24 Disyembre 2019
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikasiyam na Araw
2 Samuel 7, 1-5. 8b-12. 14a. 16/Salmo 88/Lucas 1, 67-79
Ang pangako ng Panginoong Diyos kay Haring David ay pinagtuunan ng pansin sa huling bahagi ng Unang Pagbasa. Ang pangakong ito ay unang inihayag ng Diyos kay Propeta Natan. Ang pangako ng Panginoon ay ipaparating naman ni Propeta Natan kay Haring David. Ano naman ang pangako ng Diyos kay Haring David? Isa sa kanyang mga anak ang papalit sa kanya sa kanyang pagkamatay (7, 12).
Tinupad nga ng Panginoong Diyos ang Kanyang pangako kay Haring David. Ang humalili kay Haring David nang siya'y mamatay ay walang iba kundi ang kanyang anak na si Haring Solomon. Kinalaunan, ang ipinangakong Mesiyas ay nagmula sa kanyang angkan. Ang tunay na Hari na si Kristo ay napabilang sa angkan ni Haring David. Kahit na Siya'y higit na dakila at makapangyarihan kaysa kay Haring David, niloob pa rin ng Diyos maging bahagi ng Kanyang angkan.
Sa Ebanghelyo, ang ama ni San Juan Bautista na si Zacarias ay umawit tungkol sa kabutihan at katapatan ng Panginoon. Mula sa simula hanggang sa wakas ng awit ng papuri, pinatotohanan ni Zacarias ang kabutihan at katapatan ng Panginoon sa lahat. Siya'y nanatiling tapat sa Kanyang ipinangako. Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay Kanyang tinupad. Wala Siyang ipinapangako na hindi Niya tinupad. Ang Diyos ay hindi nakakalimot sa Kanyang mga ipinangako. Ang lahat ng ito ay inaaalala at tinutupad Niya. Iyan ang Panginoon. Ganyan Siya ka-tapat sa Kanyang mga pangako. Hindi Niya binibigo ang Kanyang mga pinangakuan.
Ipinapakita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad sa Kanyang mga pangako ang Kanyang katapatan. Laging tapat ang Diyos. Walang kapantay ang Kanyang katapatan. Kung may mga pagkakataon sa buhay ng bawat isa kung saan tayo'y hindi naging tapat sa ating mga ipinangako, ang Diyos ay laging tapat sa Kanyang mga pangako. Walang sandali kung saan Siya'y nabigo sa pagtupad ng isa sa mga pangako Niya sa sangkatauhan. Lagi Siyang tapat.
May dahilan tayo para mapuspos ng tuwa at galak. Ang Panginoon ay laging tapat sa Kanyang pangako. Tinutupad Niya ang mga ito upang ipakita sa ating lahat ang Kanyang katapatan. Magalak tayo dahil ang Diyos ay laging matapat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento