12 Disyembre 2019
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe
Zacarias 2, 14-17/Judith 13/Lucas 1, 39-47
Isang pangako ang binitiwan ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Zacarias sa pambungad ng Unang Pagbasa. Ipinangako ng Diyos sa bayan ng Sion na Siya'y magiging kapiling nila (2, 14). Ang pangakong ito na ang Panginoong Diyos mismo ang naghayag ay isang tunay na magandang balita. Tuwa at saya ang inihatid ng Diyos sa pamamagitan ng pagbitiw ng pangakong ito. Ang pagtupad ng Panginoon sa pangakong ito ay lubos na inaaasam-asam ng Kanyang mga pinangakuan nang buong tuwa't galak. Hinihintay nila ang katuparan ng pangakong ito.
Hindi kinalimutan ng Diyos ang pangako Niyang ito. Ang pangakong ito ay tinupad ng Diyos pagdating ng takdang panahon. Nang sumapit ang takdang panahong yaon, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, ang Kanyang Bugtong na Anak. Bago Siya lumitaw sa daigdig, Siya'y nanahan sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria. Hinirang ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria upang dalhin sa kanyang sinapupunan ang Panginoong Hesus. Dumating sa daigdig si Kristo sa pamamagitan ni Maria. Hindi Siya nagpakita agad-agad bilang isang ganap na tao na walang pamilya, kahit na maaari Niya iyon gawin. Bagkus, pinili Niyang magkatawang-tao katulad natin, maliban sa kasalanan.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang kamag-anak na si Elisabet. Parehas na nagdadalantao ang dalawang babaeng ito noong panahong yaon. Si Maria ang nagdala sa ipinangakong Mesiyas na si Hesus habang si Elisabet naman ang nagdala kay San Juan Bautista. Sa kalagitnaan ng tampok na salaysay, pinuri ni Elisabet si Maria dahil pinili niyang manalig sa Diyos. Ang Mahal na Birheng Maria ay nanalig na matutupad ang kalooban ng Diyos. Ang pangakong binitiwan ng Diyos nang paulit-ulit sa Lumang Tipan ay pinanaligan ni Maria. Katunayan, may papel pa nga si Maria sa planong ito ng Diyos para sa lahat. Tinanggap ni Maria ang papel o misyon na inalok sa kanya ng Diyos nang buong pusong pananalig at pagtalima.
Ang ating Inang si Maria, ang Mahal na Birhen ng Guadalupe, ay nanalig na ang kalooban ng Panginoon ay matutupad. Kahit hindi niya naintindihan kung paano ito matutupad, pinili pa rin ni Maria na manalig sa Diyos. Nanalig ang Mahal na Ina na hindi nambibigo ang Diyos. Tutuparin Niya ang Kanyang kalooban. At ang plano ng Diyos ay magdudulot ng kabutihan para sa lahat.
Tulad ng ating Mahal na Inang si Maria, manalig tayo sa Diyos. Manalig tayo na matutupad ang Kanyang plano. Tanggapin natin ang Kanyang kalooban. Tumalima lamang tayo sa Kanya. Higit na maganda at mabuti ang idudulot ng plano ng Diyos para sa lahat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento