9 Nobyembre 2019
Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma
Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12/Salmo 45/1 Corinto 3, 9k-11. 16-17/Juan 2, 13-22
Sabi ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang bawat isa sa atin ay templo ng Diyos (3, 17). Dahil tayo ang templo ng Diyos, sa atin Siyang nananahan. Tayong lahat ay pinili ng Panginoon upang maging Kanyang pananahanan. Pinili Niyang manahan sa atin. Kaya naman, tayo ay sagrado. Banal ang bawat isa sa atin dahil ang Diyos na Siyang bukal ng kabanalan ay nananahan sa atin. Kaya naman, ang bawat isa sa atin ay mga daluyan ng awa ng Diyos. Tulad ng templong nakita ni propeta Ezekiel sa Unang Pagbasa kung saan dumaloy ang tubig mula roon, bilang templo ng Diyos, tayong lahat ay nagsisilbing daluyan ng Kanyang awa.
Subalit, ang problema, lahat tayo ay nagkakasala. Bilang tao, hindi tayo banal sa lahat ng oras. Paulit-ulit nating dinudungisan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga kasalanan laban sa Diyos. Katunayan, hindi natin mabibilang kung ilang ulit tayong nagkasala laban sa Diyos. Ilang ulit nating dinudumihan ang tahanan ng Diyos. Tayong lahat ay banal dahil ang Panginoon ay nananahan sa bawat isa sa atin atin, subalit, gumagawa tayo ng kasalanan.
Kaya naman, inihayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa sa pinakahuling bahagi ng Ikalawang Pagbasa na ang mga magwawasak ng templo ng Panginoon ay parurusahan. Paano natin winawasak ang templo ng Panginoon? Sa pamamagitan ng ating mga kasalanan. Kapag gumagawa tayo ng kasalanan, nilalapastangan natin ang Diyos na nananahan sa atin. Iyan ang dahilan kung bakit si Hesus ay nagalit sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Nakita ni Kristo sa Ebanghelyo kung paanong hindi na pinahalagahan ang presensya ng Diyos. Ipinagpalit ang Diyos sa pera. Ang Diyos ay hindi na naging prioridad ng mga tao.
Ano naman ang kailangan nating gawin bilang mga templo ng Diyos? Kailangan nating talikuran at itakwil ang kasalanan. Kailangan nating magbalik-loob sa Diyos. Kailangan nating magpalinis sa Diyos. Linisin natin ang ating mga sarili. At higit sa lahat, tahakin natin ang landas ng kabanalan. Isentro natin ang ating buhay sa Diyos. Piliin natin ang kabanalan. Magpakabanal sapagkat ang Diyos na nananahan sa bawat isa sa atin ay puspos ng kabanalan.
Ang Espiritu Santo ay nananahan sa bawat isa sa atin. Tayong lahat ay mga templo ng Diyos. Kaya naman, gawin natin ang nararapat. Piliin natin ang kabanalan. Ang kasalanan ay dapat nating pagsisihan at talikdan. Magpakabanal tayo dahil hindi tayo nilikha ng Diyos upang mamuhay para sa ating mga sarili. Bagkus, ang bawat isa sa atin ay nilikha ng Diyos para sa Kanya. Kaya, italaga natin ang ating mga sarili sa Kanya na nagpasiyang manahan sa atin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento