5 Enero 2020
Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Isaias 60, 1-6/Salmo 71/Efeso 3, 2-3a. 5-6/Mateo 2, 1-12
Ang mga Pagbasa para sa Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon ay tungkol sa liwanag na nagmumula sa langit. May dahilan kung bakit ginagamit ng Diyos ang liwanag na ito. Tinalakay sa mga Pagbasa ang tunay na dahilan kung bakit ginagamit Niya ang liwanag na ito. Ang Diyos ay hindi lamang nagpapamalas ng Kanyang kapangyarihan. Mas mas malalalim na dahilan higit pa rito.
Sa Unang Pagbasa, binigyan ng pansin ni propeta Isaias sa kanyang pahayag ang liwanag na nagmumula sa Panginoon. Aaakitin ng Panginoong Diyos ang lahat ng mga hari mula sa iba't ibang mga bansa sa daigdig sa pamamagitan ng Kanyang kaningningan. Ang lugar na pinili ng Diyos upang sinagan ng Kanyang liwanag ay ang lungsod ng Herusalem. Sa Ebanghelyo, isinalaysay kung paanong ang tatlong Pantas ay naglakbay nang napakalayo, mula pa sa Silangan, upang hanapin ang bagong silang na Sanggol. Paano nila nahanap ang Banal na Sanggol? Ang talang nakita nila sa Silangan ang umakay sa kanila. Ang mismong Banal na Sanggol na si Hesus ang umakay sa kanila. Sa pamamagitan ng maningning na tala sa langit, inakay ni Kristo ang mga Pantas mula sa Silangan patungo sa Kanya. Ang tala sa langit ay ipinagkaloob ng Panginoong Hesus sa mga Pantas upang maging gabay nila sa kanilang paglalakbay.
Bakit naman nanaisin ng Panginoon na may lalapit sa Kanya? Bakit naman Niya nanaisin ang presensya ng mga taong makasalanan? Kung tutuusin, hindi naman kailangan ng Panginoon ang presensya ng sinumang tao. Huwag nating kalimutan, Siya'y higit na dakila kaysa sa mga pantas na dumalaw sa Kanya. Higit rin Siyang dakila kaysa kay Haring Herodes na may masamang balak laban sa Kanya. Kaya, ang tanong, bakit Niya inakay ang mga Pantas patungo sa Kanya? Ano naman ang mayroon sa mga Pantas na ito na hindi naman taga-Israel?
Inakay ng Panginoon ang tatlong Pantas patungo sa Kanya sa pamamagitan ng talang nagningning mula sa kalangitan dahil sa Kanyang kagandahang-loob. Ang kagandahang-loob na ito ng Panginoon para sa lahat ang pinatotohanan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ay para sa lahat. Anuman ang lahi ng bawat tao, ipagkakaloob pa rin sa kanila ng Diyos ang Kanyang kagandahang-loob. Ang Diyos ay hindi maramot sa ating lahat. Hindi ipagkakait ng Diyos sa sinumang tao ang Kanyang kagandahang-loob.
Sa kabila ng ating pagka-makasalanan, ang Diyos ay nagmamagandang-loob pa rin sa atin. Patuloy Niyang ipinagkakaloob ang Kanyang kagandahang-loob sa atin. Ang bawat isa sa atin ay patuloy Niyang binibigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Kanyang kagandahang-loob. Ang ating pagka-makasalanan ay hindi hadlang para sa Diyos. Ilang ulit man tayong magkasala laban sa Kanya, ang Diyos ay magpapatuloy sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat isa sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang kagandahang-loob. Habang humihinga pa tayo dito sa lupa, may pag-asa pa tayo dahil ang Diyos ay nagmamagandang-loob.
Ang mga Pantas ay sumunod sa tala ng Panginoong Hesukristo. Pumayag sila na sila'y gabayan ng tala ng Panginoon. Ang kanilang pagsunod sa tala ni Kristo ay naging bukal sa kanilang mga puso at kalooban. Katulad ng mga Pantas, sumunod tayo kay Hesus. Payagan natin ang Panginoong Hesus na maging ating gabay sa bawat sandali ng ating paglalakbay. Maging bukal nawa sa ating mga puso at kalooban ang ating pagsunod kay Hesus.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento