1 Nobyembre 2019
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal
Pahayag 7, 2-4. 9-14/Salmo 23/1 Juan 3, 1-3/Mateo 5, 1-12
Sa Unang Pagbasa, inilahad ni Apostol San Juan ang kanyang mga nakita sa isang pangitain na ibinigay sa kanya ng Panginoon. Sa nasabing pangitain, nakita niya ang dami ng mga taong sumasamba sa Kordero. Ang mga taong ito ay nagmula sa iba't ibang lipi, wika, bayan, at bansa (7, 9). Sa pamamagitan ng pangitaing ito, ang tanong tungkol sa mga nasa piling ng Panginoon ay nasagot. Ang lahat ng mga banal na nasa piling ng Panginoon sa langit ay nagmula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang langit ay hindi lamang para sa mga taong mula sa mga piling lipi o lahi. Bagkus, ang langit ay bukas sa lahat.
Bakit bukas ang pintuan ng langit para sa lahat? Sinagot ni Apostol San Juan ang tanong na ito sa Ikalawang Pagbasa. Kung tutuusin, malalaman natin ang sagot sa pambungad pa lamang ng aral ni Apostol San Juan sa Ikalawang Pagbasa. Ano ang sagot sa tanong na ito? Pag-ibig. Dahil sa pag-ibig ng Panginoon, tayong lahat ay binibigyan Niya ng pagkakataong makapasok sa langit. Tunay ngang mapagmahal ang Diyos. Kaya, inaanyayahan Niya tayong tahakin ang landas ng kabanalan. Ang landas ng kabanalan ay ang landas patungo sa langit. Nais ng Diyos na makapasok tayong lahat sa langit. Nais ng Panginoon na tayong lahat ay Kanyang makapiling magpakailanman sa katapusan ng ating buhay dito sa daigdig.
Tayong lahat ay inaanyayahan ng Diyos na maglakbay patungo sa langit. Isa itong pagpapala para sa ating lahat. Subalit, sa ating paglalakbay patungo sa langit, may mga kailangan tayong gawin. May kapalit ang ating pagtanggap sa pagpapalang ito. Inilahad ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo ang lahat ng mga kailangan nating gawin habang tayo'y naglalakbay dito sa daigdig. Kapag namuhay tayo ayon sa mga aral ni Hesus sa Ebanghelyo, matitiyak natin ang ating pagpasok sa langit.
Isa ngang pagpapala mula sa Diyos ang pagkakataong ibinibigay Niya sa atin na makapasok sa langit. Tayong lahat ay binibigyan Niya ng pagkakataong ihanda ang ating mga sarili para sa buhay na walang hanggan sa Kanyang piling sa langit. Pero, hindi madali ang ipinapagawa sa atin. Mahirap ang ipinapagawa sa atin ng Diyos sa bawat sandali ng ating paglalakbay dito sa daigdig. Mahirap ihanda ang ating mga sarili para sa buhay na walang hanggan sa Kanyang piling sa langit. Kailangan nating mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. Hindi biro iyan. Mahirap iyan gawin, lalung-lalo na kung labag ito sa ating kalooban. Subalit, kung tayo'y mamumuhay ayon sa Kanyang kalooban, ipinapakita natin ang ating katapatan sa Kanya. At ang mga mananatiling tapat sa Panginoon hanggang wakas ay Kanyang tatanggapin sa langit. Makakapasok tayo sa langit kung tayo'y mananatiling tapat sa Panginoong Diyos hanggang wakas.
Kung hinahangad nating matamasa ang biyaya ng buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoon sa kalangitan, manatili tayong tapat sa Kanya hanggang wakas. Mamuhay tayo ayon sa mga utos at aral ni Kristo. Piliin nating mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos sa bawat sandali ng ating paglalakbay dito sa lupa. Kapag iyan ang ating ginawa, ipinapakita natin ang ating katapatan sa Panginoon. Kapag tayo'y nanatiling tapat sa Panginoon hanggang sa huli, tayong lahat ay papapasukin Niya sa kalangitan. Mayroon pa nga silang mga silid sa langit. Ang mga silid na ito'y pinaghandaan pa nga ng Panginoong Diyos. Bakit? Dahil ang langit ay tahanan ng mga nagpasiyang manatiling tapat sa Kanya hanggang sa huli.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento