1 Nobyembre 2017
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal
Pahayag 7, 2-4. 9-14/Salmo 23/1 Juan 3, 1-3/Mateo 5, 1-12a
Ang mga banal sa langit ay inilarawan sa Unang Pagbasa sa ganitong paraan, "Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit." (7, 14) Maraming mga pagsubok ang hinarap ng mga banal sa langit noong sila'y namumuhay dito sa lupa. Hindi naging madali para sa kanila ang pagtahak sa landas ng kabanalan. May mga pagkakataon sa kanilang buhay dito sa lupa kung saan sila'y tinukso. Subalit, sa kabila ng mga pagsubok na ito sa kanilang pamumuhay sa lupa, nilabanan at pinagtagumpayan nila ang mga ito. Kaya naman, sila'y ginantimpalaan ng Diyos para sa kanilang pagsusumikap at pananatiling tapat sa Kanya; kapiling na nila Siya sa Kanyang maluwalhating kaharian sa kalangitan, ang tunay na Paraiso.
Paano nilang nagawang manatiling tapat sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok dito sa lupa? Sinagot ni Apostol San Juan ang tanong na ito sa Ikalawang Pagbasa. Ang pag-ibig ng Diyos na napakadakila. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, ang bawat isa'y itinuring Niya bilang Kanyang mga anak. Ito ang nagpalakas, nagpatibay sa kanilang loob at pananalig sa Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbigay sa kanila ng katatagan ng loob upang harapin at pagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay. Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbigay sa kanila ng tibay ng loob upang manatiling tapat at masunurin sa Kanyang paningin.
Sa Ebanghelyo, itinuro ng Panginoong Hesus ang mga Beatitudo. Sa pamamagitan ng mga Beatitudo, itinuro ni Hesus kung sino ang mga mapapalad sa paningin ng Diyos. Ang mga katangiang itinuro ni Hesus ay isinabuhay ng mga banal noong sila'y namumuhay dito sa lupa. Kahit sa harap ng mga matitinding pagsubok sa buhay, patuloy silang nagsumikap na isabuhay ang mga Beatitudo upang maging mapalad sa paningin ng Diyos. Dahil sa kanilang patuloy na pagpupursigi, pagsusumikap, at pananatiling tapat sa mga turo't aral ni Kristo na nagpapakita ng kanilang pagnanais na maglingkod sa Panginoon, silang lahat ay naging mapalad sa paningin ng Diyos. Nagawa nilang manatiling tapat sa mga turo't aral ng Panginoon dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig na walang hanggan.
Kaya naman, ang mga banal ay nasa piling ng Diyos sa kalangitan. Sila, na nagsisilbing mga huwaran natin sa pamumuhay nang banal, ay nananalangin para sa ating lahat na namumuhay dito sa lupa. Patuloy silang nananalangin sa Panginoon na tayo'y tulungan at gabayan sa pagtahak sa landas ng kabanalan upang tayo'y maging mapalad sa Kanyang paningin tulad nila. Patuloy rin silang nananalangin at nagsusumamo sa Panginoon na ipakita't ibahagi ang Kanyang pag-ibig upang palakasin ang ating kalooban at pananalig sa Kanya sa harap ng mga matitinding pagsubok sa buhay natin dito sa lupa.
Sino ang mga maaaring maging banal? Lahat tayo'y tinatawag ng Diyos na tahakin ang landas ng kabanalan. Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos na kumilos ayon sa Kanyang kalooban upang maging mapalad sa Kanyang paningin. Tayong lahat ay hinihimok na tularan ang mga banal sa kalangitan na sa kabila ng kanilang mga imperpeksyon ay patuloy na nagsumikap at nanatiling tapat sa kalooban ng Diyos, lalung-lalo sa mga mahihirap na sandali sa buhay dito sa lupa. Sa pamamagitan ng pagtawag sa atin na tumahak sa landas ng kabanalan, tulad ng mga banal sa langit, ipinapakita't ibinabahagi sa atin ng Diyos ang Kanyang walang hanggang pag-ibig na dakila na nagpapalakas ng ating loob at pananampalataya sa harap ng mga matitinding pagsubok sa buhay.
Hindi madaling tahakin ang landas ng kabanalan. May mga pagsubok na haharapin natin sa buhay. Hindi natin matatakasan ang mga iyon. Hindi madaling maging banal. Subalit, mayroong magpapalakas sa atin sa harap ng mga pagsubok sa buhay - ang pag-ibig ng Diyos. Kung tutularan natin ang halimbawa ng mga banal, kung hahayaan nating palakasin ng pag-ibig ng Diyos ang ating loob at pananampalataya sa Kanya, tayo'y magiging tunay na mapalad sa pangin ng Diyos at makakapiling natin Siya sa Kanyang walang hanggang kaharian sa kalangitan kung saan mararanasan magpakailanman ang Kanyang dakilang pag-ibig.
Tinatawag tayong lahat ng Panginoong Diyos na maging banal. Ano ang ating tugon? Ano ang ating pasiya?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento