31 Mayo 2019
Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria
Sofonias 3, 14-18 (o kaya: Roma 12, 9-16b)/Isaias 12/Lucas 1, 39-56
Hindi man ito napapansin ng karamihan, ang bawat isa'y may dinadala sa tuwing sila'y naglalakbay, lalung-lalo na kapag mayroon silang dinadalaw. Ito ang nais pagtuunan ng pansin ng mga Pagbasa para sa Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria. Hindi lamang mga materyal na bagay ang dinadala natin; pati na rin ang mga damdamin katulad ng kaligayahan o kalungkutan ay ating tinataglay at dinadala sa mga dadalawin natin.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang kamag-anak na si Santa Elisabet. Sa kanyang pagdalaw kay Elisabet, si Maria ay naghatid ng tuwa sa kamag-anak niyang ito na nagdadalantao katulad niya. Kahit ang sanggol na si San Juan Bautista na nasa loob ng sinapupunan ni Elisabet ay gumalaw sa tuwa nang batiin ni Maria si Elisabet. Bakit? Dahil dala niya sa kanyang sinapupunan noon ang Banal na Sanggol na si Kristo Hesus. Si Hesus na nagdala ng tuwa't galak sa lahat, lalung-lalo na kay Maria, sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay.
Nakakalungkot isipin na may mga nagdadala ng lagim at kasinungalingan, lalung-lalo na sa kasalukuyang panahon. Walang ibang ginawa kundi magkalat ng pekeng impormasyon at magbanta. Walang awa at malasakit sa kapwa. Walang pakialam sa mga inosenteng madadamay sa kanyang binabalak matupad lamang ang mga ito. Pababanguhin ang sariling pangalan sa pamamagitan ng paninindak at pagkalat ng kasinungalingan. Sariling kapakinabangan lamang ang kanilang iniisip at iniintindi. Balewala sa kanila ang kapakinabangan ng kapwa. Handa silang gawin ang lahat upang matupad ang ambisyon. Kahit nga ang mga marahas na gawain ay kanilang gagawin para sa ambisyon. At hihimukin pa nila ang lahat ng mga sumusuporta sa kanila na magkalat ng kasinungalingan para bumango ang kanilang pangalan at reputasyon sa madla. Sisirain ang lahat ng mga tumututol sa kanila. Kahit ang pagbabanta laban sa mga bumabatikos sa kanila ay kanilang gagawin. Hindi iyan ang gawain ng mga tunay na nasa panig ni Kristo.
Kung tunay tayong nasa panig ng Panginoong Hesukristo, hindi tayo magdadala ng lagim at takot. Hindi tayo magpapalaganap ng kasinungalingan o paninira. Bagkus, tanging Siya mismo ang ating ihahatid at ipapalaganap sa lahat. Siya, ang bukal ng pag-ibig, katotohanan, at kapayapaan, ay ating dadalhin. Katulad ng Mahal na Birheng Maria, taglayin natin ang Panginoong Hesus sa ating mga puso at ihatid sa ating kapwa. Sapat na para sa atin ang ihatid si Hesus sa lahat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento