30 Disyembre 2018
Linggo sa loob ng walong araw na pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Kapistahan ng Banal na Mag-Anak Hesus, Maria at Jose (K)
1 Samuel 1, 20-22. 24-28 [o kaya: Sirac 3, 3-7. 14-17a (gr. 2-6. 12-14)]/Salmo 83 [o kaya: Salmo 127]/1 Juan 3, 1-2. 21-24 [o kaya: Colosas 3, 12-21]/Lucas 2, 41-52
Ang Panginoong Hesus ay pumasok sa daigdig bilang tao katulad nating lahat, maliban sa kasalanan. Hindi Siya pumasok sa daigdig taglay ang buo Niyang kapangyarihan bilang Diyos. Kahit na Siya ay Diyos, kahit na Siya ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, niyakap Niya ang ating pagkatao. Ipinasiya Niyang tanggapin at yakapin ang ating pagkatao. Iniwan Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa langit upang maging tao. Nang maging tao, namuhay Siya nang payak. Si Hesus ay nagpasiyang pumasok sa daigdig tulad nating lahat, bilang isang sanggol, bilang isang tao, maliban sa kasalanan.
Katulad natin, si Hesus ay nagkaroon ng mga magulang. Siya'y ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ng Kanyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria. Si San Jose ay tumayo naman bilang Kanyang amain dito sa lupa. Sabi sa wakas ng Ebanghelyo na naging isang masunuring anak si Hesus kila Maria at Jose (2, 51). Makikita dito ang kababaang-loob ni Hesus. Kahit na Siya'y Diyos, ginalang pa rin Niya ang Kanyang mga magulang dito. Sina Maria at Jose ay Kanyang pinakitaan ng pagmamahal at paggalang. Sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ang Diyos na lubusang ginagalang at sinasamba ng lahat ng tao dito sa daigdig nang buong puso't kaluluwa ay nagkaroon ng mga magulang na Kanyang ginalang at minahal - sina Maria at Jose.
Bakit nga ba ipinasiya ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo na dumating sa daigdig sa isang payak na pamamaraan? Bakit ipinasiya ng Panginoon na tanggapin at yakapin ang ating pagkatao? Dahil nais Niyang mapabilang tayo sa Kanyang pamilya. Ito ang itinuturo ni Apostol San Juan sa Ikalawang Pagbasa na hango sa ikatlong kabanata ng kanyang unang sulat. Sabi nga niya sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa na tayong lahat ay itinuturing ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Kaya nga, ang Panginoong Hesus ay ipinagkaloob sa atin ng Ama upang ihayag sa ating lahat ang katotohanang ito. Kung paanong ipinagkaloob si Samuel kay Ana sa Unang Pagbasa, gayon din naman, ipinagkaloob sa atin si Kristo Hesus upang tayong lahat ay maligtas mula sa kadiliman at kasalanan at mamuhay nang malaya bilang mga anak ng Diyos.
Ang Diyos ay nagpakilala sa ating lahat bilang ating kapamilya. Ito ang nais Niyang ipabatid sa atin. Siya ay ating kapamilya. Mayroon tayong Diyos na pamilya ang turing sa atin. Kaya Siya dumating sa lupa sa pamamagitan ni Hesus. Nais Niyang makilala natin Siya bilang ating kapamilya. Nais Niyang malaman natin na tayong lahat ay itinuturing Niyang kapamilya. Nais ng Diyos na madama natin ang Kanyang pagmamahal sa lahat ng mga itinuturing Niyang kapamilya. At ang lahat ng mga itinuturing ng Panginoon bilang Kanyang kapamilya ay makakaranas ng tunay na kaligayahan at kapayapaan. At ang kaligayahan at kapayapaang mula sa Panginoon ay hindi matutumbasan ng sanlibutan.
Ito ang aral na itinuturo sa atin. Ang Diyos ay kapamilya natin. Mapalad tayong lahat sapagkat itinuturing ng Diyos ang bawat isa sa atin bilang Kanyang mga anak. Ang bawat isa sa atin ay Kanyang kinakalinga at minamahal. Tayong lahat ay lubos Niyang pinahahalagahan at minamahal. Ganyan tayo kamahal ng Panginoon. Lahat tayo ay itinuturing Niyang mga kapamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento