7 Enero 2018
Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Isaias 60, 1-6/Salmo 71/Efeso 3, 2-3a. 5-6/Mateo 2, 1-12
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagdalaw ng mga Pantas sa Sanggol na Hesus. Ang mga Pantas mula sa Silangan ay naglakbay nang napakalayo upang dalawin at sambahin ang bagong silang na Sanggol na Mesiyas, ang Hari ng mga Hudyo. Noong nakarating sila sa Herusalem, tinanong nila ang mga tagaroon kung saan nga ba nila matatagpuan ang lugar kung saan ipinanganak ang Banal na Sanggol. Sa kanilang pagtatanong sa mga tagaroon, inihayag nila na nakita nila ang tala ng Mesiyas mula sa Silangan. Ang tala ng Mesiyas ang umakay sa mga Pantas mula sa lugar na kanilang pinagmulan sa Silangan patungo sa lupain ng Judea.
Maningning ang liwanag ng tala ni Kristo na umakay sa mga Pantas sa kanilang paglalakbay patungo sa Judea. Sa gitna ng kadiliman ng gabi, may isang tala na nagningning nang buong liwanag. Ang kaliwanagan ng talang ito ay higit na maliwanag at maningning kaysa sa ibang mga talang nagningning sa gabing yaon. Ang talang nagningning nang buong kaliwanagan sa gabing yaon ay ang tala ni Kristo. Ang liwanag ng tala ni Kristo ay higit na maningning at maliwanag kaysa sa ibang mga tala sa kalangitan noong gabing yaon. Ito'y nakita ng mga Pantas at sinundan upang mahanap ang Banal na Sanggol na si Kristo na ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria.
Ang liwanag ng Diyos na naghahayag ng Kanyang kadakilaan ay una Niyang inihayag sa pamamagitan ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa. Sa pamamagitan ng bayang Israel, magniningning ang liwanag ng Diyos na naghahayag ng Kanyang kaluwalhatian sa lahat. Masasaksihan ng bawat tao mula sa iba't ibang bansang nababalot ng dilim ang liwanag ng Panginoon na nagniningning sa Herusalem. Ang liwanag ng Panginoon ay sisinag sa Herusalem. Ang Herusalem ay magiging instrumento ng Diyos sa paghahayag ng Kanyang kadakilaan na nagliliwanag at nagniningning sa gitna ng kadiliman. Ang kaliwanagan ng Diyos ay higit na makapangyarihan kaysa sa kapangyarihan ng kadilimang bumabalot sa daigdig. Ang kadiliman ay hindi na mamamayani; mamamayani ang liwanag ng Diyos.
Nagpatotoo rin si Apostol San Pablo tungkol sa liwanag ng Diyos sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso. Wika ni Apostol San Pablo na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang tungkulin ng pagpapatotoo at pagsaksi sa Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Hesukristo. Sa pamamagitan ng pagsaksi ni Apostol San Pablo at ng kanyang mga kapwa misyonero't apostol, ang lahat ng tao mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ay namumulat sa katotohanan tungkol sa kadakilaan ng Diyos. Ang mga apostol ay nagsilbing mga instrumento ng liwanag ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagpapatotoo tungkol sa Mabuting Balita, naliwanagan ang mga puso't isipan ng bawat tao mula sa iba't ibang sulok ng daigdig tungkol sa misteryo ng kagandahang-loob ng Diyos na inihayag Niya sa pamamagitan ng ipinangakong Mesiyas at Manunubos na si Kristo Hesus.
Kaya nga, sabi sa Salmo, "Poon, maglilingkod sa 'Yo tanang bansa nitong mundo." (71, 11) Ang bawat tao mula sa iba't ibang sulok ng mundo ay buong kagalakang maglilingkod sa Poong Maykapal sapagkat ang Kanyang kadakilaan ay ipinamalas Niya sa lahat ng tao. Ibinunyag ng Panginoong Diyos sa lahat ng tao ang misteryo ng Kanyang kadakilaan. Ipinasiya Niyang gawin ito dahil sa Kanyang kagandahang-loob. At nang maliwanagan ang mga puso't diwa ng bawat tao mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig, ang sangkatauhan ay napuno ng kagalakan pagkat ang Diyos ay tunay ngang dakila at may kagandahang-loob.
Ang tala ng Betlehem na umakay sa mga Pantas mula sa Silangan patungo sa lugar ng kapanganakan ni Kristo ay naghayag ng Kanyang kadakilaan. Nagningning sa gitna ng kadiliman ng gabi ang tala ng Mesiyas. Sa pamamagitan ng liwanag ng talang nagningning sa gitna ng gabing madilim, inihayag ng Panginoon sa lahat ang Kanyang kadakilaan. Ang kadakilaan ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Banal na Sanggol na si Hesus. Sa pagliwanag ng talang ito, kagalakan ang inihatid ng Diyos sa mga Pantas at sa lahat ng tao sa iba't ibang sulok ng daigdig. Ipinasiya ng Diyos na gawin ito dahil sa Kanyang kagandahang-loob sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng paggawa nito, ang Dios ay nagdulot ng kagalakan sa lahat ng tao mula sa lahat ng mga bansa sa sanlibutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento