24 Disyembre 2018
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikasiyam na Araw
2 Samuel 7, 1-5. 8b-12. 14a. 16/Salmo 88/Lucas 1, 67-79
Sa Ebanghelyo, ang ama ni San Juan Bautista na si Zacarias ay nagbigay ng patotoo tungkol sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isang awitin. Sa awit na ito, inilarawan ni Zacarias kung paanong inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob sa lahat. Ang awit ni Zacarias ay isang patotoo tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ang dahilan ng lahat ng nangyari noong kapanahunang yaon. Mga kaganapang hindi akalaing magaganap.
Nangyari ito matapos ang pagpapangalan kay Juan Bautista. Isang sumpa ang ibinigay kay Zacarias dahil pinagdudahan niya ang ibinalita ng Arkanghel na si San Gabriel sa kanya noong nagpakita ang anghel sa kanya sa loob ng templo. Subalit, ang sumpang ito ay may hangganan. Sabi ng anghel na si Gabriel na mananatiling pipi't bingi si Zacarias hanggang sa matupad ang pagsilang at pagpapangalan sa kanilang anak (1, 20). At nangyari nga ang lahat ng iyon. Nang maipanganak ang sanggol at pinangalanang Juan, saka pa lamang nanumbalik ang kakayahan ni Zacarias na makapagsalita at makarinig. At nang manumbalik ang kanyang boses at pandinig, ang unang ginawa ni Zacarias ay magbigay ng papuri at karangalan sa Diyos sa pamamagitan ng isang awit. At sa awiting ito, nagpatotoo si Zacarias tungkol sa kabutihan at kagandahang-loob ng Panginoon.
Ang pag-ibig at kabutihan ng Panginoong Diyos na pinatotohanan ni Zacarias sa kanyang awit ay nahayag noon pa man. Katulad na lamang kay Haring David sa Unang Pagbasa. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni propeta Natan ang Kanyang pangako kay David. Ipinangako ng Panginoon kay David na patatatagin Niya ang kanyang sambahayan. Ang kanyang sambahayan ay magiging matatag dahil sa Panginoon. At isa sa mga magiging anak niya ang pipiliin at hihirangin ng Diyos upang maging kahalili ni David bilang hari ng Israel. Tinupad nga ng Diyos ang pangakong ito sa pamamagitan ng Kanyang paghirang kay Solomon. Si Solomon na pangalawang anak ni David kay Bat-seba (ang una nilang anak ay namatay) ay hinirang ng Diyos upang maging kapalit ng kanyang ama. At nagmula rin sa angkan ni Haring David ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos na si Kristo Hesus na Anak ng Ama at Anak ni Maria.
Sa kabila ng mga nagawa nila, tinupad pa rin ng Diyos ang Kanyang ipinangako sa kanila. Si Haring David ay nagkasala laban sa Diyos na humirang sa kanya bilang hari ng Israel sa pamamagitan ng pakikiapid kay Bat-seba at pag-utos sa kanyang mga kawal na isubo si Urias sa mga kalaban at umatras para mamatay siyang mag-isa (2 Samuel 11, 26). Ang resulta noon, namatay ang kanyang unang anak kay Bat-seba dahil sa isang malubhang karamdaman. Subalit, ang pangalawang anak niya kay Bat-seba na si Solomon ay hinirang ng Diyos upang maging kanyang kahalili. Si Zacarias naman ay hindi naniwala sa ibinalita sa kanya ng anghel. Dahil diyan, nakatanggap siya ng isang sumpa. Hindi siya makakapagsalita o makakarinig sa loob ng siyam na buwan hanggang sa mangyari ang inihayag sa kanya. Sa kabila ng mga iyon, hindi binawi ng Diyos ang Kanyang plano. Hindi binawi ng Diyos ang Kanyang pangako. Bagkus, itinuloy pa rin Niya ang Kanyang plano. Ang pangakong binitiwan ay Kanya pa ring tinupad. Sa pamamagitan nito'y nahayag ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at kabutihan.
May magandang plano ang Diyos para sa bawat isa. Hindi mapipigilan ng anumang pagkakasalang gawin natin laban sa Kanya ang Kanyang maganda at mabuting hangarin para sa bawat isa. Ang Kanyang magandang hangarin para sa ating lahat ay isinasalamin ng Kanyang plano. Wala Siyang hinahangad na masama para sa bawat isa. Ang lahat ng Kanyang hinahangad para sa bawat isa ay mabuti't maganda. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng Kanyang pagpapatupad ng Kanyang pangako sa bawat isa, inihahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig at kabutihan. Kahit hindi tayo karapat-dapat na maranasan iyon, pinahintulutan ng Diyos na ipadama sa bawat isa sa atin ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at kabutihan.
Katulad ni Zacarias na ama ni San Juan Bautista, may mga pagkakataon sa ating buhay kung saan nating pinagdudahan ang Diyos. Subalit, katulad rin ni Zacarias, naranasan pa rin natin ang katuparan ng pangako ng Panginoon na naghahayag ng Kanyang pag-ibig at kabutihan. At tulad ni Zacarias, tinatawag tayong magpatotoo tungkol sa pag-ibig at kabutihan ng Diyos na hindi magmamaliw kailanman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento