29 Hulyo 2018
Ikalabimpitong Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
2 Hari 4, 42-44/Salmo 144/Efeso 4, 1-6/Juan 6, 1-5
Isinasalungguhit sa mga Pagbasa ang pagiging mapagbigay ng Diyos. Ang Diyos ang nagkakaloob sa ating mga pangangailangan. Nababatid Niya kung ano ang kailangan ng bawat tao. Ipinagkakaloob Niya sa bawat tao ang kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagiging mapagkaloob, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagkalinga sa ating lahat.
Wika ni Apostol San Pablo sa huling bahagi ng Ikalawang Pagbasa na iisa lamang ang Panginoong Diyos at Siya'y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat (4, 6). Iisa lamang ang Panginoong kumakalinga sa ating lahat. Ang Panginoon na Siyang pinakadakila sa lahat ang may likha sa lahat ng bagay. Siya rin ang gumagawa ng paraan para sa ating lahat. Ginagawa Niya ang lahat para sa kapakanan ng lahat ng tao. Siya rin ay kasama ng lahat ng tao upang ingatan at patnubayan ang bawat tao. Sa pamamagitan ng paggawa ng lahat para sa ating lahat upang tayo'y tulungan at pakikiisa sa ating kalagayan, ipinapaalam sa atin ng Diyos na tayong lahat ay Kanyang kinakalinga.
Tampok sa mga salaysay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang dalawang pagkakataon kung saan pinakain ng Panginoong Diyos ang napakaraming tao. Sa Unang Pagbasa, sandaang tao ang pinakain ng Panginoon. Iniutos ni Eliseo ang lalaking mula sa Baal-salisa na nagdala ng bagong aning trigo at dalawampung tinapay na ibigay ang mga iyan sa mga tao sapagkat ipinangako sa kanya ng Panginoong Diyos na mabubusog ang mga tao at magkakaroon pa ng mga tira. At gayon nga ang nangyari. Sa Ebanghelyo, pinakain ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus ang limang libong tao. Gumawa ng himala si Hesus gamit ang limang tinapay at dalawang isda na dala ng isang batang lalaki. Ang limang tinapay at dalawang isda ay Kanyang pinarami. Nabusog ang limang libong tao at nagkaroon pa sila ng mga tira dahil sa sobrang dami ng tinapay at isda.
Kaya nga sabi sa Salmo ngayon, "Pinakakain Mong tunay kaming lahat, O Maykapal." (Salmo 144, 16) Sabi rin sa panalanging itinuro ng Panginoong Hesukristo, "Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw." (Mateo 6, 11) Hindi lang mga pagkain o inumin ang nababatid at ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon. Anuman ang pangangailangan natin sa buhay, alam iyan ng Panginoon. Nalalaman ng Panginoon ang mga tunay na kailangan natin. Siya mismo ang magkakaloob ng mga iyon sa ating lahat. Hindi Niya nakakalimutan ang ating kapakanan sa araw-araw. Lagi Niya tayong iniingatan at binibiyayaan.
Ang pagkalinga ng Diyos ay tunay at walang hanggan. Hindi Siya magsasawa o titigil sa pag-aruga sa atin. Lagi Niya tayong kinupkupkop at pinagpapala. Ang ating mga pangangailangan ay Kanyang nababatid at ibinibigay sa atin. Hindi Niya kinakaligtaan ang ating mga pangangailangan. Hindi Siya magbibingi-bingihan sa ating mga pagsusumamo sa Kanya. Lagi Niyang pakikinggan ang ating mga panalangin. Tinutugunan din Niya ang ating mga panalangin at kahilingan. At ang mga pangangailangan natin ay Kanyang ibinibigay sa ating lahat. Ganyan tayo kahalaga sa paningin ng Diyos. Ganyan tayo kamahal ng ating Diyos na Siyang bukal ng pagpapala at walang hanggang pag-ibig at awa.
Ipanatag natin ang ating mga loob. Ang Diyos na kumakalinga sa atin ay lagi nating kasama araw-araw. Nababatid Niya ang ating mga pangangailangan at ang mga ito'y ibinibigay Niya sa ating lahat. Hindi Siya nang-iiwan. Hindi Niya tayo pababayaan. Lagi tayong aarugain at iingatan araw-araw.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento