24 Nobyembre 2019
Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan (K)
2 Samuel 5, 1-3/Salmo 121/Colosas 1, 12-20/Lucas 23, 35-43
Sa Unang Pagbasa, si David ay kinilala ng mga Israelita bilang kanilang hari. Siya'y binuhusan ng langis bilang pagkilala sa kanya. Kinilala nila ang hinirang ng Diyos upang maging hari ng Israel. Tinanggap ng lahat ng mga angkan ng bayang Israel si David bilang kanilang hari. Buong galak nilang kinilala at tinanggap si David bilang kanilang hari. Buong galak silang nagpasalamat sa Diyos dahil si David ay Kanyang ipinagkaloob sa kanila upang maging kanilang hari.
Subalit, ang kabaligtaran nito ay nasaksihan sa Ebanghelyo. Kung ang mga tao ay masayang nagbunyi at nagalak sa kanilang pagtanggap at pagkilala sa hinirang ng Diyos upang maging hari ng kanilang bayan sa Unang Pagbasa, ginawa nila ang kabaligtaran nito sa Ebanghelyo. Ipinakita nila ang kanilang pagkamuhi para sa hinirang ng Diyos. Ang ipinangakong Mesiyas na si Hesus, ang hinirang ng Diyos upang iligtas ang tanan, ay buong kamuhiang nilait at kinutya ng mga pinuno ng bayan at pati na rin ng mga tao na naroon sa Kalbaryo. Walang tigil ang panlalait at pangungutya na ginawa ng mga tao laban sa Panginoong Hesukristo habang Siya'y nakabayubay sa krus.
Anong uri ng hari si Hesus? Bakit hinayaan na lamang Niya ang mga tao na Siya'y laitin at kutyain nang gayon na lamang? Hindi ba higit na dakila si Hesus kaysa kay Haring David? Hindi ba si Kristo ang Hari ng mga Hari? Hindi ba Siya lamang ang nag-iisang hari? Hindi ba Siya ang Anak ng Diyos? Hindi ba Siya ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo? Hindi ba Siya ang Diyos? Bakit wala Siyang ginawa upang ipagtanggol ang Kanyang sarili? Bakit hindi ipinakita ni Kristo ang Kanyang kapangyarihan bilang Diyos? Parang hindi naman Siya Diyos kung umasta. Wala Siyang ginawa upang ipagtanggol o iligtas ang Kanyang sarili. Kung ang bawat isa'y hindi mga Kristiyano, iisipin nating isa Siyang manloloko o sinungaling. Bakit nga ba walang ginawa ang Panginoong Hesus?
Ang dahilan kung bakit walang ginawa ang Panginoong Hesukristo habang Siya'y nakabayubay sa krus ay inilarawan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo Hesus, ang sangkatauhan ay iniligtas ng Diyos. Niloob ng Diyos na iligtas ng Kanyang Bugtong na Anak ang sangkatauhan. Niloob ng Diyos na mapatawad ang mga kasalanan ng lahat ng tao. Dahil hinangad ng Diyos na maligtas ang sangkatauhan at mapatawad ang kanilang mga kasalanan, ipinagkaloob Niya si Kristo upang maging Tagapagligtas ng tanan. Sa pamamagitan nito, ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa lahat.
Iyan ang aral ng Dakilang Kapistahang ipinagdiriwang sa araw na ito. Si Kristong ating Hari ay puno ng pag-ibig para sa ating lahat. Iyan ang dahilan kung bakit Siya pumarito sa daigdig upang tubusin ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Katulad ng salaring nagtika sa huling sandali ng kanyang buhay na si Dimas sa Ebanghelyo, imulat natin ang ating mga mata sa pag-ibig ni Hesus, ang tunay na Hari ng lahat.
Mapalad tayong lahat sapagkat ang Hari natin ay tunay na mapagmahal. Ang pag-ibig ni Kristong Hari para sa atin ay tunay at walang hanggan. Pinatunayan Niya ito sa Kalbaryo. Kahit hindi Niya kinailangang maghain ng sarili sa krus para sa ating kaligtasan, pinili pa rin Niya itong gawin alang-alang sa atin. Tayong lahat ay tunay na mapalad sapagkat tunay tayong iniibig ni Kristong Hari.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento