29 Marso 2018
Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon
Exodo 12, 1-8. 11-14/Salmo 115/1 Corinto 11, 23-26/Juan 13, 1-15
Sa mga Pagbasa para sa Misa sa Takipsilim ng Huwebes Santo, inilarawan kung paanong ang pagliligtas ng Diyos ay isang ekspresyon ng Kanyang dakilang pag-ibig na walang kapantay. Hindi Niya ninanais o hinahangad na mapahamak ang sinuman. Nais Niyang maligtas ang bawat isa. Ilang ulit Niyang inihayag ang Kanyang naisin sa paglipas ng panahon. Tulad na lamang ng Kanyang pagliligtas sa bayang Israel mula sa kaalipinan sa Ehipto na isinalaysay sa Unang Pagbasa at ang pagliligtas Niya sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Bugtong na Anak Niyang si Hesukristo na pinatotohanan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa at ng Manunulat ng Mabuting Balitang si San Juan Apostol sa Ebanghelyo.
Isinalaysay sa Unang Pagbasa kung paanong itinatag ang Pista ng Paskwa ng mga Hudyo. Ang Diyos ay nagbigay ng utos sa mga Israelita na ipinarating naman sa kanila nina Moises at Aaron na pahiran ng dugo ng isang lalaking kordero o bisirong kambing sa pintuan ng kanilang mga tahanan sa Ehipto. Sa gabi ng unang Paskwa, ang Diyos ay dumaan sa Ehipto upang paslangin ang mga panganay na lalaki, lalung-lalo na ang panganay ng Faraon. Sa pamamagitan ng dugo ng kordero o kambing na papahiran sa pintuan ng kanilang mga bahay, makikilala ng Diyos na Israelita nga ang nakatira sa tahanang yaon at lalampasan Niya ang mga iyon. Ang mga Israelita ay tinubos ng Diyos mula sa Kanyang planong pagpatay sa mga panganay na lalaki sa Ehipto sa pamamagitan ng dugo ng kordero. Ang dugo ng kordero ang sagisag ng pagmamahal ng Diyos sa bayang Israel. Dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal, iniligtas Niya ang mga Israelita noong gabing yaon.
Ang Pista ng Paskwa ay isang paggunita sa pag-ibig ng Diyos na nagdulot ng kanilang kaligtasan at kalayaan. Inaalala ng mga Hudyo sa kanilang pagdiriwang ng Pista ng Paskwa ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos, sila'y Kanyang tinubos at pinalaya mula sa kaalipinan sa Ehipto. Matagal na silang inabuso ng mga Ehipsiyo. Naranasan nila sa loob ng mahabang panahon ang pagmamalupit ng Faraon. Wala na silang ibang inasam kundi ang makapamuhay bilang mga mamamayang malaya. Nais nilang makapamuhay nang malaya. Ang kanilang pagsamo para sa kanilang kalayaan ay dininggin ng Diyos. Isinugo ng Diyos si Moises sa Ehipto upang maging Kanyang instrumento sa pagpapalaya sa mga Israelita mula sa kaalipinan sa Ehipto. Sa pamamagitan nito'y nahayag sa mga Israelita ang dakilang pag-ibig ng Panginoong Diyos.
Subalit, sa lahat ng mga ginawa ng Diyos na naghahayag ng Kanyang dakilang pag-ibig, walang makahihigit pa sa Kanyang pagsugo sa ipinangakong Mesiyas at Tagapagligtas na si Kristo Hesus, ang Kanyang Bugtong na Anak. Sa pamamagitan ng misyon ng Kanyang Bugtong na Anak bilang Mesiyas at Manunubos, nahayag ang kadakilaan ng Kanyang pag-ibig. Walang makahihigit o makakapantay sa dakilang pag-ibig ng Diyos na siyang dahilan kung bakit ipinasiya Niyang tayo'y tubusin sa pamamagitan ni Kristo.
Ang pagtatag sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay isinalaysay ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Itinatag ng Panginoon ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya sa Huling Hapunan na Kanyang pinagsaluhan kasama ang Kanyang mga apostol noong bisperas ng Kanyang pagpapakaakit at pagkamatay sa krus. Ang Panginoon ay kumuha ng tinapay, nagpasalamat, pinaghati-hati iyon, at ibinigay sa mga apostol sabay wika, "Ito ang Aking Katawan na inihahandog para sa inyo." Kinuha rin Niya ang kalis, nagpasalamat, at ibinahagi sa mga apostol sabay wika, "Ito ang kalis ng Aking Dugo ng bago at walang hanggang tipan." Binilin ng Panginoon sa mga apostol na ipagdiwang ito bilang pag-aalaala sa Kanya. Ito ang ginagawa ng Simbahan araw-araw sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa tuwing ipinagdiriwang ang Banal na Misa, ang Panginoon ay nakakapiling natin sa anyo ng tinapay at alak. Sapagkat ang tinapay at alak sa altar ay nagiging Katawan at Dugo ng Panginoon sa Banal na Konsekrasyon. At ang Banal na Misa ay ipinagdiriwang bilang pag-aalaala sa Panginoon na nag-alay ng Kanyang buhay alang-alang sa ating kaligtasan dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin.
Isinalaysay sa Ebanghelyo ang isang eksenang ginanap sa Huling Hapunan na hindi matatagpuan sa mga salaysay nina San Mateo, San Marcos, at San Lucas. Tanging si San Juan lamang ang nagsalaysay ng eksenang ito. Hinugasan ng Panginoong Hesukristo ang paa ng mga apostol. Ang paa ng mga apostol ay hinugasan Niya nang buong kababaang-loob upang ipakita ang Kanyang pagmamahal. Sabi nga sa pasimula ng Ebanghelyo, "Mahal ni Hesus ang Kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo'y ipakikita Niya kung hanggang saan ang Kanyang pag-ibig sa kanila." (13, 1) Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa kanila, buong kababaang-loob Niya silang pinaglingkuran sa pamamagitan ng paghugas ng kanilang mga paa. At iyon ang halimbawang itinuro ni Hesus. Habilin Niya sa mga apostol, gawin nila para sa kanilang kapwa ang ginawa Niya para sa kanila.
Ang habilin ni Hesus na magpakumbaba ay hindi lamang para sa mga apostol. Ang habiling ito ay para sa ating lahat. Ipinakita ni Hesus ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang kababaang-loob. Magpakita rin tayo ng pag-ibig sa bawat isa sa pamamagitan ng paglilingkod nang may kababaang-loob. Si Hesus ay buong kababaang-loob na bumaba mula sa Kanyang kaharian sa kalangitan at nagkatawang-tao upang ipakita ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng sarili alang-alang sa ating kaligtasan. Inihayag ng kababaang-loob ni Hesus ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa lahat. Inuutusan tayo ng Panginoong Hesus na tularan ang Kaniyang halimbawa. Buong kababaang-loob nating paglingkuran ang ating kapwa, tulad ng ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan. Sa pamamagitan nito, naipapalaganap natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan. Nagpapakita tayo ng pag-ibig sa pamamagitan ng paglilingkod nang buong kababaang-loob.
Naging lingkod ang Bagong Korderong Pampaskuwa na si Hesus para ipakita sa lahat ang Kanyang dakilang pag-ibig. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, buong kababaang-loob na bumaba mula sa langit si Hesus at nagkatawang-tao upang gampanan ang Kanyang misyon bilang Mesiyas, Manunubos, at Bagong Korderong Pampaskuwa. Misyon Niya'y ialay ang buo Niyang sarili alang-alang sa ating kaligtasan at kalayaan. Sa pamamagitan nito'y nahayag ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa ating lahat. Ang dakilang pag-ibig ng Panginoong Hesus para sa ating lahat ay tunay, wagas, at walang kapantay.
Sa tuwing ipinagdiriwang ang Banal na Eukaristiya, inaalala ang dakilang pag-ibig ng Diyos na naghatid ng kaligtasan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, inihandog ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus ang Kanyang Kabanal-banalang Katawan at ibinubo ang Kanyang Kabanal-banalang Dugo para sa ating kaligtasan. Ang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo na ating pinapakinabangan at pinagsasaluhan sa Banal na Misa ay inihandog para sa ating kaligtasan. Inihandog ni Kristo ang Kanyang Katawan at Dugo sa krus upang ihayag sa lahat ang Kanyang dakilang pag-ibig na walang kapantay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento