1 Enero 2019
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Bilang 6, 22-29/Salmo 66/Galacia 4, 4-7/Lucas 2, 16-21
Ang Mahal na Birheng Maria ang Ina ng Diyos. Siya ay hinirang ng Diyos upang maging Kanyang Ina. Sa pagdating ng Diyos dito sa daigdig, si Maria ang pinili't hinirang upang maging Kanyang pananahanan sa loob ng siyam na buwan. Sa sinapupunan ni Maria nagmula ang Diyos na naging tao. Dumating ang Diyos sa daigdig sa pamamagitan ni Hesus, ang Banal na Sanggol na ipinaglihi't iniluwal ng Mahal na Inang si Maria mula sa kanyang sinapupunan. At dahil diyan, si Maria ay tinatawag na Ina ng Diyos. Ang Diyos Anak na si Hesus ay dumating sa daigdig bilang isang sanggol sa pamamagitan ni Maria.
Sa sinapupunan ni Maria nagmula ang Diyos na bukal ng pagpapala. Ang Sanggol na kanyang ipinaglihi't iniluwal ang nagbuhos ng Kanyang pagpapala sa Kanyang bayan sa Unang Pagbasa. Sa tuwing bebendisyunan nina Aaron at ng kanyang mga anak ang mga Israelita alinsunod sa pamamaraang iniutos ng Panginoong Diyos na gamitin nila, ibinubuhos Niya ang Kanyang pagpapala sa Kanyang bayan. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapalang natanggap nila.
Kung paanong ibinuhos ng Diyos ang Kanyang pagpapala sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbabasbas nina Aaron at ng kanyang mga anak na saserdote sa Unang Pagbasa, ibinuhos ng Diyos ang Kanyang pagpapala sa isang pamamaraang hindi inakala noong sumapit ang panahon ng Bagong Tipan. Ang pamamaraang ito'y inilarawan ni Apostol San Pablo sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Galacia. Sabi ni Apostol San Pablo na ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang Anak. At ang Kanyang Anak na Siya ring Diyos katulad ng Ama ay dumating sa daigdig sa pamamagitan ng isang babae (4, 4). Ang babaeng iniatasan ng Diyos para sa pananagutang yaon ay walang iba kundi si Maria.
Ang Panginoong Hesukristo na ipinagkaloob ng Ama sa lahat bilang Mesiyas at Manunubos ang Sanggol na dinalaw ng mga pastol sa Ebanghelyo. Matapos ibalita sa kanila ng anghel na isinilang na si Kristo, agad silang nagsitungo sa Betlehem upang hanapin ang Sanggol sa sabsaban. At nang makarating sa sabsaban, nakita nila ang lahat ng ibinalita sa kanila ng anghel. Ang munting sanggol na nakahiga sa isang hamak na sabsaban. Siya ang ipinangakong Tagapagligtas na si Kristo. Siya ang pagpapalang kaloob ng Diyos sa lahat. Siya ang pagpapalang ipinangakong darating sa takdang panahon. Siya ang Diyos na buong kababaang-loob na tumanggap at yumakap sa ating pagkatao upang tayo'y iligtas.
Isang babaeng namumuhay nang payak ang itinampok ng Diyos. Ang babaeng ito'y hinirang ng Diyos upang sa pamamagitan niya'y maibuhos Niya ang Kanyang pinakadakilang pagpapala. Ang babaeng ito ay ginamit ng Diyos bilang Kanyang instrumento sa pagbuhos Niya ng Kanyang pagpapala na para sa lahat ng tao mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang babaeng ito'y walang iba kundi ang Mahal na Birheng Maria. At ang pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ay isang sanggol na lalaki. Ang sanggol na lalaking ito ay si Hesus.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento