25 Disyembre 2018
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
[Pagmimisa sa Hatinggabi]
Isaias 9, 1-6/Salmo 95/Tito 2, 11-14/Lucas 2, 1-14
Sa Kanyang unang pagdating dito sa daigdig bilang isang munting sanggol, may dinala ang Panginoong Hesus sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagsilang, si Hesus ay naghatid ng kapayapaan sa lahat. Siya'y dumating hindi upang maghasik ng lagim at takot. Bagkus, Siya'y dumating bilang isang sanggol noong unang Pasko upang maghatid ng kapayapaan sa lahat. Iyan ang Kanyang regalo sa bawat isa sa atin - kapayapaan.
Ito ang paksang pinagtuunan ng pansin sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo. Ang Panginoong Hesukristo ay ipinakilala ni propeta Isaias sa kanyang propesiya tungkol sa Kanya sa Unang Pagbasa bilang Prinsipe ng Kapayapaan. Sa Kanya magmumula ang kapayapaan. Kapayapaan ang Kanyang hatid sa lahat ng Kanyang pinaghaharian. Ito rin ang pinagtuunan ng pansin sa Ebanghelyo noong isinalaysay ang pagdalaw ng anghel sa mga pastol upang ibalita sa kanila na si Kristo ay isinilang na. Ang mga pastol ay sinabihan ng anghel na huwag matakot. Sa mga salitang ito, inilarawan ng anghel ang kaloob ng Panginoon sa bawat isa. Hindi Siya dumating para manakot. Ang pakay ng Panginoon ay maghatid ng kapayapaan sa lahat. Kapayapaan ang nais Niyang ipalaganap sa lahat.
Bakit ipinasiya ni Kristo na maghatid ng kapayapaan sa lahat sa gabi ng Kanyang pagsilang? Ipinaliwanag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang dahilan kung bakit. May nais ipabatid ang Diyos sa lahat ng tao. Nais ng Diyos na mamulat ang bawat isa sa Kanyang kagandahang-loob. Sabi nga ni Apostol San Pablo sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa, "Inihayag ng Diyos ang Kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao." (2, 11) Iyan ang tunay na dahilan kung bakit ipinasiya ng Panginoon na maghatid ng kapayapaan sa lahat ng tao noong gabi ng unang Pasko. Sa pamamagitan ng pagsilang ni Kristo, inihayag ng Diyos ang Kanyang kagandahang-loob.
Walang ibang nais ihatid ang Panginoon kundi kapayapaan. Hindi Niya hinangad na maghatid ng anumang bagay na masama. Hindi Niya binalak na maghasik ng takot at kasamaan. Siya ang bukal ng lahat ng kabutihan at kabanalan. Kaya, ang lahat ng Kanyang ibinibigay sa bawat isa ay mabuti at sagrado. Walang masamang bagay na nagmumula sa Kanya. Kahit kailan, hindi nanaisin ng Panginoon na may masamang mangyari sa bawat isa. Labag rin sa Kanyang kalooban na makatanggap ng mga bagay-bagay ang bawat isa na kanilang ikasasama o mag-iimpluwensiya sa kanila na gumawa ng anumang bagay na masama.
Kaya naman, ang Pasko ay isang panahon ng pagpapasalamat sa Diyos. Ang Diyos ay dapat pasalamatan dahil inihayag at ipinadama Niya ang Kanyang kagandahang-loob sa bawat isa. Ang Diyos ay dapat ring pasalamatan dahil sa kapayapaang hatid Niya sa bawat isa. At ang Kanyang pagdudulot ng kapayapaan sa lahat ng tao ay tanda ng Kanyang kagandahang-loob sa bawat isa.
Tayong lahat ay mapalad sapagkat mayroon tayong Diyos na naghahatid ng kapayapaan sa lahat. Tayong lahat ay mapalad dahil tunay na nagmamagandang-loob ang Diyos. At ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ay ating nasaksihan at naramdaman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento