11 Nobyembre 2018
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
1 Hari 17, 10-16/Salmo 145/Hebreo 9, 24-28/Marcos 12, 38-44
Madalas na pinagsasabihan o binababalaan ang mga taong nahuhulog ang damdamin para sa kani-kanilang mga tinitipuhan o sinisinta na magtira ng pag-ibig para sa kanilang mga sarili. Hindi dapat ibigay ang lahat kapag nagmamahal. Kailangang magtira ng kahit kaunting pag-ibig para sa sarili upang ang damdamin ay hindi masyadong masaktan. Mahirap kasi kapag ang isang tao'y nasaktan nang sobra dahil ang kanyang pag-ibig ay hindi nasuklian. Mahirap kasi kapag may pagtingin ang isang tao sa nagpapaasa sa kanya. At ang sakit na dulot nito'y tunay ngang napakasakit. Ibinigay mo na lahat, hindi ka pa rin sinuklian.
Tamok sa mga Pagbasa ang pagbibigay ng lahat. Ang mga kadahilanan kung bakit ang isang tao'y nagbibigay ng lahat-lahat ay napakarami. Subalit, isa sa mga dahilang yaon ay pag-ibig. Ibinibigay ang lahat kapag nagmamahal. Ang pag-ibig ay napapatunayang tunay at autentiko kapag ang lahat ay ibinibigay. Gagawin ang lahat, ibibigay ang lahat, dahil sa pag-ibig. Sa pamamagitan nito'y napapatunayan ang pag-ibig. Iyon ay isa sa mga pamantayan ng lahat ng mga naghahanap ng pag-ibig. Handang ibigay ang lahat para sa minamahal.
Sa Unang Pagbasa, sinunod ng isang babaeng balo ang kahilingan ni propeta Elias na ipaghanda siya ng makakain. Humingi ng tinapay si propeta Elias mula sa babaing balo. Bagamat siya'y nangamba dahil mukhang hindi sasapat ang mga kasangkapan upang makagawa ng tinapay para sa tatlong tao, sinunod pa rin niya ito sapagkat ito'y niloob ng Diyos. Dahil sa kanyang pag-ibig at pag-asa sa Diyos, siya'y naghanda ng tinapay para kay propeta Elias at para na rin sa kanilang dalawa ng anak niya. Umasa siya sa pangako ng Diyos na inihayag sa kanya ni propeta Elias. At tinupad nga ng Panginoong Diyos ang Kanyang pangako. Ang harina ay hindi naubos at ang langis sa sisidlan ay hindi natuyo (17, 16). Nagkaroon ng sapat na pagkain para sa kanilang tatlo.
Sa Ebanghelyo, pinuri ng Panginoong Hesus ang isang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing sa abuluyan. Kahit maliit ang halagang yaon sa paningin ng iba, iyan ay higit pa sa ginawang pagbibigay ng handog ng iba sa paningin ni Hesus. Sa handog na iyon, nakita ni Hesus ang nilalaman ng puso ng babaing balo. Naisin man niyang maghandog ng mas malaking halaga, hindi niya iyan magawa dahil sa kanyang kahirapan. At sa halip na tipirin na lamang ang dalawang kusing na iyon, pinili ng balo na ialay na lamang iyon sa Diyos. Sa pamamagitan nito'y napatunayang tunay niyang mahal ang Diyos. Ibinigay niya ang lahat sa Diyos sapagkat ang Diyos ay tunay niyang inibig nang higit sa lahat.
Ang pagbibigay ng lahat dahil sa pag-ibig ay ginawa mismo ng Panginoong Hesus sa krus. Ito ang pinagtuunan ng pansin ng manunulat ng Sulat sa mga Hebreo sa Ikalawang Pagbasa. Inilarawan niya kung paanong ibinigay ni Kristo ang lahat noong inihandog Niya ang Kanyang sarili sa krus para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan nating lahat. Hindi Niya tinakasan ang krus. Subalit, ang krus ay hinarap at tinanggap Niya. Kusa Niyang inialay ang sarili upang tayong lahat ay maligtas sa pamamagitan Niya. Tinanggap at niyakap Niya ang pananagutan bilang haing walang kapintasan. Sa pamamagitan ng gawang ito, ibinigay ni Kristo ang lahat bilang katibayan ng Kanyang walang hanggang pagmamahal para sa ating lahat.
Ibinigay ng mga babaing balo sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang lahat. Ibinigay ng Panginoong Hesukristo ang lahat noong ipinasiya Niyang ialay ang Kanyang buhay sa krus alang-alang sa ating lahat. Iisa lamang ang ipinapakita ng mga ito - pagmamahal. Ang lahat ng ito'y ibinigay at isinakripisyo dahil sa pag-ibig. Masakit man gawin ito, gagawin pa rin iyan kung tunay ang pagmamahal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento