15 Disyembre 2019
Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
Isaias 35, 1-6a. 10/Salmo 145/Santiago 5, 7-10/Mateo 11, 2-11
Sabi ni Apostol Santo Santiago sa Ikalawang Pagbasa: "Tibayan ninyo ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon" (5, 8). Angkop na angkop ang mga katagang ito sa temang pinagtutuunan ng pansin ng Simbahan ngayong Ikatlong Linggo ng Adbiyento. Katunayan, matatagpuan natin sa mga mismong katagang ito ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa ang dahilan kung bakit dapat tayong maging masaya. Malapit nang dumating ang Panginoon. Tutuparin na rin ng Panginoon ang Kanyang pangako. Malapit na talaga ito mangyari.
Inilarawan sa Unang Pagbasa kung ano ang gagawin ng Panginoon sa Kanyang pagdating. Ililigtas Niya ang lahat ng mga pinanghihinaan ng loob mula sa kanilang mga kaaway at pagagalingin ang lahat ng mga may karamdaman at kapansanan. Sino ang hindi matutuwa at magagalak sa balitang ito? Sino ang hindi matutuwa kapag ginawa ng Panginoon ang mga ito? Marami ang matutuwa sa mga gawaing ito ng Panginoon. Ang Panginoon ay nagbibigay ng tuwa at galak sa lahat sa pamamagitan ng mga gawaing ito na nagpapakita ng Kanyang pag-ibig para sa lahat. Kaya naman, dapat tayong maging maligaya habang pinaghahandaan at hinihintay natin ang pagdating ng Panginoon. Hindi tayo dapat mapuspos ng takot o lungkot. Bagkus, dapat tayong mapuspos ng tuwa dahil malapit nang dumating ang Panginoon upang ipakita ang Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob.
Sa unang bahagi ng Ebanghelyo, inilarawan ni Hesus sa mga alagad ni San Juan Bautista ang Kanyang mga gawa. Ang Kanyang mga gawa ang nagpapatunay sa Kanyang identidad. Ipinakilala ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa. Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, ang misyon ni San Juan Bautista ay tinalakay ni Hesus. Si Hesus ay nagsalita ukol sa tungkulin ni San Juan Bautista bilang tagapaghanda ng daan ng Panginoon. Si San Juan Bautista ay nanatiling tapat sa misyong ibinigay sa kanya. Kahit ilang ulit na inakala ng mga tao na siya ang Mesiyas na pinananabikan ng lahat, hindi siya nagpadala sa maling akala ng mga tao tungkol sa kanya. Bagkus, patuloy niyang tinulungan ang mga tao na ihanda ang kanilang mga sarili para sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas na walang iba kundi si Hesus. At ang hatid ni Hesus sa lahat ay kagalakan at kapayapaan. Hindi Siya naparito upang maghatid ng lungkot o lagim. Bagkus, naparito Siya upang maghatid ng kagalakan at kapayapaan.
Ang Panginoong Hesus ay hindi naghahatid ng lagim at lungkot sa lahat. Bagkus, kagalakan, kapayapaan, at pag-asa ang Kanyang kaloob. Hindi tayo tatakutin ni Hesus. Tayong lahat ay bibigyan Niya ng pag-asa, kagalakan, at kapayapaan. Kaya naman, nararapat lamang na mapuspos ng kagalakan ang ating paghahanda at pananabik para sa Kanyang pagdating. Sa pagdating ng Panginoong Hesus, atin Siyang salubungin nang may tuwa't galak.
Malapit nang magwakas ang panahon ng Adbiyento. Malapit nang magtapos ang panahong inilaan sa paghahanda para sa pagdating ni Kristo. Kaunti na lamang at sasapit na ang Kapaskuhan. Sa mga natitirang araw ng panahong ito, mapuspos nawa tayo ng galak. Malapit nang dumating ang ating Tagapagligtas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento