, aktibong nakiisa ang Simbahan sa pakikibaka laban sa kurapsyon at tiwalang pamamahala ng gobyerno noon. Sa kasalukuyang panahon, aktibong nakikiisa ang Simbahan sa pakikibaka laban sa mga 'di-makatarungang patayan ng mga inosente. Patuloy na nananawagan ang Simbahan na itigil na ang mga patayan ng mga inosente na isang tanda ng kawalan ng katarungan. Ipinapakita ng Simbahan na hindi mali na pumuna sa mga maling gawain o prinsipiyong pinapairal ng gobyerno. Katunayan, ito ay pagpapahayag ng pagmamahal sa bayan dahil nais nating mamayani ang kabutihan, kapayapaan, katarungan, at kasaganaan sa ating bayan.
Itinuturo sa atin ng Panginoong Hesus na mayroon tayong pananagutan sa Diyos at sa bayan. Mayroon tayong responsibilidad na maging mga mabubuting mamamayan ng isang bansa o bayan. Subalit, hindi lamang iyon ang ating responsibilidad. Bukod pa sa ating responsibilidad sa bayan na maging mga mabubuting mamamayan, mayroon tayong responsibilidad sa Diyos na humirang sa bawat isa sa atin. Sabi nga ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang unang sulat sa mga taga-Tesalonica na tayong lahat ay hinirang ng Diyos (1, 4). Kung paanong hinirang ng Diyos si Ciro sa Unang Pagbasa, gayon din naman, hinirang tayo ng Diyos upang maging Kanyang mga anak na naglilingkod at sumasamba sa Kanya nang buong pananalig, pagmamahal, at katapatan.
Hindi itinuturo ni Kristo na pairalin ang prinsipiyo ng walang pakialaman. Hindi itinuturo ng Panginoon na dapat manatiling tikom ang bibig ng bawat Kristiyano pagdating sa mga isyu't usapin sa estado. Bagkus, itinuturo ng Panginoon na mayroon tayong pananagutan sa Diyos at sa bayan. Ang responsibilidad natin sa bayan ay ang pagiging mga mabubuting mamamayan, magbayad ng tamang buwis at kumilos para sa kabutihan ng bayan. Ang responsibilidad natin sa Diyos ay tumalima at tumupad sa Kanyang mga utos. Hindi natin maipaghihiwalay ang ating responsibilidad sa bayan at sa Poong Maykapal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento