26 Agosto 2018
Ikadalawampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Josue 24, 1-2a. 15-17. 18b/Salmo 33/Efeso 5, 21-32/Juan 6, 60-69
Inilahad ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang turo ng Simbahan tungkol sa kasal. Napakasagrado ang Sakramento ng Kasal. Sa Sakramento ng Kasal, isang lalaki at isang babae ay manunumpa sa harapan ng Panginoon at ng Kanyang sambayanan na iibigin nila ang isa't isa nang buong katapatan habambuhay. Ang pangako ng pamumuhay bilang isa sa paningin ng Diyos ay ihahayag ng lalaki at babaeng ikakasal sa sakramentong ito. Kaya nga, ang tawag sa sakramentong ito ay ang Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib. Masasaksihan sa Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib ang kusang panunumpa ng isang lalaki at isang babae na mamuhay bilang magkabiyak ng puso, bilang isa. At ang pagpapahayag ng mga pangakong ito ay kusa at walang pilitan. Wala nang atrasan pagdating sa pag-iisang dibdib.
Ang turong ito ng Simbahan ay hindi nagbabago. Marami pang mga turo ang Simbahan na hinding-hindi magbabago, tulad ng doktrina ng Banal na Santatlo at ng tunay na presensya ni Kristo sa Banal na Eukaristiya. Hindi porke't nagbabago ang panahon ay nangangahulugang babaguhin ng Simbahan ang turo at aral na kanyang tinanggap mula kay Hesukristo. Ang mga ipinangaral ni Kristo Hesus na ipinalaganap rin ng mga apostol sa bawat sulok ng daigdig noong sila'y nabubuhay pa dito sa daigdig ay hindi nagbago kailanman. Bagkus, ang mga turo't aral na ito ay patuloy na pinapahalagahan at ipinapangaral ng Simbahan hanggang sa kasalukuyang panahon. Tanggapin man o hindi ng mga tao, hindi babaguhin ng Simbahan ang doktrinang tinanggap niya mula kay Kristo.
Hindi pinipilit ng Simbahan ang bawat tao na tanggapin ang mga aral na kanyang tinanggap mula sa Panginoong Hesukristo. Ang bawat tao ay binigyan ng Diyos ng kalayaan upang magpasiya. Desisyon na iyan ng bawat tao kung tatanggapin ba nila o hindi ang mga turo't aral ng Panginoong Hesus na ipinamana sa Simbahan. Ang desisyon kung ang mga turo ni Kristo Hesus na ipinapalaganap ng Simbahan ay nasa kamay ng bawat tao. Ang bawat tao ay may kalayaang magpasiya.
Kaya nga, sa salaysay sa Ebanghelyo ngayon, dalawang ulit na tinanong ni Hesus ang Kanyang mga tagasunod kung nais nila Siyang talikuran. Ang una ay noong sinabi ng mga tao na napakahirap tanggapin ang Kanyang mga itinuturo at ang pangalawa naman ay noong karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay umalis na. Tinanong Niya ang Labindalawa kung nais rin nilang umalis katulad ng ibang nauna sa kanila. Para sa karamihan ng mga alagad ni Hesus, ang Kanyang mga itinuturo ay napakahirap unawain at tanggapin. Subalit, sa kabila ng mga reaksyon ng Kanyang mga tagasunod, hindi binago ng Panginoong Hesus ang Kanyang mga turo. Ang mga reaksyon ng Kanyang mga tagasunod ay hindi naging dahilan para kay Hesus na baguhin ang Kanyang mga turo. Katunayan, hindi nga pinilit ni Hesus ang Kanyang mga tagasunod na tanggapin ang Kanyang mga itinuro.
Hindi pinipilit ang bawat tao na tanggapin at sundin ang kalooban ng Diyos. Sariling desisyon na iyan ng bawat tao. Sa Unang Pagbasa, isinalaysay ang desisyon ni Josue. Inihayag ni Josue na siya'y tatalima at maglilingkod lamang sa Diyos sa kabila ng desisyon ng mga tao kung kanino sila maglilingkod at tatalima. Anuman ang pagpasiyahan ng mga tao kung kanino sila papanig at maglilingkod nang buong katapatan, buong kagitingang inihayag ni Josue na mananatili siyang tapat sa Panginoong Diyos. Hindi siya magpapaimpluwensiya sa desisyon ng bayang Israel. Talikuran man ng lahat ng mga Israelita ang Panginoong Diyos, si Josue at ang buo niyang angkan ay mananatiling tapat sa Kanya. Gaano mang kahirap tanggapin at sundin ang kalooban ng Panginoon, mananatiling tapat si Josue at ang kanyang angkan sa Kanya hanggang wakas.
Laging tinatanong ang bawat Kristiyano araw-araw kung tatanggapin ba nila o hindi ang kalooban ng Diyos. Sa pagsagot sa katanungang ito, kinakailangang maging totoo sa kanilang mga sarili ang bawat isa. Kailangang suriin nang mabuti ang bawat isa upang masagot ang katanungang ito. Wala namang pinipilit na sumunod sa kalooban ng Diyos. Sariling desisyon na iyan ng bawat isa. Ang bawat isa ay malayang magpasiya para sa kanyang sarili.
Walang pilitan ang pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ang bawat isa'y binigyan ng Diyos ng kakayahang magpasiya. Gamitin natin nang mabuti ang kakayahang iyan. Pagpasiyahan natin nang mabuti kung mananatili tayong tapat sa Diyos. Hindi Siya namimilit. Magpakatotoo lang tayo. Igagalang Niya ang ating desisyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento