21 Enero 2018
Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Banal na Sanggol (B)
Isaias 9, 1-6/Salmo 97/Efeso 1, 3-6. 15-18/Marcos 10, 13-16
"...kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila." (10, 16) Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nagwakas ang salaysay sa Ebanghelyo ngayon. Matapos pagsabihan ang mga alagad tungkol sa kanilang pagiging mahigpit sa mga batang dinala sa Kanya, hinayaan ni Hesus na Siya'y lapitan ang mga ito upang makatanggap sila ng pagpapala mula sa Kanya. Kung ano ang ginawa Niya sa mga batang dinala sa Kanya ay ginawa rin Niya para sa lahat ng tao sa bawat sulok ng daigdig. Sa pamamagitan ng Kanyang pagparito sa lupang ibabaw, ipinagkaloob ni Hesus sa sangkatauhan ang pinakadakilang pagpapala mula sa Kataas-taasan - ang kaligtasan at kalayaan mula sa mga pwersa ng kadiliman, kasalanan, at kamatayan.
Ito ang mensaheng nais iparating sa atin ng imahen ng Banal na Sanggol na si Hesus, ang Mahal na Poong Santo Niño. Ang Panginoong Hesus ay buong kabababaang-loob na bumaba mula sa langit at nagkatawang-tao katulad natin, maliban sa kasalanan, para sa ating kaligtasan. Tinanggap Niya ang bawat yugto ng ating pagkatao, mula sa pagkabata hanggang sa paglaki. Siya ang tinutukoy ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa noong kanyang inihayag na ipinanganak ang isang sanggol na lalaki para sa lahat ng tao. Ang Batang Hesus ay pumanaog sa mundo bilang isang sanggol na ipinaglihi ng Mahal na Birheng Maria upang ihatid sa lahat ng tao ang biyaya ng Kanyang kapayapaan at pagtubos.
Ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng Batang Banal na si Kristo Hesus ang nais bigyang-diin ng mang-aawit ng Salmo Responsorio, "Kahit saa'y namamalas tagumpay ng Nagliligtas." (97, 3k) Sa pamamagitan ng Banal na Sanggol na si Kristo, inihayag at ipinamalas sa lahat ng tao mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ang dakila't matagumpay na pagliligtas ng Diyos. Ang tagumpay ng Diyos na nagpasiyang iligtas ang sangkatauhan dahil sa Kanyang pag-ibig at habag. Ang tagumpay ng habag at pag-ibig ng Diyos ay namalas sa Kanyang pagtubos sa sangkatauhan. Ang tagumpay na ito ng pag-ibig at habag ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ay inihayag sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo na dumaan sa yugto ng buhay ng bawat tao, mula pagkabata hanggang paglaki.
Si Apostol San Pablo ay nagsalita rin tungkol sa misteryo ng habag at pag-ibig ng Diyos na nagdulot ng kaligtasan sa lahat sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso. Wika ni Apostol San Pablo na dapat purihin ang Diyos dahil sa Kanyang pagkalinga sa lahat sa pamamagitan ni Kristo Hesus (1, 6). Sa pamamagitan ni Kristo na tumanggap sa ating pagkatao, lalung-lalo na ang ating kabataan, inihayag ang mapagkalingang habag at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Kalooban ng Diyos na tayo'y kalingain. Ang mapagkalingang habag at pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit Niyang ipinasiyang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesukristo.
Napakahalaga ang mensaheng nais iparating ng Santo Niño sa ating lahat. Ang aral at mensaheng nais Niyang iparating sa atin - tayong lahat ay Kanyang iniligtas dahil sa Kanyang habag at pag-ibig. Inihayag at ipinamalas ng Diyos ang Kanyang mapagkalingang habag at pag-ibig sa lahat ng tao noong Kanyang ipinasiyang tubusin sa pamamagitan ng Batang Banal na si Hesus. Sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, ang Diyos ay nagkatawang-tao upang ihayag at ipamalas sa lahat ang tagumpay ng Kanyang mapagpala at mapagkalingang habag at pag-ibig na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento