28 Disyembre 2018
Kapistahan ng mga Banal na Sangol na Walang Kamalayan, mga martir
1 Juan 1, 5-2, 2/Salmo 123/Mateo 2, 13-18
Isang malagim na pangyayari ang isinalaysay ni San Mateo sa Ebanghelyo. Ang kaganapan ito ay puno ng dugo, ng karahasan, ng kadiliman. Isa itong madilim sa sandali sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Iniutos ni Haring Herodes na paslangin ang lahat ng mga sanggol na lalaki sa Betlehem. Maraming mga sanggol na lalaki na dalawang taong gulang pababa ang pinatay ng mga tauhan ni Herodes. Sa kanyang pagkauhaw at pagkasakim sa kapangyarihan, ipinapaslang niya ang lahat ng mga lalaking sanggol para lamang manatiling hari.
Walang awang pinaslang ang mga lalaking sanggol na walang malay sa bayan ng Betlehem. Silang lahat ay mga biktima ng karahasan. Wala naman silang nagawa laban kay Herodes. Natakot lamang si Haring Herodes sa katuparan ng propesiya sa Lumang Tipan. Nais niyang magpakasarap sa kanyang posisyon. Balak niyang manatili sa kapangyarihan habambuhay. Para sa kanya, ang Banal na Sanggol na si Hesus ay sagabal sa kanyang plano. Sagabal ang Panginoong Hesus sa kanyang ambisyong manatiling hari. Kaya, ipinasiya ni Haring Herodes na utusan ang kanyang mga kawal na patayin ang lahat ng mga sanggol na lalaking dalawang taong gulang pababa para lamang matiyak na mawala na ang sagabal na si Kristo.
Sa pamamagitan ng ginawa ni Haring Herodes, lumaganap ang kadiliman. Sabi nga ni Apostol San Juan sa Unang Pagbasa na ang kadiliman ay hindi nagmumula sa Diyos. Ang ginawa ni Haring Herodes sa mga inosenteng sanggol na lalaki ay isang halimbawa ng pagsuway sa kalooban ng Diyos. Taliwas sa kalooban ng Diyos ang ginawa ni Haring Herodes. Kadiliman ang kanyang ipinalaganap. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang mang-api ng mga inosente. At ang pang-aapi ng inosente ay nagpapalaganap ng kadiliman. Subalit, ang Diyos ay nagpapalaganap ng kaliwanagan at kabutihan. Hindi ginamit ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan para mang-api ng tao. Bagkus, ginamit ng Diyos ang Kanyang kapangyarihang hindi mapapantayan o mahihigitan upang iligtas ang lahat ng tao.
Tinatanong ang bawat isa sa atin ng mga Pagbasa kung nais ba nating pumanig sa Diyos. Kung talagang gusto nating maging mga tunay na kapanig ng Panginoon, ipalaganap natin ang Kanyang kaliwanagan at kabutihan. Huwag nating abusuhin o apihin ang kapwa, lalo na ang mga inosente't mahihina. Kung aapihin natin ang kapwa nating mahihina't inosente, hindi tayo magiging kapanig ng Diyos. Iyan ay labag sa kalooban ng Panginoon. Kung gagawin natin iyan, kadiliman ang ating ipinapalaganap at inihahatid sa kanila. Hindi iyan ang misyon ng lahat ng nasa panig ng Panginoon. Ang misyon ng mga nasa panig ng Panginoon ay ipalaganap ang kapayapaan at kaliwanagang nagmumula sa Kanya.
Kung nais nating maging kapanig ng Panginoon, tatanggapin at tutuparin natin ang misyong ibinigay Niya sa atin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento