18 Disyembre 2019
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikatlong Araw
Jeremias 23, 5-8/Salmo 71/Mateo 1, 18-24
Ang mga Pagbasa ay tungkol sa lahi ni Haring David. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Diyos na magmumula sa lahi ni David ang isang hari. Magmumula sa angkan ni Haring David ang haring ipagkakaloob ng Diyos sa Kanyang bayan. Isang hari ang ibibigay ng Diyos sa Kanyang bayan. Iyan ang pangako ng Panginoon sa Kanyang bayan. Magbibigay Siya ng isang hari. At ang haring iyon ay magmumula sa lipi o lahi ni Haring David.
Ipinangako ng Diyos na ipagkakaloob Niya ang bayang Israel ng isang hari. Isang hari ang magiging regalo ng Diyos. At hindi Niya kinalimutan ang pangakong ito na Kanyang binitiwan sa bayang Israel. Lumipas man ang napakahabang panahon, ang biyayang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan ay 'di Niya kinalimutan. Ang pangako Niya sa bayang Israel ay hindi Niya binaon sa limot. Laging nasa isipan ng Diyos ang pangakong ito. Tinupad Niya ito sa takdang panahon.
Sa Ebanghelyo, itinampok ang ama-amahan ni Kristo sa lupa na si San Jose. Ang kanyang panaginip ang pinagtuunan ng pansin sa Ebanghelyo. Isang anghel ang nagpakita sa kanya sa nasabing panaginip. At ang anghel mismo ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa liping kinabilangan ni San Jose. Ang mga unang salita ng anghel na nagpakita sa kanya sa panaginip, "Jose, Anak ni David..." (1, 20) Kahit hindi masyadong binibigyan ng pansin ang detalyeng ito, mahalaga ito dahil may ugnayan ito sa pahayag ng Panginoon sa Unang Pagbasa. Magmumula sa lipi o lahi ni Haring David ang isang hari na ibibigay ng Panginoong Diyos sa Kanyang bayan. Sa talatang ito, inilarawan ang katuparan nito.
Kung tutuusin, hindi lamang iyan ang propesiyang tinupad. Inilahad rin sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo ang isa pang propesiya tungkol kay Kristo. Iyon ay isa sa mga propesiya ni propeta Isaias tungkol sa Mesiyas. Ang propesiyang iyon ay tungkol sa pagsilang ng ipinangakong Mesiyas. Ipaglilihi't ipanganganak ng isang dalaga ang ipinangakong Mesiyas. Si Hesus, ang Anak ng Diyos Ama at Anak ni Maria, ang Mesiyas na hinihintay ng bayang Israel. Si San Jose na mula sa lahi o angkan ni Haring David ang tumayong ama-amahan ng Panginoong Hesukristo.
Mula sa lahi ni Haring David, nagmula ang pinakadakilang biyaya ng Diyos sa lahat ng tao. Ang biyayang ito'y walang iba kundi ang Panginoong Hesus. Si Hesus ang pinakadakilang biyaya ng Diyos. Sa pamamagitan ni Hesus, nagkatawang-tao ang Diyos upang maging biyaya sa lahat. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang sarili bilang biyaya para sa lahat. Ganyan tayo ka-mahal ng Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento