25 Enero 2020
Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo
Mga Gawa 22, 3-16 (o kaya: 9, 1-22)/Salmo 116/Marcos 16, 15-18
Akalain niyo iyon? Ito ang madalas tanungin ng mga tao kapag nangyari ang hindi inaasahan. Malabo kasing mangyari ang mga pangyayaring iyon. Para sa marami, suntok sa buwan na lamang ang mga iyon. Kapag nangyari ang hindi inaaasahan, nagugulat sila. Para bang hindi kapani-paniwala na nangyari iyon.
Ito rin ay masasabi natin tungkol kay Apostol San Pablo. Bago siya maging isang apostol at misyonero, si Apostol San Pablo ay naging tagausig ng mga sinaunang Kristiyano. Naging masigasig siya sa pag-usig sa mga sinaunang Kristiyano. Wala siyang pinatawad bilang tagausig ng mga sinaunang Kristiyano. Naging pursigido noon si Apostol San Pablo sa pagpapabagsak sa Simbahan.
Subalit, matapos makatagpo ang Panginoong Hesus na Muling Nabuhay sa daan patungong Damasco, si Apostol San Pablo ay nangaral tungkol sa Kanya. Malaki ang kanyang pinagbago. Mula sa pagiging tagausig ng mga sinaunang Kristiyano, si Apostol San Pablo ay naging isang saksi ni Kristo. Nagpatotoo siya tungkol kay Kristo nang buong sigasig. Katunayan, ang misyong ibinigay ng Panginoon sa mga apostol sa Ebanghelyo ang siya namang ginagawa ni Apostol San Pablo. Ang laki talaga ng kanyang pinagbago.
Biruin niyo, isang masigasig na tagausig ng mga sinaunang mananampalataya ang magpapatotoo tungkol kay Hesus? Sinong mag-aakalang mangyayari iyon? Kung hindi natin nakakalimutan, determinado noon si Apostol San Pablo na pabagsakin ang Simbahang itinatag ng Panginoong Hesukristo. Paano nga ba nangyari iyon? Nakakagulat nga talaga. Paano?
Paano nga ba talaga nangyari iyon? Ito ay dahil niloob ng Diyos. Niloob ng Diyos na ang isang masigasig na tagausig ng mga sinaunang Kristiyanong katulad ni Apostol San Pablo ay maging Kanyang apostol at misyonero. Kahit na determinado si Apostol San Pablo na usigin ang mga sinaunang Kristiyano noon, niloob pa rin ng Panginoon na si Apostol San Pablo ay maging Kanyang saksi sa lahat. Iyan ang pinagtutuunan ng pansin ng salaysay ng pagbabagong-buhay ni Apostol San Pablo sa Unang Pagbasa. Sa kabila ng kanyang nakaraan, niloob pa rin ng Panginoon na maging Kanyang saksi sa iba't ibang bahagi ng daigdig si Apostol San Pablo. At ang kalooban ng Panginoon para kay Apostol San Pablo ay nanaig sa huli.
Katulad ni Apostol San Pablo, may kalooban ang Diyos para sa ating lahat. Nawa'y manaig ito sa huli. Pahintulutan nawa natin na manaig ang kalooban ng Diyos para sa bawat isa sa atin sa huli.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento