8 Disyembre 2019
Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)
Isaias 11, 1-10/Salmo 71/Roma 15, 4-9/Mateo 3, 1-12
Muling tinalakay sa mga Pagbasa para sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento ang tema ng paghahanda. Kung tutuusin, iyon naman talaga ang temang binibigyan ng pansin ng Simbahan sa kabuuan ng panahon ng Adbiyento. Paghahanda. At iyan ang panawagan ng Simbahan sa bawat isa sa atin sa panahong ito ng Adbiyento na kilala rin bilang Panahon ng Pagdating ng Panginoon.
Ang pagdating ng Panginoon ang ating pinaghahandaan sa panahong ito. Kaya naman, inilaan ng Simbahan ang panahong ito ng Adbiyento sa paghahanda ng sarili upang maging marapat ang bawat isa na sumalubong ni Kristo sa Kanyang pagdating. Hindi dapat tayong nakatunganga na lamang habang hinihintay natin ang pagdating ng Panginoon. Hindi puwedeng wala tayong gagawin habang tayo'y naghihintay. Bagkus, nararapat lamang na ihanda ang ating mga sarili dahil hindi pangkaraniwan ang darating. At Siya'y walang iba kundi ang Panginoon.
Hindi natin maipagkakaila na may mga pagkakataon sa buhay natin kung saan ang pagdating ng isang bisita ay hindi nating pinaghandaan nang mabuti. Subalit, hindi dapat maging ganyan ang ating paghanda para sa pagdating ni Kristo. Kailangan nating maghanda nang mabuti para sa Kanyang pagdating. Lagi nating tatandaan sa ating paghahanda na hindi lang sinu-sino ang ating pinaghahandaan. Hindi tayo maaaring maghanda para sa Panginoon na hindi ibinibigay ang lahat. Bagkus, kailangan natin ibuhos ang lahat ng ating sipag at tiyaga sa ating paghahanda upang maging marapat tayong sumalubong sa Kanya sa Kanyang pagdating.
Sabi sa Unang Pagbasa, isang hari ang lilitaw mula sa lahi ni Jesse na ama ni Haring David. At ang haring iyon ay walang iba kundi ang Panginoon. Bilang hari, ang Panginoon ay hindi mapapantayan o mahihigitan ng mga hari dito sa lupa. Ang kapangyarihan at kadakilaan ni Kristo ay walang kapantay. Sa Ikalawang Pagbasa, inihayag ni Apostol San Pablo na si Kristo ay naparito upang ihayag ang katapatan ng Diyos sa lahat. Inihayag Niya ito sa pamamagitan ng pagtubos Niya sa lahat. Sa Ebanghelyo, ipinakilala ni San Juan Bautista si Hesus sa lahat ng kanyang mga tagapakinig sa Ilog Jordan. Inihayag ni San Juan Bautista na si Hesus ay higit na dakila at makapangyarihan kaysa sa kanya.
Iyan ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit kailangan nating paghandaan nang mabuti ang pagdating ng Panginoong Hesukristo. Inilarawan sa mga Pagbasa kung paanong si Hesus ay hindi lang kung sinu-sino. Bagkus, Siya ang pinakadakila at ang pinakamakapangyarihan. Kaya, nararapat lamang na ibigay natin ang ating sipag at tiyaga sa ating paghahanda para sa Kanyang pagdating.
Paano ba tayo makakapaghanda nang mabuti para sa pagdating ni Hesus? Ang tanong na ito ay binigyan ng kasagutan ni San Juan Bautista sa unang bahagi ng Ebanghelyo. Sabi ni San Juan Bautista na dapat pagsisihan at talikdan ng bawat isa ang kanilang mga kasalanan. Iyan ang kailangan nating gawin. Tayong lahat ay dapat magsisi't magbalik-loob sa Diyos. Walang ibang hangad ang Panginoong Hesus kundi ang isang busilak na puso at loobin mula sa atin. Nais Niyang Siya'y ating handugan ng isang busilak na puso at loobin. Iyan ay tunay na kalugud-lugod sa Kanyang paningin. Iyan ang hanap Niya sa atin.
Darating ang Panginoong Hesukristo. Darating Siya upang manahan sa piling ng bawat isa sa atin. Kaya, paghandaan natin ang ating mga sarili. Linisin natin ang ating mga puso't loobin upang ito'y maging tahanan Niya. Nais Niyang manahan at maghari sa ating mga puso. Paghandaan natin iyon nang mabuti.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento