Ikalabintatlong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
2 Hari 4, 8-11. 14-16a/Salmo 88/Roma 6, 3-4. 8-11/Mateo 10, 37-42
Sa Ebanghelyo, inihayag ni Hesus sa mga apostol na ang sinumang tumanggap sa isa sa kanila ay Kanyang pagpapalain. Ang pagtanggap sa kahit isa sa mga apostol ni Hesus, ayon na rin mismo sa inihayag ni Hesus, ay pagtanggap rin sa Kanya. At ang pagtanggap kay Hesus ay pagtanggap rin sa Amang nasa langit na nagsugo sa Kanya dito sa lupa. Makakatanggap ng maraming pagpapala mula sa Panginoong Diyos ang mga tumanggap sa Kanya nang buong puso't kaluluwa.
Ito ang ginawa ng isang mag-asawa para kay propeta Eliseo sa Unang Pagbasa. Ang kanilang pagtanggap kay propeta Eliseo na isinugo ng Diyos ang naging daan tungo sa pagpasok ng pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay. Dahil sa pagtanggap nila kay propeta Eliseo, sila'y nakatanggap ng isang napakalaking pagpapala mula sa Diyos. Inihayag ni propeta Eliseo sa magkabiyak ng puso na magkakaanak sila sa susunod na taon. Matagal nang walang anak ang mag-asawang ito. Subalit, noong tinanggap at pinatuloy nila sa kanilang tahanan si propeta Eliseo, sila'y nakatanggap ng isang napakalaking gantimpala mula sa Dios. Magkakaanak sa susunod na taon ang mag-asawang ito. Tinanggap nila ang Diyos sa kanilang buhay noong tinanggap nila ang propetang si Eliseo na Kanyang hinirang at sinugo.
Nagsalita si Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ukol sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sinugo ng Diyos si Kristo Hesus sa sanlibutan upang padaluyin ang Kanyang Awa't pagpapala sa lahat ng tao sa pamamagitan Niya. Pumasok sa sanlibutan ang pagpapala ng Dios na nagliligtas sa lahat sa pamamagitan ng pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang Awa at pagpapala ng Diyos ay dumating sa lupa sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sinugo ng Diyos si Hesus upang padaluyin ang Kanyang habag at pagpapala sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay.
Ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang Awa't pagpapala sa lahat ng mga tumatanggap at nananalig sa Kanya. Hindi Niya ipinagdadamot sa mga tumatanggap sa Kanya nang buong pusong pananalig at pananampalataya sa Kanya. Hindi ipinagkakait ng Dios ang Kanyang habag at pagpapala. Bagkus, kusa Niya itong ibinabahagi at ibinibigay sa lahat ng mga nananalig at sumasampalataya nang buong puso't kaluluwa.
May gantimpalang inilaan ang Diyos para sa lahat ng mga buong pusong tatanggap at mananalig sa Kanya. Pagpapalain at kahahabagan ng Panginoong Dios ang lahat ng mga tatanggap sa Kanya. Lalong mararanasan ng mga tatanggap sa Panginoong Diyos ang Kanyang habag at pagpapalang walang hanggan.
Ang Diyos ay tunay ngang mapagpala at mapagmahal. Hindi Niya ipinagkakait ang Kanyang Awa't biyaya. Bagkus, kusa Niyang ibinabahagi at ibinubuhos ang mga ito sa ating lahat. Sa pamamagitan ng Kanyang habag at biyaya, inihahayag ng Dios sa lahat ang Kanyang pag-ibig na walang hanggan. Lalo nating mararanasan ang Awa at pagpapala ng Diyos na nagdulot ng ating kaligtasan kung buong puso't kaluluwa nating Siyang tatanggapin sa ating buhay at sasambahin magpakailanman.
Sa pamamagitan ng Kanyang Awa't grasya, inihahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig na walang maliw na dapat lagi nating sambitin. Ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ang nagligtas sa ating lahat sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Pag-ibig Mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. (Salmo 88)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento