31 Mayo 2018
Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria
Sofonias 3, 14-18 (o kaya: Roma 12, 9-16b)/Isaias 12/Lucas 1, 39-56
Sa kabila ng kanyang pagdadalantao noong kapanahunang yaon, ang Mahal na Birheng Maria ay naglakbay nang napakalayo upang dalawin ang kanyang kamag-anak na si Elisabet. Ayon sa salaysay sa Ebanghelyo, sina Elisabet at Zacarias ay nakatira sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Ang bayang ito'y napakalayo mula sa bayan ng Nazaret kung saan nakatira ang Mahal na Birheng Maria. Maaaring nanatili at nagpahinga na lamang sana si Maria sa kanyang tahanan sa Nazaret upang makapagpahinga sa loob ng siyam na buwan. Katunayan, nakakapagod naman ang maglakbay nang ganung kalayo. Subalit, mas pinili ni Maria na lisanin ang kanyang tahanan sa Nazaret at maglakbay nang malayo patungo sa tahanan ng kanyang kamag-anak na si Elisabet sa Juda upang siya'y makadalaw at makasama sa kanyang kamag-anak kahit na siya'y nagdadalantao.
Isang nakapahalagang sandali ang naganap noong binati ni Maria ang kanyang kamag-anak na si Elisabet, tulad ng nakasaad sa Ebanghelyo. Ang sanggol na nasa sinapupunan ni Elisabet na si San Juan Bautista ay gumalaw sa tuwa noong bumati ang Mahal na Inang si Maria. Hindi nakasulat sa Ebanghelyo kung ano nga ba talaga ang sinabi ni Maria kay Elisabet. Subalit, ang tinig ni Maria ay naghatid ng galak kina Elisabet at ang sanggol sa kanyang sinapupunan na si San Juan Bautista sapagkat dinala ni Maria sa kanyang sinapupunan ang bukal ng tunay na kagalakang walang hanggan - ang ipinangakong Mesiyas at Tagapagligtas na si Hesus. Si Maria, ang Kaban ng Bagong Tipan, ay dumalaw kay Elisabet bilang tagapaghatid ng tunay na kagalakang kaloob ni Hesus. Ito ang pumakaw sa sanggol na si San Juan Bautista na gumalaw sa tuwa sa sinapupunan ng kanyang inang si Elisabet. At si Elisabet ay napuspos ng Espiritu Santo sa sandaling yaon.
Ang mensahero ng Diyos na si propeta Sofonias ay nanawagan sa bayang Israel sa pamamagitan ng isang awitin sa Unang Pagbasa. Sa awiting yaon, ang bayang Israel ay hinihimok ni propeta Sofonias na magalak sapagkat ang kanilang mga kaaway ay iaalis at itatapon na ng Panginoong Diyos (3, 15). Makakamit nila ang kalayaan upang makapamuhay bilang sambayanang binuklod ng Diyos. Si Apostol San Pablo, sa alternatibong bersyon ng Unang Pagbasa, ay nagsalita tungkol sa pagiging mga tagapaghatid ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula kay Kristo. Sina propeta Sofonias, Apostol San Pablo, at Inang Maria ay naging mga tagapaghatid ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula sa Panginoon. At tunay at walang hanggan ang kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula sa Panginoon.
Dinalaw ng Mahal na Inang si Maria ang kanyang kamag-anak na si Elisabet na nakatira sa Juda bilang tagapagdala ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig. Ang galak, pag-asa, at pag-ibig na hinatid ng Mahal na Birheng Maria kay Elisabet ay nagmula sa Sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan na si Kristo Hesus. Ang pag-ibig, pag-asa, at kagalakang nagmumula sa Panginoong Hesukristo ay tunay, wagas, at walang hanggan. Sa Panginoong Hesus lamang nagmumula ang tunay at ganap na pag-asa, pag-ibig, at kagalakan na walang hanggan.
Hamon sa ating mga Kristiyano ang maging tagapagdala ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula sa Panginoong Hesus. Isang babae na naging tagapagdala ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig, ang itinatampok at ipinapakilala upang matularan natin ang halimbawang kanyang ipinakita. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang Mahal na Inang si Maria. Ang Mahal na Birheng Maria ay isang tunay na tagapagdala ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula sa Panginoong Hesus. Sa kabila ng kanyang pagdadalantao, dinalaw pa rin niya ang kanyang kamag-anak na si Elisabet upang ihatid sa kanya ang kagalakan, pag-asa, at pag-ibig na nagmumula sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa kanyang sinapupunan. Ginawa pa rin niya ito kahit napakalayo ng kanyang nilakbay mula sa kanyang tahanan sa Nazaret patungo sa tahanan ng kanyang kamag-anak sa Juda.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento