20 Enero 2019
Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Banal na Sanggol (K)
Isaias 9, 1-6/Salmo 97/Efeso 1, 3-6. 15-18/Lucas 2, 41-52
Ang Unang Pagbasa para sa Kapistahan ng Santo Niño, isang espesyal na araw sa kalendaryo ng Simbahan sa Pilipinas, ay ang mismong Unang Pagbasa para sa Misa sa Hatinggabi ng Pasko ng Pagsilang. Tampok rito ang pahayag ni propeta Isaias tungkol sa plano ng Panginoong Diyos na Kanyang tutuparin pagdating ng takdang panahon. Ibinunyag ni propeta Isaias sa pahayag na ito na isang sanggol na lalaki ang ipagkakaloob ng Diyos sa lahat pagsapit ng takdang panahon. At ang sanggol na lalaking tinutukoy ni propeta Isaias sa kanyang pahayag ay walang iba kundi si Hesus, ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos.
Si Hesus, ang hinanap-hanap ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose sa loob ng tatlong araw sa salaysay sa Ebanghelyo, ang ipinagkaloob ng Diyos sa lahat. Siya'y ipinadala ng Ama sa sanlibutan. Siya'y isinugo upang iligtas ang sangkatauhan. Ang kaluwalhatian ng kalangitan ay buong kababaang-loob Niyang iniwan. Bumaba Siya sa lupa at naging tao tulad natin, maliban sa kasalanan. Dumating Siya bilang isang munting sanggol na iniluwal mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria. Ang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose ay kanyang naranasan sa bawat taon ng Kanyang kabataan. Naranasan ni Hesus kung paanong mamuhay ang mga kabataan dito sa daigdig na ito.
Bakit ipinasiya ni Hesus na dumating sa daigdig bilang isang sanggol? Bakit Niya ipinasiyang maging isang bata? Sinagot ni Apostol San Pablo ang mga tanong na ito sa Ikalawang Pagbasa. Sabi niya na ang bawat isa'y itinalaga ng Diyos upang maging Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo dahil sa Kanyang pag-ibig (4-5). Iyan ang dahilan ng pagparito ni Hesukristo sa lupa. Iyan ang dahilan kung bakit ang Panginoong Hesus ay nagpasiyang dumating sa daigdig bilang isang sanggol. Dumating Siya bilang isang bata upang ipakita ang Kanyang pag-ibig para sa lahat. Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan, ipinasiya Niyang pagdaanan ang bawat yugto ng buhay ng tao, kabilang na rito ang yugto ng kabataan. Ito ang dahilan kung bakit ipinasiya ng Diyos na tubusin ang lahat ng tao sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Iyan ang aral na ipinaparating sa bawat isa sa Kapistahan ng Santo Niño. Ang Santo Niño ang Tagapagligtas na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa. Ang ipinangakong Tagapagligtas ng lahat ay dumating sa sanlibutan bilang isang bata. Siya ay si Hesus, ang Mahal na Poong Santo Niño. Kusa Niyang niyakap at tinanggap ang ating pagkatao nang may kababaang-loob. Inihayag Niya ang Kanyang pag-ibig para sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Siya'y nagkatawang-tao upang ihayag ang Kanyang pag-ibig para sa lahat sa pamamagitan ng pagtubos sa lahat na naging mga alipin ng kasamaan at kadiliman. Sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos sa ating lahat, tayong lahat ay inangkin ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Ganyan tayo kamahal ng Panginoon.
Laging ipinapaalala sa atin ng Mahal na Poong Santo Niño na tayong lahat ay minamahal ng Diyos. Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa bawat isa sa atin, isang bata ang Kanyang ibinigay sa ating lahat. Ang batang iyon ay ang Batang Hesus. Sa pamamagitan ng Batang Hesus, ang Santo Niño, ibinigay ng Diyos ang Kanyang sarili sa ating lahat. Siya'y dumating upang tayong lahat ay iligtas. Ang pagtubos Niya sa ating lahat ang naghayag ng Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob.
Isang bata ang bigay ng Diyos sa ating lahat. Ang batang iyon ay walang iba kundi ang Kanyang sarili. Siya'y dumating bilang bata sa pamamagitan ni Hesukristo, ang Mahal na Poong Santo Niño.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento