9 Nobyembre 2018
Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma
Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12/Salmo 45/1 Corinto 3, 9k-11. 16-17/Juan 2, 13-22
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang paglilinis ni Hesus sa Templo. Nagalit si Hesus nang makitang binabastos ang tahanan ng Ama. Hindi lamang literal ang ginawang pambabastos sa Templo kundi pati na rin sa puso't loobin ng bawat isa. Wala nang lugar ang Diyos sa puso ng bawat isa na naroroon. Kaya naman, gayon na lamang ang ginawa sa Templo. Ito ang nag-udyok sa Panginoong Hesus na magalit sapagkat tunay ang Kanyang malasakit para sa tahanan ng Ama. Pinahalagahan Niya ang tahanan ng Ama. Kaya gayon na lamang ang Kanyang galit.
Ang Templo ang kinikilalang tahanan ng Diyos. Sa Templo, nananahan ang Diyos upang makapiling ang Kanyang bayan. Ginamit ang larawan ng isang batis o daluyan sa Unang Pagbasa upang ilarawan ang Templo na kilala bilang tahanan ng Panginoon. Kaya, lahat ng bagay na nagmumula sa Templo ay sagrado sapagkat nananahan doon ang bukal ng kasagraduhan - ang Panginoon. Ang lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon ay tunay ngang sagrado. Ang mga nagmumula sa Panginoong Diyos ay tunay na banal. Mula sa Kanyang tahanan dumadaloy ang lahat ng mga biyayang kaloob Niya. Banal ang lahat ng mga bagay na nagmumula sa tahanan ng Panginoong Diyos.
Hindi lamang gawa sa mga bato ang tahanan ng Diyos. Ang Simbahan na tahanan ng Diyos ay hindi lamang tumutukoy sa mga gusaling itinayo tulad ng Basilika ng Laterano sa Roma. Paalala ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang bawat isa ay templo ng Diyos. Nananahan sa bawat isa ang Espiritu Santo. Samakatuwid, sagrado ang bawat isa. Ang presensya ng Diyos sa bawat isa sa atin ang nagpapabanal sa atin. Bagamat likas sa atin ang magkasala, hindi pa rin magbabago ang katotohanang ang ating mga katawan ang piniling tahanan ng Panginoon. Kaya naman, dapat nating ingatan at igalang ang ating mga katawan. Hindi ito dapat gamitin sa kasamaan sapagkat taliwas ito sa niloloob ng Diyos.
Kinalulugdan ng Diyos ang mga nagpapahalaga at gumagalang sa kani-kanilang mga katawan. Sa katawan ng bawat isa nananahan ang Panginoong Diyos. Pinili ng Diyos na manahan sa katawan ng bawat isa. Kaya naman, ang ating mga katawan ay napakasagrado. Hindi dapat gawan ng masama ang ating mga katawan sapagkat ito'y pambabastos sa presensya ng Diyos. Ang pambabastos sa pinananahanan ng Panginoong Diyos ay kasuklam-suklam sa Kanyang paningin.
Sa Pista ng Pagtatalaga sa Basilika ng Laterano sa Roma, itinuturo sa atin ang kahalagahan ng paggalang sa presensya ng Diyos. Ang presensya ng Diyos ay dapat igalang at pahalagahan. Ang Simbahan ang tahanan ng Diyos. Subalit, hindi lamang mga gusali ang Simbahan. Bagkus, tayong lahat ang bumubuo sa Simbahan kung saan nananahan ang Diyos. Ang presensya ng Diyos ang nagpapabanal sa ating mga katawan, sa ating pamayanan. Kaya naman, nararapat lamang na igalang ang bawat isa. Pairalin natin ang kalooban ng Diyos. Gamitin natin ang ating mga katawan upang magbigay luwalhati sa Diyos. Ang bawat isa sa ati'y sagrado sapagkat sa ati'y nananahan ang Diyos. Iyan ay tunay na kalugud-lugod sa Kanyang paningin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento