6 Enero 2019
Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Isaias 60, 1-6/Salmo 71/Efeso 3, 2-3a. 5-6/Mateo 2, 1-12
Ang mga Pagbasa para sa Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon ay tungkol sa mga kapansin-pansing gawain ng Diyos. Kapansin-pansin ang lahat ng mga gawain ng Diyos. Makikita ng lahat mula sa iba't ibang dako ang mga kahanga-hangang gawain ng Panginoong Diyos. Binibigyan Niya ng pagkakataon ang bawat isa na masaksihan ang Kanyang mga gawaing tunay ngang kamangha-mangha. Ang lahat ng Kanyang mga gawa ay para sa kapakinabangan ng lahat.
Isang halimbawa nito ay ang inilahad sa Unang Pagbasa at Ikalawang Pagbasa. Ang Diyos ay nangako sa Kanyang bayan at tinupad ito noong dumating ang takdang panahon. Sa Unang Pagbasa, ipinangako ng Panginoon sa Kanyang bayan na sila'y lulukuban ng Kanyang kaliwanagan. Sa pamamagitan nito'y itatampok ng Diyos ang Kanyang bayan. Magniningning ang bayan ng Diyos dahil sa Kanya. At ang kadakilaan ng Diyos ay mahahayag sa pamamagitan nito. Ito rin ang pinagtutuunan ng pansin ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Katulad ng iba pang mga apostol, si Apostol San Pablo ay hinirang upang ipalaganap sa bawat sulok ng daigdig ang Mabuting Balita ng Panginoon. Ang Mabuting Balita na sumasalaysay sa kagandahang-loob ng Panginoon para sa lahat.
Bakit nga ba ginawa iyon ng Panginoon? Sinagot ito ni Apostol San Pablo sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa. Ginawa iyon ng Panginoon dahil sa Kanyang kagandahang-loob. Ang Diyos ay puspos ng kagandahang-loob para sa lahat. Ito ang dahilan kung bakit Niya hinirang ang mga propeta katulad ni propeta Isaias upang maging Kanyang mga tagapagsalita sa Kanyang bayan noong panahon ng Lumang Tipan. Ito rin ang dahilan kung bakit hinirang Niya ang mga apostol tulad ni Apostol San Pablo upang ipalaganap sa bawat panig ng daigdig ang Mabuting Balita noong panahon ng Bagong Tipan. Ito rin ang kaisa-isang dahilan kung bakit ang Panginoong Hesukristo ay bumaba mula sa langit at naging tao. Si Kristo ay naging isang munting sanggol na isinilang ng Mahal na Birheng Maria upang ipamalas at ipadama ang Kanyang kagandahang-loob.
Subalit, hindi pipilitin ng Panginoon ang bawat isa na tanggapin ang Kanyang kagandahang-loob. Walang pilitan. Iginagalang Niya ang kalayaan ng bawat isa na makapagpasiya para sa kani-kanilang mga sarili. Nais man Niyang tanggapin ng bawat isa ang Kanyang kagandahang-loob, hindi Niya pipilitin ang bawat isa. Wala na Siyang magagawa kapag nadatnan Niyang may ilang ayaw tumanggap nito. Ang Diyos ay hindi namimilit. Ang desisyon ng bawat isa ay Kanyang iginagalang, kahit taliwas sa Kanyang kalooban ang karamihan sa mga desisyon ng bawat isa.
Ang mga Pantas na dumalaw sa Sanggol na Hesus sa Ebanghelyo ay nagpasiyang tanggapin ang Kanyang kagandahang-loob. Katunayan, naglakbay pa sila mula sa Silangan upang hanapin ang Sanggol na Hesus. Napakalayo ng kanilang nilakbay para lang mahanap at makasamba sa Panginoong Hesus. Si Hesus, ang Sanggol na iniluwal mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria, ang tunay at walang hanggang Hari. Si Hesus ang Diyos na puspos ng kagandahang-loob. Ang Kanyang kagandahang-loob ay Kanyang ipinakita sa pamamagitan ng Kanyang pagsilang sa daigdig. Siya ang tinanggap at hinanap ng mga Mago. Ang mga Mago ay kusang naglakbay ng napakalayo para lang hanapin Siya. At Siya'y kanilang sinamba at hinandugan ng mga alay nang Siya'y kanilang matagpuan sa piling ng Mahal na Ina at ni San Jose. Sa pamamagitan nito'y ipinakita ng mga Pantas ang kanilang pagtanggap sa Kanya na puno ng kagandahang-loob para sa lahat.
Dedma o pagtanggap? Alin sa dalawa ang magiging reaksyon natin kapag ating nasaksihan ang mga gawa ng Diyos na nagpapakita ng Kanyang kagandahang-loob? Iyan ang mga tanong iniiwan ng Dakilang Pistang ito sa bawat isa sa atin upang pagnilayan nang buong kataimtiman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento