28 Enero 2018
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Deuteronomio 18, 15-20/Salmo 94/1 Corinto 7, 32-35/Marcos 1, 21-28
Ang paksa ng mga Pagbasa ngayong Linggo ang paglilingkod. Tatlong tao ang itinatampok ng mga Pagbasa ngayong Linggo upang bigyang-diin ang kahalagahan ng paglilingkod. Sa Unang Pagbasa, itinampok si Moises na iniatasan ng Diyos na maging Kanyang tagapagsalita sa mga Israelita sa ilang. Sa Ikalawang Pagbasa, itinampok si Apostol San Pablo na naging lingkod ng Panginoon sa mga Hentil. Kaya nga, si Apostol San Pablo ay kilala bilang apostol at misyonero sa mga Hentil. At sa Mabuting Balita, itinampok ang Panginoong Hesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. Siya ang dakilang huwaran ng paglilingkod. Hinubad Niya ang Kanyang pagka-Diyos at nagkatawang-tao upang paglingkuran ang Diyos.
Nagsalita si Moises sa mga Israelita sa Unang Pagbasa tungkol sa pagpili't paghirang ng Diyos sa isa sa kanila na maging propetang katulad niya. Naaalala ng Diyos ang pagsamo ng mga Israel na huwag nang iparinig sa kanila ang Kanyang tinig sapagkat tiyak na ito'y ikamamatay nila. Kaya naman, si Moises ay iniatasan ng Diyos na maging Kanyang propeta, tagapagsalita. At sa paglalapit na pagtatapos ng kanyang tungkulin bilang propeta ng Diyos sa mga Israelita at ng kanyang buhay dito sa lupa, ipinaalala ni Moises sa mga Israelita ang pangako ng Diyos. Ang Diyos ang pipili't hihirang sa isa sa mga Israelita upang maging kahalili ni Moises na maglilingkod sa Kanya at sa bayang Israel bilang Kanyang propeta. Bilang propeta, ihahayag niya sa kanyang mga kababayan ang mensahe ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang tungkulin bilang propeta, pinaglilingkuran niya ang Diyos.
Si Apostol San Pablo, ang apostol at misyonero sa mga Hentil, ay nagturo ukol sa paglilingkod sa Ikalawang Pagbasa. Sa unang tingin, mukhang mahigpit si Apostol San Pablo pagdating sa paglilingkod. Sinabi niya na ang mga lalaki't babaing walang asawa ay huwag nang umasang o pagplaunhan ang pag-aasawa. Para bang pinagbabawalan na niyang magpakasal ang mga walang asawa. Subalit, hindi naman tutol si Apostol San Pablo sa pag-iisang-dibdib. Bagkus, ang nais bigyang-diin ni Apostol San Pablo ay ang katapatan sa pagtatalaga ng sarili sa Diyos. Hindi na dapat pagnasaan o kauhawan ng mga nais magtalaga ng sarili sa Panginoong Diyos ang mga pita ng laman. Sapat na ang Diyos sa kanilang buhay.
Isinalaysay at itinampok ni San Marcos sa Ebanghelyo ang isang bahagi ng ministeryo ng perpektong huwaran ng paglilingkod na si Hesus. Ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus ay binubuo ng Kanyang pagtuturo o pangangaral sa mga tao at mga himala, tulad na lamang ng Kanyang ginawa para sa isang lalaking sinapian ng masamang espiritu sa huling bahagi ng Ebanghelyo. Sa pamamagitan ng Kanyang pampublikong ministeryo at Misteryo-Paskwal, inihayag at inihatid ni Hesus ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Dahil sa pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos na walang kapantay, ipinasiya Niyang bumaba mula sa langit at maging tao katulad natin (maliban sa kasalanan) sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak at Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo na si Hesukristo upang iligtas at palayin ang sangkatauhan mula sa mga tanikala ng kasamaan, kadiliman, at kasalanan. Ito'y ipinasulyap ng Panginoong Hesukristo noong Kanyang pinalayas ang masasamang espiritu sa inaaliha't inaalipin nito sa huling bahagi ng salaysay ng Mabuting Balita ngayon.
Ang Panginoong Hesus ang perpektong huwaran ng ganap na paglilingkod. Batid ni Hesus na ang paglilingkod sa Diyos ay hindi madali. Alam Niyang may mga pagkakataon kung saan Siya'y susubukin, tulad na lamang ng ginawang pagtukso sa Kanya ng demonyo sa ilang bago pa man magsimula ang Kanyang ministeryo. Alam ni Hesus na marami ang hindi tatanggap sa Kanya dahil sa Kanyang pagtupad sa misyong ibinigay sa Kanya ng Ama. Subalit, sa kabila ng mga ito, pinili ni Kristo Hesus na manatiling tapat sa Kanyang paglilingkod sa Ama, gaano pa mang kahirap gawin ito at anuman ang maging kapalit nito. Kahit na ang kapalit ng Kanyang pagtupad sa kalooban ng Ama ay ang Kanyang sariling buhay, pinili pa rin ni Hesus na paglingkuran ang Ama nang buong kababaang-loob at pagtalima sa Kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento