7 Oktubre 2018
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Genesis 2, 18-24/Salmo 127/Hebreo 2, 9-11/Marcos 10, 2-16 (o kaya: 10, 2-12)
Sa mga Pagbasa, isang napakahalagang aral ang itinuturo sa atin. Ang aral na ito ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang loobin ng Diyos ay hindi dapat tutulan o palitan ninuman. Walang sinumang tao dito sa mundo ang may kapangyarihang magpawalang-bisa sa mga atas at niloloob ng Diyos. Ang mga tunay na Kristiyano ay ang mga tumutupad at tumatalima sa mga utos ng Diyos.
Isinalaysay sa Unang Pagbasa ang paglikha kay Eba. Ang Diyos ay kumuha ng isang tadyang mula kay Adan upang gamitin sa paglikha kay Eba. Ang kuwentong ito ang basehan ng turo tungkol sa pagiisang-dibdib. Magsasama at magiging iisa sa paningin ng Panginoong Diyos ang isang lalaki at isang babae. Ang babaeng si Eba ay nilikha upang maging kasama't katulong ng lalaking si Adan. Niloob ng Diyos na isang lalaki't isang babae ay magsasama bilang magkabiyak ng puso habambuhay.
Pinagtuunan ng pansin sa Ikalawang Pagbasa ang isa sa mga titulo ni Hesukristo - ang titulo ng Dakilang Saserdote. Ang Panginoong Hesukristo ay kilala rin bilang Dakilang Saserdote sapagkat ang Kanyang paghahain para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ay walang katulad at hindi mapapantayan. Inihain ni Hesus ang Kanyang sarili sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sabi pa nga sa Ikalawang Pagbasa, ang paghahain ng sarili ni Hesus sa Kalbaryo ay niloob ng Ama (2, 9). Masakit man para sa Ama na masilayan mula sa kalangitan ang pag-aalay ng sarili ni Kristo sa krus, niloob pa rin Niya itong mangyari dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, iniligtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghahain ng sarili ng Panginoong Hesukristo sa krus noong unang Biyernes Santo.
Binigyang katibayan ng Dakilang Saserdoteng si Hesus ang bisa ng turo tungkol sa kasal sa Ebanghelyo. Ipinaalala ni Hesus ang aral tungkol sa kasal mula sa aklat ng Genesis. Sabi ni Hesus na ang pagiisang-dibdib ay napakasagrado at napakahalaga sa simula't sapul. Inihayag ng Panginoong Hesus na niloob ng Diyos na ang isang lalaki at isang babae ay magsasama-sama at magiging isa sa Kanyang paningin. Kaya naman ang diborsyo ay labag sa kalooban ng Diyos. Hindi kalooban ng Diyos na magkahiwalay ang mga magkabiyak ng puso. Niloob ng Diyos na ang mga mag-asawa'y mamuhay na puno ng pagmamahalan at katapatan bilang isa hanggang sa wakas ng kanilang buhay dito sa lupa. Dagdag pa ni Hesus, "Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." (10, 9) At iyon ang nagaganap sa Sakramento ng Kasal. Sa Sakramento ng Pagiisang-Dibdib o Kasal, isang lalaki at isang babae ay pinagsasama't pinag-iisa ng Diyos.
Sa simula pa lamang, ang habambuhay na pagsasama ng isang lalaki at isang babae bilang magkabiyak ng puso ay niloob ng Diyos. Sa simula pa lamang, hinangad ng Diyos na makapamuhay nang malaya bilang mga anak Niya ang bawat isa. Kaya naman, ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo upang ibubo ang Kanyang Dugo para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan at kaligtasan ng lahat. Ang lahat ng iyon ay niloob ng Diyos na mangyari.
Anuman ang loobin ng Diyos ay hindi dapat tutulan. Kung tunay tayong mga Kristiyano, dapat nating tanggapin ang kalooban ng Diyos. Dahil ang kalooban ng Diyos ay walang kapantay at walang katulad. Anuman ang loobin ng Diyos na Siyang bukal ng lahat ng kadakilaan at kabanalan ay Kanyang mapangyayari. Ang loobin ng Diyos ay dapat nating tanggapin at sundin nang buo nating puso't kaluluwa. Hindi dapat kontrahin ang kalooban ng Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento