11 Agosto 2019
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Karunungan 18, 6-9/Salmo 32/Hebreo 11, 1-2. 8-19 (o kaya: 11, 1-2. 8-12)/Lucas 12, 32-48 (o kaya: 12, 35-40)
Sa Ebanghelyo, inilahad ng Panginoong Hesus ang mga katangian ng mga tunay na nananalig sa Kanya. Ang mga tunay na nananalig sa Kanya ay nananatiling tapat sa Kanya hanggang wakas. Ihahanda nila ang kanilang mga sarili para sa Kanyang pagdating sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos at aral. Ano nga ba ang Kanyang mga iniuutos at itinuturo? Ang pag-ibig sa Diyos at kapwa. Kapag ang mga ito'y ating susundin, ipinapakita natin sa Panginoon na tayo'y tapat sa Kanya. Buong katapatan nating Siyang pinananaligan, sinasampalatayanan, at sinasamba.
Ano ang mapapala ng mga tunay na nananalig sa Panginoon? Ang sagot sa tanong na ito ay inilahad sa Unang Pagbasa. Ang lahat ng mga nananalig sa Panginoon ay magagalak sa katuparan ng Kanyang mga pangako. Silang lahat ay nanalig nang buong katapatan sa Panginoon. Nanalig sila sa katapatan ng Diyos. Nanalig silang hindi sila bibiguin ng Diyos. Bagkus, nanalig silang tutuparin ng Panginoong Diyos ang Kanyang mga pangako. At ang pagtupad ng Panginoong Diyos sa Kanyang mga pangako ay kanilang pinaghahandaan at pinanabikan nang buong katapatan. Sila'y mapupuspos ng kagalakan sapagkat makikinabang sila sa mga pangako ng Diyos. At ang kanilang pananalig at katapatan sa Diyos hanggang wakas ang dahilan kung bakit sila makikinabang sa pangako ng Diyos.
Tinalakay rin sa Ikalawang Pagbasa ang paksa ng pananalig sa Diyos nang buong katapatan hanggang wakas. Ang mga Hebreo ay hinimok na manatiling tapat sa Diyos hanggang wakas. Pinalalakas ng manunulat ng Ikalawang Pagbasa ang loob ng mga Hebreo. Sa kabila ng mga pagsubok at pag-uusig sa buhay, hinihimok silang huwag isuko ang kanilang pananalig at katapatan sa Diyos. Dahil kapag silang lahat ay nanatiling tapat sa Diyos hanggang wakas, matatamasa nila ang gantimpalang buhay na walang hanggan sa Kanyang piling sa langit. Kung iyon ang nais nilang matamasa, huwag silang bumitaw mula sa kanilang pananalig sa Diyos. Manalig sa Diyos nang buong katapatan hanggang sa huli. Ang buhay na walang hanggan sa langit ay ipagkakaloob ng Panginoon sa mga mananatiling tapat sa Kanya hanggang wakas. Iyan ang Kanyang gantimpala.
Nakakalungkot isipin na may mga pagkakataon sa buhay kung saan ibinibigay natin ang ating pananalig at katapatan sa mga maling bagay. Katulad na lamang sa mga umaastang diyos-diyosan. Sa halip na maging pinuno at lingkod, inaabuso nila ang kapangyarihang kalakip ng posisyon. Ang kanilang mga posisyon ay ginagamit nila para sa sariling kapakanan. Hindi na iniisip ang kapakanan ng iba. Hindi lamang diyan natatapos. Binubulag pa niya ang kanyang mga alipores at tagasuporta. Ang lumalabas, hindi na ang bayan o lipunan ang pinaglilingkuran kundi ang sariling interes, lalo na ang mga kinasasabikan ng kanilang amo. Lantaran ang panlilinlang at pagmamataas. Hindi lamang iyan, inuusig ang mga bumabatikos at nagbibigay lamang ng suhestiyon para mapabuti ang kanyang pamamahala. Sakim sa sariling ambisyon, posisyon, kapangyarihan, kayamanan, at kayabangan. Handa pa nga silang pumatay ng tao, lalo na ng mga inosente, para lamang matupad ang kanilang mga hangarin. Nakakalungkot, sila pa ang pinananaligan nang buong katapatan. At higit na nakakalungkot, sila na ang pumalit sa Diyos.
Kanino natin ibibigay ang ating pananalig at katapatan? Sana, ang Diyos ang ating piliin. Sana, pagpasiyahan natin na ibigay ang ating pananalig at katapatan sa Diyos hanggang sa huli. Sana, tutulan natin ang mga tukso na pumanig at sumunod sa mga may masasamang balak sa lipunan. Sana, manindigan at lumaban tayo laban sa mga kasakiman, kayabangan, karahasan, at kawalan ng hustiyang nais pairalin ng mga huwad at sakim na pinuno. Sana, pumanig tayo sa Panginoon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento