29 Agosto 2019
Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, martir
Jeremias 1, 17-19/Salmo 70/Marcos 6, 17-29
Hindi nawala sa isipan ni San Juan Bautista ang posibilidad na siya'y ipapatay ng mga may matataas na posisyon sa lipunan dahil sa kanyang pagtupad sa misyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Batid niyang laging nanganganib ang kanyang buhay sa bawat araw. Kung tutuusin, sapat na dahilan iyon para sa kanya upang ihinto ang pagtupad sa pananagutang ibinigay sa kanya ng Diyos. Subalit, hindi nagpadala si San Juan Bautista sa kanyang takot. Pinili niyang tuparin nang buong katapatan ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos, kahit pa ang buhay niya ang kapalit nito.
Akmang-akma ang mga salita ng Panginoong Diyos kay propeta Jeremias sa Unang Pagbasa sa pagdiriwang ng paggunita sa kagitinang ipinakita ni San Juan Bautista hanggang sa siya'y mamatay bilang martir. Sinabihan ng Diyos si propeta Jeremias na huwag matakot sa mga makakabangga o makakalaban niya (1, 17-18). Si propeta Jeremias ay magkakaroon ng maraming kaaway dahil sa kanyang misyon. Subalit, ipinangako ng Panginoon kay Jeremias sa huling bahagi ng Unang Pagbasa na Siya ang mag-iingat sa kanya (1, 19). Iyan ang dahilan kung bakit naging matagumpay si propeta Jeremias sa pagtupad ng kanyang misyon bilang propeta. Kasama niya ang Diyos na laging tumulong at nagtanggol sa Kanya. Hindi siya pinabayaan ng Diyos, lalung-lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan.
Katulad ni propeta Jeremias sa Unang Pagbasa, si San Juan Bautista ay nagkaroon ng maraming kaaway. Marami siyang naging kaaway dahil buong katapatan niyang tinupad ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Tahas na nagsalita si San Juan Bautista tungkol sa katotohanan sa kanyang mga pangaral. Hindi siya nagpaligoy-ligoy kailan man. Hindi siya gumamit ng mga matatamis na salita sa kanyang mga pangaral upang siya'y kalugdan ng mga tao. Bagkus, diretsyo niyang inihayag ang mensahe ng Diyos sa Kanyang bayan. Para kay San Juan Bautista, ang lugod ng Diyos ang dapat makamit, hindi ang lugod ng tao. Mas mahalagang tuparin ang utos at kalooban ng Panginoon kaysa makamit ang lugod ng tao. Dahil sa kanyang mga pananaw at pangaral sa ilang, marami ang nagtanim ng galit sa kanilang mga puso. At ang galit na ito ang pumukaw sa kanila na pagbantaan ang buhay ni San Juan Bautista. Binalak nilang ipapatay si San Juan Bautista dahil sa kanilang galit sa kanya. Para sa kanila, hindi kaaya-aya ang mga sinasabi ni San Juan Bautista sa kanyang mga pangaral. Masyadong masakit tanggapin.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay kung paanong si San Juan Bautista ay namatay bilang isang martir. Nakabangga ni San Juan Bautista sina Haring Herodes at ang asawa ng kanyang kapatid na si Herodias. Sinabihan ni San Juan Bautista na imoral ang ginagawa nina Herodes at Herodias (6, 18). Sabi sa Ebanghelyo na si Herodias ang may balak na patayin si San Juan Bautista dahil natakot si Herodes sa kanya. Ang tanging ginawa ni Herodes ay ipabilanggo si San Juan Bautista (6, 19-20). Galit ang dahilan kung bakit binalak ni Herodias na ipapatay si Juan Bautista. Kaya, siya'y nagplano nang mabuti kung paano niya magagawa iyon. At nagawa niya iyon sa tulong ng kanyang anak na babae na sumayaw sa harap ni Herodes na labis namang ikinatuwa ng hari. Sinabihan ni Herodias ang kanyang anak na ihiling kay Herodes ang ulo ni San Juan Bautista sa isang pinggan (6, 24-25). Kahit ayaw iyon gawin ni Herodes, iniutos niyang ipapugot ang ulo ni San Juan Bautista dahil ang pangakong kanyang binitiwan sa babae ay kanyang sinabi sa harap ng kanyang mga bisita (6, 27-28). Kahit labag sa kalooban ni Herodes, ginawa pa rin niya iyon.
Batid ni San Juan Bautista na laging nanganganib ang kanyang buhay sa bawat sandali ng kanyang misyon. Maaari naman siya itigil ang pagtupad sa misyong ito na bigay sa kanya ng Panginoon. Maaari naman siya mamuhay nang tahimik na lamang upang hindi manganib ang kanyang buhay araw-araw. Subalit, ipinasiya pa rin ni San Juan Bautista na manatiling tapat sa Diyos. Nanalig siyang lagi niyang kasama ang Diyos. Nanalig siyang hindi siya pababayaan ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ipinasiya ni San Juan Bautista na manatiling tapat hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay sa lupa kung saan siya'y pinatay.
Tulad ni San Juan Bautista, lagi tayong manindigan para sa kabutihan. Ibigay natin sa Diyos ang ating katapatan at pananalig. Pumanig tayo sa Diyos. Mamuhay tayo ayon sa Kanyang kalooban. Isulong natin ang Kanyang kalooban. Manindigan tayo para sa Kanya. Huwag tayong mag-alala kapag may mga tumututol sa atin. Huwag tayo mag-alala kung magkakaroon tayo ng mga kaaway dahil sa ating pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lagi nating tandaan hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Siya'y lagi nating kasama hanggang sa huling sandali ng ating buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento