1 Enero 2020
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Bilang 6, 22-27/Salmo 66/Galacia 4, 4-7/Lucas 2, 16-21
Inilahad sa Salmo ang temang pinagtuunan ng pansin sa mga Pagbasa para sa napakaespesyal na araw na ito. Sabi sa Salmo, "Kami'y Iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal" (Salmo 66, 2a). Napakalinaw kung paanong binigyan ng pansin ang awa at mapagpala ng Diyos. Tunay ngang mapagpala at maawain ang Panginoong Diyos sa lahat. Hindi nagmamaliw ang awa at pagpapala ng Panginoon kailanman.
Ang pagsisimula sa isang panibagong taon sa pamamagitan ng pagninilay tungkol sa awa at pagpapala ng Panginoon ay napakaganda. Napakahalaga para sa bawat isa na maging mulat sa pagiging maawain at mapagpala ng Panginoon sa lahat ng oras. Kaya naman, maituturing natin ang mga Pagbasa para sa solemnidad na ito bilang mga paaalala para sa ating lahat. Paulit-ulit tayong pinaalalahanan sa mga Pagbasa tungkol sa awa at pagpapala ng Diyos. Para bang ipinapaalala sa atin na lumipas man ang napakaramig taon, ang awa at pagpapala ng Diyos ay hinding-hindi magmamaliw kailanman. Isa itong napakagandang paalala sa atin sa simula ng isang panibagong taon.
Sa Unang Pagbasa, inilahad ng Panginoon kay Moises ang mga dapat sabihin nina Aaron at ng kanyang mga anak sa pagbabasbas. Sa rito ng pagbabasbas sa mga tao, binigyan ng pansin ang awa at pagpapala ng Panginoong Diyos. Ang Diyos ay mapagpala at maawain. Awa at pagpapala ang ibinubuhos at ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat. Sa Ikalawang Pagbasa, nagsalita si Apostol San Pablo tungkol kay Kristo Hesus. Ang Panginoong Hesukristo ay ipinagkaloob ng Ama sa lahat ng tao pagdating ng takdang panahon dahil sa Kanyang awa at pagpapala. Katunayan, ang Panginoong Hesukristo ay ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkaloob sa lahat. Ang Sanggol na ipinaglihi't ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria na si Hesus ay dumating sa daigdig upang ihayag ang awa at pagpapala ng Diyos. Sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, ang Sanggol na ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ng Mahal na Inang si Maria, ang Diyos ay nagkatawang-tao at dumating sa lupa ang Kanyang awa at pagpapala.
Isinalaysay sa huling bahagi ng salaysay Ebanghelyo ang pagtutuli at pagbibigay ng pangalan sa Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Birhen. Ang Banal na Sanggol ay pinangalanang "Hesus", ang pangalang ibinigay ng anghel (2, 21). Ang kahulugan ng pangalang "Hesus" ay "Ang Diyos ay tumutubos." Sa kahulugan pa lamang ay makikita ng bawat isa kung gaano kalinaw ang misyon ni Hesus. Ang misyon ni Hesus ay tubusin ang sangkatauhan. Kaya naman, si Kristo Hesus ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos. Sa pamamagitan ng Poong Hesus, tinubos ng Diyos ang sangkatauhan.
Ang Mahal na Birhen ay hinirang ng Diyos upang maging ina ni Kristo. Siya ang nagdala sa pinakadakilang pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. At ang pagpapalang dinala ng Mahal na Ina sa kanyang sinapupunan ay ang Diyos na tumutubos sa lahat. At ang pagpapalang ito ay may Pangalan - Hesus.
Tayong lahat ay pinaalalalahanan ng Mahal na Inang si Maria sa simula ng isang panibagong taon tungkol sa awa at pagpapala ng Diyos. Ang awa at pagpapala ng Diyos ay walang hanggan. Katunayan, mismong ang Mahal na Inang si Maria ay nagsisilbing paalala sa atin tungkol sa awa at pagpapala ng Diyos. Bakit? Siya ang hinirang ng Diyos upang maging Ina ng Panginoong Hesus.
Huwag natin kalimutan ang pagiging maawain at mapagpala ng Diyos. Lagi nating tandaan na ang Diyos ay tunay na maawain at mapagpala. Ang Kanyang awa at pagpapala ay hindi magmamaliw kailanman. Huwag na huwag natin itong ibaon sa limot. Ang katotohanang ito'y dapat nating alalahanin sa lahat ng oras.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento