21 Mayo 2018
Paggunita sa Mahal na Birheng Mariang Ina ng Simbahan
Genesis 3, 9-15. 20 (o kaya: Mga Gawa 1, 12-14)/Salmo 86/Juan 19, 25-34
"Ginang, narito ang iyong anak... Narito ang iyong ina." (19, 25-27) Namutawi mula sa mga labi ng Panginoong Hesukristo ang mga salitang ito nang masilayan Niya mula sa krus ang Mahal na Birheng Maria at ang alagad na minamahal na si San Juan. Sa sandaling yaon, ang Simbahan ay ipinagkatiwala ng Panginoong Hesus sa pagkalinga ng Mahal na Inang si Maria. Si Maria ay ipinakilala ni Hesus bilang Ina ng Simbahan. Tayong lahat na bumubuo sa Simbahan ay naging mga anak ng Mahal na Birheng Maria sa sandaling yaon. Si Maria ay ipinagkaloob ni Hesus sa ating lahat na bumubuo sa Kanyang Simbahan.
Isang tunay na biyaya mula sa Diyos ang Mahal na Inang si Maria. Ang Mahal na Birheng Maria ay binigyan ng Diyos ng isang napakahalagang papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Hinirang siya ng Diyos upang maging ina ng ipinangakong Mesiyas at Manunubos, ang Panginoong Hesukristo. At noong nakabayubay sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus, si Maria ay ipinagkaloob Niya sa lahat ng mga kaanib ng Simbahan na kinatawan ni Apostol San Juan. Isang tunay na pagpapala ang Mahal na Birheng Maria.
Unang naipakilala ang Mahal na Birheng Maria noong nalugmok ang tao dahil sa pagkakasala nina Eba't Adan na isinalaysay sa Unang Pagbasa. Inihayag ng Diyos na dudurugin ng binhi ng babae ang ulo ng binhi ng ahas. Si Maria ang babaeng tinukoy ng Panginoon sa Kanyang propesiya. Sa kanyang sinapupunan magmumula ang dudurog sa ulo ng ahas. Si Hesus ang dumurog sa ulo ng ahas na si Satanas. At si Hesus ay ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ni Maria. Bago pa man isilang, inihayag ng Diyos ang magiging papel ng Mahal na Inang si Maria pagdating ng takdang panahon. Kaya naman, ang Mahal na Inang si Maria ay isang napakahalagang panauhin sa kasaysayan ng pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan.
At noong Siya'y nakabayubay sa krus, ibinigay ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus sa Kanyang Simbahan na kinatawan ni Apostol San Juan sa mga sandaling yaon ang Mahal na Birheng Maria. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang Ina sa ating lahat, ipinakita ni Hesus ang Kanyang pagmamahal para sa atin. Labag sa Kanyang kalooban ang ating pagkaligaw ng landas dahil sa diyablo. Hindi Niya ninanais na tayo'y ipahamak ni Satanas. Kaya naman, ang Mahal na Inang si Maria ay ibinigay sa atin ng Panginoong Hesus upang tayo'y ipagsanggalang mula sa mga tukso ng demonyo sa pamamagitan ng kanyang pananalangin para sa atin. Ang Mahal na Birheng Maria ang kakalinga sa atin at magtatanggol sa atin mula sa diyablo sa pamamagitan ng kanyang pananalangin. Siya rin ang aakay sa ating lahat patungo kay Kristo. Sa pamamagitan niya, lalo tayong napapalapit kay Kristo.
Tayong lahat na bumubuo sa Simbahan ay tunay ngang pinagpala sapagkat pinagkalooban tayo ng Panginoon ng isang ina - ang Mahal na Inang si Maria. Bilang ating Mahal na Ina, tayong lahat ay laging ipinapanalangin ni Maria para sa ating kapakanan. Laging ipinapanalangin ng Mahal na Birheng Maria na tayo'y ilayo mula sa pang-aakit at tukso ng demonyong hinahangad ang ating kapahamakan. At inaakay rin tayo ng Mahal na Inang si Maria patungo kay Hesus na tumubos sa ating lahat sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay. Tayong lahat ay laging inilalapit ng Mahal na Inang si Maria sa kanyang Anak na minamahal at ating kapatid na si Hesus na atin ring Panginoon at Manunubos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento