31 Marso 2018 - Sabado de Gloria
Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay (B)
Genesis 1, 1-2, 2 (o kaya: 1, 1. 26-31a)/Salmo 103 (o kaya: Salmo 33)/Genesis 22, 1-18 (o kaya: 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18)/Salmo 15/Exodo 14, 15-15, 1/Exodo 15/Isaias 54, 5-14/Salmo 29/Isaias 55, 1-11/Isaias 12/Baruc 3, 9-15. 32-4, 4/Salmo 18/Ezekiel 36, 16-17a. 18-28/Salmo 41 (o kaya: Salmo 51)/Roma 6, 3-11/Salmo 117/Marcos 16, 1-17
Labis na nalumbay ang Mahal na Birheng Maria sa pagpanaw ni Hesus. Punung-puno ng hapis ang kanyang puso. Ang mga lumipas sa mga nakaraang araw ay nagdulot ng matinding kapaitan sa kanya. Labis siyang namimighati sa mga sandaling sinamahan niya ang kanyang Anak na si Hesus patungong Kalbaryo. At ang pinakamasakit para sa kanya ay ang pagsaksi sa pagdurusa't pagkamatay ni Hesus sa krus. Ang mga huling sandali sa buhay ni Hesus ay tandang-tanda pa rin ni Maria. Sa tahimik niyang pagbulay-bulay at pagmumuni-muni, nakakaramdam siya ng matinding hapdi at kirot sa kanyang damdamin dahil sa alaala ng barbarikong pagdurusa't pagkamatay ni Hesus sa Kalbaryo.
Ang pagdaramdam ng Mahal na Inang si Maria ay nagwakas noong si Hesus ay muling mabuhay. Sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay, pinawi ni Hesus ang mga luha sa mga mata ni Maria. Mula sa pagiging puno ng hapis at lumbay, ang Mahal na Birheng Maria ay napuno ng sigla't tuwa. Ang kanyang hapis ay naging kagalakan dahil sa Muling Pagkabuhay ni Hesus. Natapos na ang panahon ng pamimighati at pagluluksa. Hindi na hapis ang pumupuno sa puso. Wala nang laman ang libingan. Si Hesus ay tunay ngang muling nabuhay.
Kagalakan ang hatid ng Panginoong Hesus na nabuhay na mag-uli. Hindi takot at lungkot. Ang lahat ng takot at lungkot ay tuluyang pinapawi ng Panginoong Muling Nabuhay. Tulad ng sinabi ng binata sa tatlong babaeng pumunta sa libingan ng Panginoon na sina Maria Magdalena, Mariang ina ni Santiago, at Salome, "Huwag kayong matakot... Wala na Siya rito - Siya'y muling nabuhay!" (16, 6) Hindi naman talaga sindak ang hatid ni Kristong Muling Nabuhay kundi kagalakan. Kagalakang pumapawi sa lahat ng takot at lumbay. Kagalakang nagdudulot ng panibagong pag-asa, panibagong buhay, sa lahat ng mga nananalig nang buong puso't kaluluwa.
Hindi guni-guni ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Tunay ngang muling nabuhay ang Panginoon. Wala nang laman ang libingan. Isang binatang nakasuot ng isang mahaba at maputing damit, marahil isang anghel, ang naghayag ng Mabuting Balita tungkol sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Hindi pekeng balita ang inihayag ng binata sa tatlong babae sa Ebanghelyo. Hindi iyon gawa-gawa lamang; tunay at totoo ang balitang iyon. Iyan ang Mabuting Balitang sinasampalatayanan at pinatotohanan ng Simbahan. Si Kristo ay namatay sa krus alang-alang sa ating kaligtasan ngunit nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw.
Ilang ulit na winika ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na dapat Siyang magbata ng maraming hirap, pagdurusa, at kamatayan sa krus sa kamay ng Kaniyang mga kaaway. Subalit, hindi nagtatapos sa pagdurusa't kamatayan ang lahat para kay Kristo. Dagdag pa ni Kristo, Siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw. Hindi Siya mananatili sa loob ng libingan. Pagsapit ng ikatlong araw, Siya'y babangon nang matagumpay at lalabas mula sa Kanyang libingan. Pagkatapos magtiis ng maraming hirap at sakit hanggang sa Kanyang pagkamatay sa krus, si Hesus ay muling mabubuhay sa ikatlong araw. At ang Kanyang mga sinabi sa mga apostol ay natupad sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay, ang Kanyang Misteryo-Paskwal. Si Hesus ay pinatay ng Kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, ngunit hindi Siya nanatili sa loob ng libingan sapagkat Siya'y muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad ng Kanyang sinabi.
Tapos na ang panahon ng pagluluksa at pagdadalamhati. Tunay ngang muling nabuhay ang Panginoong Hesukristo. Tunay nga Siyang nagtagumpay. Kagalakan ang hatid Niya sa bawat isa. Pinapawi Niya ang lahat ng luha mula sa mga mata ng bawat isa, tulad ng Kanyang ginawa noong Siya'y nagpakita sa Kanyang Inang si Maria, na siyang ginugunita sa rito ng Salubong. Ang kalungkutan at kapaitan dala ng Biyernes Santo ay tuluyang napawi ng Panginoong Muling Nabuhay. Ang kalungkutan at kapaitan ay naging kagalakan dahil sa Kanya. Kaya naman, "Aleluya" ang awit ng lahat ng mga bumubuo ng sambayanang nagagalak sa Muling Pagkabuhay ni Kristo. Sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus, tayong lahat ay binigyan Niya ng kaligtasan at kalayaan. Hindi na tayo mga alipin ng kasamaan at kadiliman; tayong lahat ay ganap nang nailigtas at naging malaya dahil sa Nazarenong naghain ng Kanyang buhay sa krus at muling nabuhay sa ikatlong araw na si Kristo Hesus.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento