21 Disyembre 2019
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikaanim na Araw
Awit 2, 8-14 (o kaya: Sofonias 3, 14-18a)/Salmo 32/Lucas 1, 39-45
"Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan" (1, 43-44). Ang mga katagang ito ay namutawi mula sa mga labi ni Elisabet sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Sa mga salitang ito, inilarawan ni Elisabet kung ano ang nangyari noong marinig niya ang tinig ng pagbati ng Mahal na Inang si Maria. Gumalaw sa tuwa ang sanggol na si San Juan Bautista na noo'y nasa sinapupunan ni Elisabet dahil nakilala niya ang Panginoong Hesukristo na dinadala ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang sinapupunan. Bagamat hindi pa naipanganak sa mga sandaling yaon, nakilala na ni San Juan Bautista ang Panginoong Hesus. Iyan ang dahilan kung bakit gumalaw sa tuwa ang sanggol na si San Juan Bautista sa sinapupunan ni Elisabet nang dumating ang Mahal na Birheng Maria. Si Hesus na nasa loob ng sinapupunan ng Mahal na Ina ay nakilala ng kanyang kamag-anak na si San Juan Bautista na nasa loob ng sinapupunan ni Elisabet.
Kung paanong ang minamahal ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang tinig, tulad ng nasasaad sa Unang Pagbasa, ang Panginoong Hesus ay nakilala ni San Juan Bautista sa pamamagitan ng Mahal na Ina. At nang marinig ang pagbati ni Maria, ang sanggol na si San Juan Bautista na nasa loob ng sinapupunan ng kanyang inang si Elisabet ay napuspos ng tuwa. Si San Juan Bautista na noo'y nananahan sa sinapupunan ni Elisabet ay napuspos ng tuwa dahil sa presensya ni Kristo, ang Banal na Sanggol na dinadala ng Mahal na Birhen sa kanyang sinapupunan sa mga sandaling yaon. Si Kristo na dinadala ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng pagsasaya ni San Juan Bautista na dinadala naman ni Elisabet sa kanyang sinapupunan.
Ang Panginoong Hesukristo ay ipinapakilala sa araw na ito bilang tagapagbigay ng tuwa. Siya lamang ang nagbibigay ng tunay na tuwa at galak sa lahat. Tanging Siya lamang ang may kakayahang magpasaya sa bawat isa. At ang tuwa na Kanyang hatid sa lahat ay hindi tulad ng tuwang matatagpuan dito sa daigdig kung saan ito'y pansamantala lamang. Ang tuwa at galak na kaloob ni Hesus ay walang hanggan.
Tayong lahat ay tinatanong - sino ang dahilan ng iyong pagsasaya? Sino nga ba ang dahilan ng ating pagsasaya? Marami ang nakakapagpasaya sa atin, lalung-lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan. Subalit, huwag nawa nating kalimutan si Hesus. Huwag nating kalimutan na si Hesus ay nagbibigay ng tuwa at galak sa lahat. Huwag nating kalimutan na si Hesus ang bukal ng kagalakan. Huwag nating kalimutan si Hesus. Kung tutuusin, ang tuwa at galak na Kanyang hatid sa atin ay higit pa sa tuwa at galak na bigay ng daigdig.
Si Hesus, ang Anak ng Diyos at Anak ng Mahal na Birheng Maria, ay ang bukal ng tunay na kagalakan. Sa Kanya nagmumula ang ating tuwa at saya. At ang tuwa at galak na kaloob Niya sa atin ay walang hanggan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento