10 Nobyembre 2019
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
2 Macabeo 7, 1-2. 9-14/Salmo 16/2 Tesalonica 2, 16-3, 5/Lucas 20, 27-38 (o kaya: 20, 27. 34-38)
"Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa Kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa" (2, 16). Sinimulan ni Apostol San Pablo ang kanyang pangaral sa Ikalawang Pagbasa sa pamamagitan ng mga salitang ito. Ang mga salitang ito ni Apostol San Pablo ay nagbibigay ng kapanatagan ng loob sa bawat isa. Ipinaliwanag rin ni Apostol San Pablo sa mga salitang ito ang kung bakit dapat tayo umasa sa Diyos. Angkop na angkop ang mga salitang ito ni Apostol San Pablo sapagkat ipinapaliwanag sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo kung bakit dapat nating ipanatag ang ating mga loob.
Tinalakay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang muling pagkabuhay ng mga yumao. Ang muling pagkabuhay ng mga yumao ay ating sinasampalatayanan bilang mga Katoliko. Tayong lahat na kabilang sa tunay na Simbahang itinatag ni Kristo dito sa daigdig ay naniniwalang muling mabubuhay ang mga patay sa huling araw. Hindi man natin alam kung kailan ang huling araw, naniniwala tayong mangyayari ito. At buong pananalig at pag-asa nating pinanabikan ang araw na iyon.
Sa Unang Pagbasa, buong katatagan ng loob na inihayag ng mga binatang lalaki ang kanilang pananalig sa muling pagkabuhay ng mga yumao bago silang ipapatay ng hari kasama ang kanilang ina. Mahaba ang salaysay na ito dahil pito silang magkapatid na pinatay kasama ang kanilang ina. Kaya, ilang bahagi lamang nito ang itinampok dahil iyon ang sinapit nila. Sa Ebanghelyo, sinagot ni Hesus ang tanong ng mga Saduseo tungkol sa muling pagkabuhay ng mga yumao. Inihayag ng Panginoong Hesus na "ang Diyos ay Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay" (20, 38). Kung tutuusin, ang Diyos mismo ang bukal ng buhay. Kaya, tayong lahat ay nabubuhay nang pansamantala dito sa daigdig dahil sa biyaya ng buhay na ipinahiram sa atin ng Diyos. Subalit, hindi nagtatapos ang buhay sa ating pagpanaw sa daigdig na ito. Mayroong kabilang buhay at mayroon ring muling pagkabuhay ng mga patay sa huling araw. Ito'y patunay lamang na ang Maykapal ay Diyos ng mga buhay. Siya'y bukal ng buhay, hindi ng kamatayan.
Bilang tao, tayong lahat ay natatakot sa kamatayan. Natatakot tayong lumisan sa daigdig na ito. Bagamat alam natin na tayong lahat ay papanaw balang araw, hindi natin maiwasang matakot kapag iyon ay ating inisip. Ayaw nating isipin na tayong lahat ay mamamatay balang araw. Natatakot tayong mamatay. Subalit, hindi natin matatakasan ang kamatayan. Iyan ang katotohanan. Mamamatay rin tayo balang araw. Kailan? Ang Diyos lamang ang nakakaalam.
Pansamantala lamang ang buhay dito sa daigdig. Subalit, huwag nating isipin na iyon ay ang katapusan. Lagi nating tandaan na ang Panginoong Diyos ay Diyos ng mga buhay. Hindi nagtatapos ang lahat para sa bawat isa sa atin sa ating pagpanaw sa daigdig na ito. Tayong lahat ay bibigyan ng buhay ng Diyos sa kabila dahil Siya ang Diyos ng mga buhay. Ipagkakaloob ng Diyos sa bawat isa ang buhay na walang hanggan sa ating lahat kung pipiliin natin ang kabanalan habang ang bawat isa'y namumuhay at naglalakbay sa daigdig na ito.
Habang tayo'y naglalakbay sa daigdig na ito, ipanatag natin ang ating loob at umasa sa Diyos. Ang Diyos ay Diyos ng mga buhay. Ang Diyos ay ang bukal ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay bibigyan Niya ng buhay na walang hanggan sa paglisan natin sa daigdig na ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento