25 Disyembre 2019
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
[Pagmimisa sa Hatinggabi]
Isaias 9, 1-6/Salmo 95/Tito 2, 11-14/Lucas 2, 1-14
Ang awiting "Bro, Ikaw ang Star ng Pasko" ay inilabas ng ABS-CBN noong 2009 para sa panahon ng Kapaskuhan. Kasagsagan pa nito ng kasakitan ng teleseryeng May Bukas Pa noong inilabas ang awiting iyon. Sa pamagat pa lamang ng awitin, napakalinaw kung sino ang "Bro" na tinutukoy dito sa awiting ito - ang Panginoong Hesus. Ito ang tawag ng batang si Santino, ang tampok na karakter ng nasabing teleserye, kay Kristo tuwing siya'y makikipag-usap sa Kanya.
Sampung taon na ang nakalilipas, ginamit ang ilang bahagi ng nasabing kanta sa bagong kanta ng Station ID ng ABS-CBN para sa Kapaskuhan na pinamagatang "Family is Forever." Ang popularidad ng awiting ito ay hindi maipagkakaila. Iyon ay isa sa mga dahilan kung bakit siguro ginamit ng kompositor ng awiting Pamasko na handog ng ABS-CBN para sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon ang ilang mga bahagi ng nasabing awitin. Hindi maipagkakaila na tumatak sa puso ng lahat ng mga Pilipino ang awiting iyon.
Maganda ang aral ng awiting iyon. Bagamat ang awiting ito'y hindi maituturing na awiting pang-Simbahan, tinuturo ng awiting iyon na si Kristo ang tunay na liwanag ng Pasko. Iyan ang aral na mapupulutan natin mula sa awiting iyon. Katunayan, iyon ang temang pinagtutuunan ng pansin sa mga Pagbasa. Si Kristo ang tunay na liwanag o tala ng Pasko. Si Kristo ang tunay na dahilan kung bakit ang Pasko ay buong galak na ipinagdiriwang.
Inihayag ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa na isang sanggol ang ipinagkaloob ng Diyos. At sa Ebanghelyo, ipinakilala kung sino ang tinukoy ni propeta Isaias sa kanyang pahayag. Ang Sanggol na tinukoy ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay walang iba kundi si Hesus, ang Sanggol na ipinaglihi't ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria sa Ebanghelyo. At ang pagsilang ni Hesus ay masayang ibinalita ng anghel sa mga pastol sa parang.
Bakit ang Panginoong Hesukristo ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao noong gabi ng unang Pasko? Sabi ni Apostol San Pablo kay San Tito sa Ikalawang Pagbasa, ang Diyos ay may kagandahang-loob. Dahil sa Kanyang kagandahang-loob para sa sangkatauhan, ipinagkaloob Niya si Hesus sa lahat ng tao upang sila'y iligtas. Sa pamamagitan ni Hesus, ibinigay ng Diyos ang Kanyang sarili. Tandaan, si Hesus ay tunay na Diyos at tunay na tao. Kaya, sa pamamagitan ni Kristo Hesus, dumating ang Diyos sa daigdig.
Habang buong galak nating ipinagdiriwang ang Pasko, huwag na huwag nating kalimutan ang dahilan ng Pasko. Huwag nating kalimutan kung sino ang tunay na "Star" o Liwanag ng Pasko - ang Panginoong Hesukristo. Ang Panginoong Hesus ang tunay dahilan kung bakit may Pasko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento