1 Nobyembre 2018
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal
Pahayag 7, 2-4. 9-14/Salmo 23/1 Juan 3, 1-3/Mateo 5, 1-12a
Isa sa mga bagay na isinalungguhit sa Kredo ay ang kasamahan ng mga banal. Ang kasamahan ng mga banal sa langit ay napakahalaga sa ating pananampalataya. Sila ang bumubuo sa tinatawag na "Simbahang Nagtagumpay." Ang mga salitang ito sa huling bahagi ng Unang Pagbasa ang nagsalarawan sa kanila, "Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig." (7, 14) Nanatili silang tapat sa Panginoong Diyos hanggang sa wakas ng kanilang buhay dito sa lupa. Kaya naman, sila ngayon ay nasa piling ng Diyos sa langit. Lagi silang nananalangin para sa ating lahat na bumubuo sa Simbahang naglalakbay dito sa lupa.
Ang pangangaral ni Hesus tungkol sa pagiging banal o mapalad na inilahad sa Ebanghelyo ay sinikap isabuhay ng mga banal sa langit noong sila'y naglalakbay dito sa lupa. Sa kabila ng lahat ng mga pang-aakit ng kamunduhan, pinili pa rin nilang manatiling tapat sa Panginoon hanggang wakas. Ang kanilang pagsisikap na isabuhay ang mga aral ni Hesus ang naghayag ng kanilang katapatan sa Kanya hanggang sa wakas ng kanilang buhay dito sa lupa. Kaya naman, ang pangako ng walang hanggang kaligayahan at kaginhawaan sa piling ng Panginoon sa kalangitan ay tinatamasa nila. Ang pangako ng langit ang gantimpala ng Panginoon sa lahat ng mga banal para sa kanilang katapatan sa Kanya hanggang wakas.
Ito rin ang pinagtuunan ng pansin ni Apostol San Juan sa Ikalawang Pagbasa. Wika ni Apostol San Juan sa pinakahuling bahagi ng Ikalawang Pagbasa na ang mga may pag-asa kay Kristo ay nagpapakalinis (3, 3). Ipinakita nila ang kanilang pag-asa kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng Kaniyang mga turo't aral noong sila'y naglalakbay sa lupa. Pinili nila ang kadalisayan. Pinili nila si Kristo na Siyang puno ng kalinisan. Kahit na sila'y makasalanan, pinili pa rin nilang mamuhay nang malinis tulad ni Kristo. Kaya naman, ang lahat ng mga banal ay nasa langit kung saan walang marumi roon. Ang langit ay puno ng kalinisan pagkat ang Diyos na bukal ng kalinisan ay nananahan at naghahari roon magpakailanman.
Mula sa langit, ang kasamahan ng mga banal ay may ginagawang mahalaga para sa atin. Tayong lahat ay lagi nilang ipinapanalangin. Ang ating mga panalangin ay isinasama nila sa kanilang mga panalangin. Ang ating pagluhog sa Panginoong Diyos ay pinagtuunan ng pansin sa Salmo. Tiyak ay marami tayong ipinamamanhik sa ating mga panalangin sa Diyos. Subalit, sa ating pagluhog sa Diyos, hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang lahat ng mga banal sa langit. Ang lahat ng ating mga intensyon ay kasama sa kanilang mga panalangin.
Ang kasamahan ng mga banal ang nagpapatunay na totoong may langit. Ang buhay na walang hanggan sa langit ay tunay at hindi kathang-isip. Ang kamatayan dito sa lupa ay hindi katapusan ng bawat isa. Bagkus, sa katapusan ng buhay ng bawat tao sa daigdig, nagsisimula ang isang bagong yugto para sa lahat. At ang yugtong ito na papasukin ng bawat tao sa katapusan ng kanilang buhay sa lupa ay ang walang hanggan. Iyan ang magpakailanman.
Ipinapaalala sa ating lahat na hindi tayo mamumuhay magpakailanman dito sa lupa. Ang buhay dito sa lupa ay pansamantala lamang. Mga manlalakbay lamang tayo sa daigdig na ito. Kaya naman, kung nais nating matamasa ang pangako ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit, tularan natin ang mga banal sa langit. Sila ang nagsisilbing mga huwaran para sa ating lahat. Tulad nating lahat, naranasan nila ang lahat ng mga tukso't pang-aakit ng laman habang sila'y nasa lupa. Subalit, ipinasiya nilang sumunod at manatiling tapat sa Panginoon hanggang wakas. Kung iyan ang gagawin natin, makakamit natin ang pangako ng Panginoon - ang buhay na walang hanggan sa Kanyang piling sa langit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento