20 Oktubre 2019
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Exodo 17, 7-13/Salmo 120/2 Timoteo 3, 14-4, 2/Lucas 18, 1-8
Minsan nang itinuro ni Hesus sa mga apostol, "Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makasusumpung; kumatok kayo at ang pinto'y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto para sa mga kumakatok" (Lucas 11, 9-10). Dagdag pa Niya sa huling bahagi ng pangaral na ito sa mga apostol, "Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya!" (Lucas 11, 13). Ang pangaral na ito ni Hesus ay naganap matapos Niyang ituro sa mga apostol ang "Ama namin." Muli Niyang itinuro sa mga apostol ang aral na ito sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ng Panginoong Hesus sa mga alagad ang talinghaga tungkol sa hukom at sa babaeng balo upang ituro ang kahalagahan ng pagiging matiyaga sa pananalangin. Kung tunay tayong nananalig sa Diyos, hindi tayo dapat panghihinaan ng loob. May mga pagkakataon kasi na nanghihina ang mga puso't loobin natin sapagkat pakiwari natin hindi pinapakinggan ng Diyos ang ating mga dalangin. Hindi natin masisi ang isa't isa sapagkat tiyak na pinagdaanan iyan ng bawat isa sa atin. Kung tutuusin, mahirap ang ipinapagawa sa atin ni Kristo. Paano nga ba tayo hindi panghihinaan ng loob kapag hindi dinidinig ng Panginoong Diyos ang ating mga dalangin at pagsusumamo sa Kanya?
Bilang tao, may mga pagkakataon sa ating buhay kung saan tayo'y panghihinaan ng loob. Hindi natin masisi ang bawat isa na manghina ang loob. Kapag ang takbo ng ating buhay ay hindi maganda, manghihina ang ating loob. Kapag nakakaranas tayo ng kabiguan at pighati, madaling manghina ang loob natin. Alam naman natin na hindi malakas ang ating loob sa lahat ng oras. Hindi tayo laging masaya sa lahat ng oras. Gustuhin man natin maging maginhawa at masaya sa bawat araw, hindi iyan mangyayari. Sadyang napakasakit ang katotohanang iyan.
Kung tutuusin, ang ipinapagawa sa atin ng Panginoong Hesukristo sa Ebanghelyo ay napakahirap. Nais man natin itong sundin, hindi ito madaling gawin. Bilang tao, hindi laging malakas ang ating loob. Nanghihina rin ang ating mga loobin. Madali para sa atin na panghinaan ng loob. Katunayan, nakikita rin natin ito kapag tayo'y nananalangin sa Diyos. Kapag pakiramdam natin na hindi dinidinig ng Panginoong Diyos ang ating mga panalangin at kahilingan sa Kanya, nanghihina ang ating mga loobin. Ayaw man natin ito aminin dahil nakakahiya, iyan ang totoo. Kahit anong gawin natin, ang katotohanang ito ay hinding-hindi natin maikukubli, matatakasan, o 'di kaya mapagkakaila. Kapag hindi nakamit ang hinihiling, manghihina ang ating mga puso't loobin. At nakakalungkot isipin, nawawalan pa nga tayo ng motibasyon upang manalangin sa Diyos. Bakit? Mukhang hindi Siya nakikinig sa atin.
Subalit, para sa Panginoong Hesus, ang halimbawang ipinakita ng babaeng balo sa talinghagang Kanyang isinalaysay sa Ebanghelyo ay dapat tularan. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng hukom sa kanya, hindi siya tumigil sa pakikibaka para sa katarungan. Bagkus, pinili niyang maging pursigido hanggang sa siya'y pagbigyan ng hukom. Ang mentalidad ng babaeng balo sa talinghaga ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo ay dapat tularan ng bawat isa kapag nananalangin sa Diyos.
Ang mentalidad na ito ay naipakita rin sa Unang Pagbasa. Buong kataimtiman na nanalangin si Moises sa Panginoon nang nakataas ang kamay para sa hukbo ng mga Israelita na pinamunuan ni Josue na nakipagdigma sa mga Amalecita. Habang siya'y dumalangin sa Diyos para sa tagumpay ng mga Israelita sa digmaan, may mga sandali kung saan nakaranas ng kapaguran ang kanyang kamay. Dahil diyan, ibinababa ni Moises ang kanyang mga kamay. Iyon nga lang, kapag nakababa ang kanyang mga kamay, natatalo ang mga Israelita. Kaya, tinulungan siya nina Aaron at Hur sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang mga kamay nang pataas. Nang gawin nila iyon, sila'y nakiisa sa panalangin ni Moises sa Diyos para sa tagumpay ng bayang Israel. Hindi sila tumigil sa pananalangin sa Diyos para sa bayang Israel. Dahil diyan, nagtagumpay ang mga Israelita sa digmaan laban sa mga Amalecita.
Ipinaalala naman ni Apostol San Pablo si San Timoteo sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa na huwag talikdan ang mga aral na kanyang natutunan at pinananaligan (3, 14). Isa sa mga aral na kanyang natutunan at pinanaligan nang buong katapatan ay tungkol sa pagiging pursigido sa pananalangin sa Panginoon. Ang lahat ng mga dumadalangin sa Diyos ay hindi dapat panghinaan ng loob. Hindi dapat isuko o bitawan ng bawat isa ang kanilang pananalig sa Panginoong Diyos dahil mukhang hindi Niya pinakikinggan ang ating pagdalangin. Hindi dapat isipin ninuman na nilalayo ng Panginoon ang Kanyang sarili sa atin. Bagkus, lagi Siyang lumalapit sa bawat isa. Ang bawat isa sa atin na Kanyang inaangkin bilang Kanyang mga anak ay malapit sa Kanyang Puso. Lagi Niyang nilalapit sa atin ang Kanyang Puso. Lagi Siyang handang makinig sa mga panalangin natin.
Mahirap ngang manghina ang ating loob. Subalit, ipinapaalala sa atin ng Panginoon na hindi tayo dapat panghinaan ng loob kapag tayo'y nananalangin sa Kanya. Kung ang bawat isa sa atin ay nabibigo ng ating kapwa, hindi tayo bibiguin ng Diyos. Ang Diyos ay hindi matigas pagdating sa atin. Hindi Siya dumidistansya mula sa ating lahat. Bagkus, patuloy Siyang lumalapit sa atin upang pakinggan ang Kanyang mga panalangin. Kaya, wala tayong dahilan upang panghinaan ng loob. Manalig lamang tayo sa Diyos. Manalangin tayo sa Kanya. Lagi Siyang nakikinig.
Isang napakalaking hamon para sa atin na sundin ang aral na itinuro ni Hesus sa talinghagang isinalaysay Niya sa Ebanghelyo. Mahirap panatilihing ang katatagan ng ating loob sa bawat sandali ng ating buhay. Hindi natin masisi ang bawat isa kung iyan ang kanyang mararamdaman. Subalit, pagdating sa Diyos, hindi tayo dapat panghinaan ng loob. Hindi Siya nambibigo. Bagkus, lagi Siyang tapat sa atin. Hindi matutumbasan ninuman ang Kanyang katapatan. Kaya naman, lakasan natin ang ating loob. Hindi Niya tayo bibiguin. Lagi Siyang handang makinig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento