12 Enero 2020
Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon (A)
Isaias 42, 1-4. 6-7/Salmo 28/Mga Gawa 10, 34-38/Mateo 3, 13-17
"Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos" (Mateo 3, 15). Ito ang mga salita ni Hesus kay San Juan Bautista bago Siya binyagan sa Ilog Jordan. Noong lumapit ang Panginoong Hesus upang magpabinyag, agad na tumutol si San Juan Bautista. Ito ay dahil hindi siya karapat-dapat magbinyag sa Panginoong Hesus. Batid ni San Juan Bautista na higit na dakila si Hesus kaysa sa kanya. Isa pa, si Hesus ay hindi gumawa ng kasalanan kailanman. Subalit, sa kabila ng lahat ng ito, niloob ng Ama na si Hesus ay binyagan ni San Juan Bautista. Matapos ang paliwanag ni Hesus, bininyagan Siya ni San Juan Bautista.
Bakit nga ba niloob ng Ama na binyagan si Hesus? Tandaan, si Hesus ay Diyos rin katulad ng Ama. Ang Panginoong Hesukristo ay ang Diyos Anak, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Bakit naman nanaisin ng Diyos Ama na si Hesus ay magpabinyag kay San Juan Bautista? Bakit naging bahagi ng planong pagtubos sa sangkatauhan ang pagbibinyag sa Diyos na nagkatawang-tao na si Kristo? Hindi naman nagkasala si Kristo kailanman.
Niloob ng Ama na ang Panginoong Hesukristo ay binyagan ni San Juan Bautista dahil sa Kanyang kagandahang-loob. Ang kagandahang-loob na ito ng Diyos ang ipinangaral at pinatotohanan ni Apostol San Pedro sa Ikalawang Pagbasa. Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, dumating si Kristo sa daigdig upang tubusin ang bawat tao. Si Kristo ang larawan ng kagandahang-loob ng Diyos para sa lahat. Sa pamamagitan ni Kristo Hesus, nahayag ang kagandahang-loob ng Diyos.
Isinalamin ng Panginoong Diyos ang Kanyang kagandahang-loob sa pangakong binitiwan Niya sa Unang Pagbasa. Ipinakilala ng Diyos ang Kanyang lingkod na Kanyang isusugo sa Kanyang bayan pagdating ng takdang panahon. Ang Kanyang lingkod ay magiging mahinahon. Paiiralin Niya ang kapayapaan at katarungan. Ang pangakong ito'y natupad sa pamamagitan ni Hesus. Ang mga katangian ng lingkod na ipinakilala ng Diyos sa Unang Pagbasa ay nakita sa Panginoong Hesus. Ang misyong ibinigay ng Diyos sa lingkod na ito ay tinupad ni Hesus. Tinupad ng Diyos ang pangako Niyang ito sa pamamagitan ng Panginoong Hesus nang sumapit ang takdang panahon.
Si Hesus ay ipinagkaloob sa atin ng Ama dahil sa Kanyang kagandahang-loob. Ang bawat isa sa atin ay biniyayaan ng Ama ng isang Tagapagligtas. Ang Tagapagligtas na ibinigay ng Ama sa lahat ay walang iba kundi si Hesus. Sa pamamagitan ni Hesus, tinubos ng Diyos ang sangkatauhan.
Tayong lahat ay tunay na mapalad. Isang Manunubos ang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin. Siya'y walang iba kundi si Hesus, ang Bugtong na Anak ng Ama na bininyagan ni San Juan Bautista sa Ilog Jordan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento