13 Mayo 2018
Dakilang Kapistahan ng Pag-Akyat (B)
Mga Gawa 1, 1-11/Salmo 47/Efeso 1, 17-23 [Alternatibong Ikalawang Pagbasa: Efeso 4, 1-13 (o kaya: 4, 1-7. 11-13)]/Marcos 16, 15-20
Isinalaysay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang Pag-Akyat ni Hesus sa Langit. Iisa lamang ang pinagtutuunan ng pansin ng salaysay inihayag sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo. Ang pagbabagong haharapin ng mga apostol. Ang Pag-Akyat ni Hesus sa Langit ang hudyat ng isang malaking pagbabago sa buhay ng mga apostol. Mula noong sila'y tinawag at hinirang ng Panginoong Hesus, nagbago ang kanilang mga buhay. Subalit, hindi nagtatapos sa pamumuhay na kapiling si Kristo sa loob ng mahabang panahon ang pagbabagong dulot Niya sa kanila.
Ang Pag-Akyat sa Langit ng Panginoong Hesus ang simula ng isang panibagong yugto sa buhay ng mga apostoles. Hindi na nila Siya makakapiling dito sa lupa. Hindi nila Siya makikita gamit ang kanilang mga mata. Tinapos na ni Hesus ang Kanyang misyon bilang Mesiyas at Manunubos ng sangkatauhan. Kaya naman, Siya'y umakyat sa langit taglay ang buo Niyang kaluwalhatian matapos Siyang mabuhay na mag-uli. Unang inihayag ni Kristo sa Kanyang pamamaalam sa mga apostoles noong bisperas ng Kanyang pagpapakasakit na isinalaysay sa Ebanghelyo ni San Juan na darating ang oras kung kailan Niya lilisanin ang mundong ito at babalik sa Ama. Sumapit ang takdang oras na Kanyang tinukoy sa Kanyang diskurso sa mga alagad bago Niya harapin ang Kanyang pagdurusa't pagkamatay sa krus sa araw ng Kanyang maluwalhating Pag-Akyat sa Langit.
Bago umakyat sa langit, inilahad ng Panginoong Hesus sa mga apostoles ang mga pagbabagong haharapin at dadanasin nila. Sila na ang magtuturo sa mga tao tungkol sa Mabuting Balita. Sila ang magsisilbing mga saksi ng pag-ibig at kagandahang-loob ng Panginoong Diyos. Sila ang magpapatotoo sa lahat tungkol sa pagtubos ng Diyos sa lahat sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus. At hindi lamang sa kanilang mga kababayan sa Herusalem sila mangangaral kundi sa bawat lipi't bansa sa daigdig. Ipapakilala nila sa lahat ng tao si Kristo. Sa pamamagitan ng kanilang pangangaral at pagpapatotoo tungkol kay Kristo, Siya'y makikilala, sasampalatayanan, at sasambahin ng lahat ng tao.
Nais ni Hesus na makilala Siya ng lahat ng tao sa buong daigdig. Nais ni Hesus na ibuhos ang Kanyang pagpapala sa lahat ng tao. Nais ni Hesus na makinabang ang lahat sa biyaya ng Kanyang pagliligtas. Kaya naman, iniatasan Niya ang mga apostol na maging Kanyang mga saksi. Sa pamamagitan ng paghirang at pagsugo sa mga apostoles bilang Kanyang mga saksi sa iba't ibang lugar sa daigdig, ipinakita ni Kristo ang Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob para sa lahat ng tao sa buong daigdig. Pag-ibig ang natatanging dahilan kung bakit ang mga apostol ay hinirang at sinugo ni Kristo upang sumaksi sa Kanya sa bawat sulok ng daigdig.
Maraming pag-uusig ang hinarap at tiniis ng mga apostol at ng mga sinaunang Kristiyano dahil sa kanilang pagsaksi kay Kristo. Tulad na lamang ng hinarap ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Dati niyang inusig ang mga apostol at ng iba pang mga sinaunang Kristiyano dahil sa kanilang pagsampalataya kay Kristo. Subalit, nagbago ang lahat para sa kanya noong nakatagpo niya si Kristo sa daang patungong Damasco. Mula sa pagiging tagausig ng mga sinaunang Kristiyano, si Apostol San Pablo ay naging isang misyonerong sumasaksi kay Kristo Hesus. Maraming landasin ang kanyang tinahak sa kanyang pagmimisyon bilang saksi ni Kristo. At kahit nakabilanggo, tulad ng nasasaad sa Ikalawang Pagbasa, patuloy siyang nangaral tungkol sa Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat sa pamamagitan ng kanyang mga sulat. Sa pamamagitan ng kanyang mga sulat, hinimok niya ang lahat na manatiling matatag sa kanilang pananalig at pananampalataya kay Kristo Hesus na nakaluklok sa kanan ng Amang nasa langit.
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok at pag-uusig na kanilang hinarap at tiniis, hindi tumigil ang mga apostoles sa kanilang pagmimisyon bilang mga saksi ni Kristo. Nanalig silang hindi sila pababayaan ng Panginoon. Kahit na Siya'y nakaluklok sa kanan ng Amang nasa langit, nanalig sila sa pangakong Kanyang binitiwan. Nanalig sila na hindi Niya sila pababayaan sa kanilang pagmimisyon. Nanalig sila sa pag-ibig at kagandahang-loob ng Panginoong Hesukristo na nahayag sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Ang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Panginoon ang nagbibigay sa kanila ng katatagan sa mga sandali ng kagipitan. Kahit na Siya'y umakyat sa langit, pinalalakas pa rin ng Panginoon ang Kanyang mga apostol upang matupad nila ang kanilang misyon bilang Kanyang mga saksi sa iba't ibang mga bansa sa daigdig.
Ang misyong ibinigay ng Panginoong Hesukristo sa mga apostol bago umakyat sa langit ay ipinagpapatuloy ng Simbahan hanggang sa kasalukuyang panahon. Patuloy na nangangaral at nagpapatotoo ang Simbahan tungkol sa dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos na nahayag sa lahat sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus. Patuloy na ipinapakilala ng Simbahan ang Diyos na puspos ng pag-ibig at habag para sa lahat ng tao. At ang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos na walang hanggan ay tunay at totoo.
Ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Panginoong Hesus na umakyat sa langit at ngayo'y nakaluklok sa kanan ng Ama. Sa pamamagitan ni Hesus, nahayag sa lahat ang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos. Ang krus at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus ang dakilang pagsasalarawan ng dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos. Dahil sa Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob, si Hesus ay bumaba mula sa langit at naging tao katulad natin upang tayo'y iligtas sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay. Tayong lahat ay naligtas sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus. Iyan ang Mabuting Balitang sinasampalatayanan at pinatotohanan ng Inang Simbahan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento