3 Nobyembre 2019
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Karunungan 11, 22-12, 2/Salmo 144/2 Tesalonica 1, 11-2, 2/Lucas 19, 1-10
Winika ni Hesus sa wakas ng Ebanghelyo na Siya'y naparito para "hanapin at iligtas ang naligaw" (19, 10). Sa pamamagitan ng pagtupad sa misyong ito, ipinamalas ni Hesus ang Kanyang awa. Iyon lamang ang kaisa-isang dahilan ni Kristo. Hindi Siya pumarito upang mamasyal at magpakasarap. Bagkus, Siya'y dumating sa daigdig upang iligtas ang sangkatauhang nalugmok sa kasalanan.
Kung tutuusin, hindi naman kinailangan gawin iyon ni Kristo. Sino ba naman tayo para iligtas ni Kristo? Hindi naman tayo karapat-dapat na iligtas ni Kristo dahil ang bawat isa sa atin ay mga makasalanan. Bilang mga makasalanan, likas sa atin na gumawa ng masama. Tayong lahat ay mga abang makasalanan na hindi karapat-dapat sa awa at habag ng Panginoon dahil paulit-ulit naman tayong magkakasala laban sa Kanya. Subalit, sa kabila nito, ipinasiya pa rin ng Panginoon na ipakita sa atin ang Kanyang awa sa pamamagitan ng pagtubos sa atin. Tunay ngang kahanga-hanga at dakila ang awang ito ng Panginoon.
Naranasan ni Zakeo sa Ebanghelyo ang awa ng Diyos na pumupukaw sa puso ng bawat isa na magbalik-loob. Kaya naman, sa huling bahagi ng tampok na salaysay sa Ebanghelyo, ipinasiya niyang huwag nang bumalik sa dating pamumuhay bilang isang publikano. Mula noong siya'y dalawin ng Panginoong Hesukristo sa kanyang pamamahay, ibang-iba na siya. Nang siya'y dalawin ng Panginoong Hesukristo, ang awa ng Diyos ay naranasan ni Zakeo. At ang awang ito ng Panginoon ay kanyang tinanggap. Iyan ang dahilan kung bakit hindi na katulad ng dati si Zakeo.
Sabi sa Unang Pagbasa na ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad sa lahat. Ang habag ng Diyos ay pinagtuunan rin ng pansin ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Sabi ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na pararangalan ng Diyos ang sinumang nagpaparangal sa Kanya. Iyan ay dahil sa Kanyang kagandahang-loob (1, 12). Iyan ang Diyos, Ang Diyos ay maawain at nagmamagandang-loob. Sabi nga sa Banal na Kasulatan na walang kupas ang Kanyang awa (Salmo 100, 5).
Mapalad tayong lahat sapagkat tunay ang awa at kagandahang-loob ng Diyos. Hindi isang guni-guni o kathang-isip lamang ang habag at kagandahang-loob ng Diyos. Bagkus, ito ay tunay at totoo. Iyan ang dahilan kung bakit pumarito si Kristo sa daigdig. Iyan ang dahilan kung bakit Niya ipinasiyang tubusin ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagtubos ng Panginoong Hesus sa lahat, ipinamalas Niya ang awa at kagandahang-loob ng Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento