24 Disyembre 2018
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
[Pagmimisa sa Bisperas]
Isaias 62, 1-5/Salmo 88/Mga Gawa 13, 16-17. 22-25/Mateo 1, 1-25 (o kaya: 1, 18-25)
Sa mga Pagbasa, itinalakay ang pag-ibig ng Diyos na nagdulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa lahat, ipinasiya ng Panginoon na iligtas ang sangkatauhan. Ito ang natatanging kadahilanan kung bakit ang Panginoong Hesukristo ay isinilang ng Mahal na Birheng Maria noong gabi ng unang Pasko. Sa pamamagitan ni Hesus, ang Diyos ay bumaba mula sa langit at nagkatawang-tao upang maisakatuparan ang pangako Niyang pagtubos sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumating sa daigdig bilang isang sanggol noong unang Pasko. Si Hesus, ang Diyos na Sanggol, ay ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ni Maria.
Nagsalita si propeta Isaias sa Unang Pagbasa ukol sa pag-ibig ng Panginoong Diyos para sa Kanyang bayan. Naghatid ng kagalakan si propeta Isaias sa lahat ng mga kabilang ng bayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang pahayag. Inilarawan ang hangarin ng Diyos na iligtas ang Kanyang bayan. Inilarawan kung paanong nalulugod at nagagalak ang Panginoon sa Kanyang bayan. Sa pamamagitan ng mga salitang ito na inihayag ni propeta Isaias, ang Diyos ay nagdulot ng kaligayahan sa lahat. Kaligayahan ang dulot ng mga salitang ito sa mga kabilang sa bayan ng Diyos. Sa kabila ng kanilang mga pagkakasala, iniibig pa rin sila ng Diyos. At sa pahayag ring ito, inihayag ang pangakong pagtubos ng Diyos sa Kanyang bayan. Ipagpapatuloy ng Diyos ang Kanyang pagtubos sa Kanyang bayan sapagkat mahal na mahal Niya ang Kanyang bayan. At iyan ay naghatid ng kaligayahan sa lahat.
Sa Ikalawang Pagbasa, si Apostol San Pablo ay nangaral sa isang sinagoga tungkol kay Kristo Hesus. Itinuro niya na sa pamamagitan ni Kristo Hesus, naihayag ang pag-ibig ng Diyos para sa lahat. Ang pangakong binitiwan ng Diyos sa Matandang Tipan ay natupad sa pamamagitan ni Kristo. Sabi ni Apostol San Pablo sa isang bahagi ng kanyang pangangaral na si Hesus ang ipinangakong Manunubos na nagmula sa lipi ni Haring David (13, 24). Si Hesus ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos na naghayag ng pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos sa lahat. Siya ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, ang Diyos Anak, na walang sawang umiibig sa lahat. Pinatunayan Niya ito noong ipinasiya Siya dumating sa sanlibutan bilang Mesiyas at Tagapagligtas.
May dalawang bahagi ang Ebanghelyo. Sa unang bahagi ng Ebanghelyo, itinampok ang talaan ng angkang kinabilangan ng Panginoong Hesus. At sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, isinalaysay ang pagtanggap ni San Jose sa kanyang pananagutan bilang kabiyak ng puso ng Mahal na Birheng Maria at amain ng Panginoong Hesus dito sa lupa. Inihayag ng anghel na nagpakita sa panaginip ni San Jose na ang Sanggol na dinadala ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang sinapupunan ay ang ipinangakong Tagapagligtas. Siya ang Emmanuel, ang Diyos na nananahan kapiling ang bawat tao. At ang Pangalan Niya ay Hesus. Iyan ang pinagtuunan ng pansin ng napakahabang salaysay sa Ebanghelyo.
Ang ating ginugunita sa pagdiriwang ng Pasko ay ang pag-ibig ng Emmanuel. Dahil sa pag-ibig, ipinasiya ng Emmanuel na si Kristo Hesus na maging tao katulad natin, maliban sa kasalanan, upang mamuhay sa ating piling. Ito ang dahilan kung bakit ipinasiya Niyang maging isang sanggol na kalong-kalong ni Maria. Nais ipaalam sa atin ni Hesus na Siya'y lagi nating kasama. Nais ni Hesus na malaman natin kung gaano Niya tayo kamahal. Si Hesus ang lagi nating kasama at kaisa sa lahat ng pagkakataon. Hinding-hindi Siya iiwanan o pababayaan. Siya'y lagi nating kasama. Mananatili Siyang tapat sa Kanyang pangako. Mananatili Siyang tapat sa atin at ang katapatan Niya'y hindi magmamaliw. Ganyan tayo kamahal ng Emmanuel.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento