2 Pebrero 2019
Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo
Malakias 3, 1-4/Salmo 23/Hebreo 2, 14-18/Lucas 2, 22-40 (o kaya: 2, 22-32)
Pinagtutuunan ng pansin ng Simbahan sa araw na ito, ang Pista ng Candelaria, ang larawan ng Panginoong Hesukristo bilang liwanag. Ito ang nagsisilbing paliwanag kung bakit ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa espesyal na araw na ito ay nagsisimula sa pamamagitan ng Prusisyon at Pagbabasbas ng mga Kandila. Ang mga kandilang binasbasan ang magsisilbing paaalala sa atin na ang tunay na liwanag ay walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo. Siya ang liwanag na pumanaog sa daigdig bilang tao, tulad ng ipinangako sa Lumang Tipan.
Sabi ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan, "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman." (8, 12) Siya ang liwanag na nagmula sa langit. Siya ang Diyos na bukal ng liwanag. Sa pamamagitan Niya, dumating ang makalangit na liwanag sa sanlibutan. Ipinasiya ng Diyos na dumating sa daigdig upang ipalaganap sa daigdig ang Kanyang liwanag sa pamamagitan ni Kristo Hesus. At ang liwanag ni Kristo ay hinding-hindi mapapawi kailanman.
Bago dumating sa daigdig ang Panginoong Hesus, inihayag sa Lumang Tipan ang pagdating ng liwanag. Isang halimbawa nito ay ang pahayag ng Panginoong Diyos na inilahad ni propeta Malakias sa Unang Pagbasa. Sa pahayag na ito, nagsalita ang Diyos tungkol sa Kanyang pagdating. Sa Kanyang pagdating, ang Kanyang liwanag ay Kanyang ipapalaganap. Hatid Niya sa lahat ang liwanag na nagmula sa Kanyang kaharian sa langit. Higit pa ito sa liwanag dulot ng sanlibutan.
Ang Ikalawang Pagbasa ay nagwakas sa pamamagitan ng mga salitang ito, "Sapagkat Siya [si Hesus] ma'y tinukso at nagbata, kaya ngayo'y matutulungan Niya ang mga tinutukso." (2, 18) Paano tinutulungan ni Hesus ang mga tinutukso? Sa pamamagitan ng Kanyang liwanag. Ang Kanyang liwanag ang tumutulong sa atin na manatili sa tamang landas. Si Hesus, ang tunay na kaliwanagan, ang gumagabay sa atin. Ginagabayan tayo ni Hesus patungo sa Ama. Ang sinumang sumusunod sa liwanag ni Hesus ay makakarating sa langit. Matatamasa ng bawat isa ang pangako ng buhay na walang hanggan sa kalangitan kung tayo'y susunod kay Hesus.
Isang napakatandang lalaki sa Ebanghelyo ang nakakilala sa Panginoong Hesus bilang liwanag. Siya ay si Simeon. Malapit na siyang mamatay. Subalit, bago siya namatay, binigyan siya ng isang karangalan ng Panginoon. Pinahintulutan siya ng Espiritu Santo na masilayan ang Banal na Sanggol, ang liwanag na nagmula sa langit, bago siya pumanaw. Matapos ang napakahabang panahon ng pananabik, sumapit ang araw na ipinangako sa kanya ng Diyos. Ang araw na masisilayan na niya ang tunay na liwanag na si Hesus, ang Banal na Sanggol na kalong-kalong ng Mahal na Birheng Maria.
Si Hesus ang tunay na liwanag. Siya ang liwanag na 'di mapapawi kailanman. Kung nais nating matamasa ang pangako ng buhay na walang hanggan sa kalangitan, tanggapin at sundin natin Siya. Hayaan natin ang Kanyang liwanag na gumabay sa ating lahat patungo sa Kanyang kaharian sa langit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento