22 Pebrero 2020
Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro
1 Pedro 5, 1-4/Salmo 22/Mateo 16, 13-19
Ang Luklukan ni Apostol San Pedro ay sagisag ng kapangyarihang ibinigay sa kanya ni Hesus bilang Unang Santo Papa ng Simbahan. Si Apostol San Pedro ay hinirang ni Hesus upang maging unang Santo Papa ng Simbahan. Ang ginawang paghirang ng Panginoong Hesus sa kanya bilang unang Santo Papa ng Simbahan ay itinampok sa Ebanghelyo. Ibinigay ng Panginoong Hesukristo ang mga susi sa kaharian ng langit kay Apostol San Pedro. Ang susi sa kaharian ng langit ay tanda na si Apostol San Pedro ang pinuno ng lahat ng mga apostol. Sa lahat ng mga apostol, napakalki ang responsibilidad ni Apostol San Pedro. Ang mga apostol ay binigyan ng isang napakaimportante at napakalaking misyon at responsibilidad, subalit mas malaki at mas mahirap ang responsibilidad ni Apostol San Pedro.
Inihayag ni Apostol San Pedro sa huling bahagi ng kanyang pangaral sa Unang Pagbasa na sa pagdating ng Pangulong Pastol, ang bawat isa ay tatanggap ng "maningning na koronang di kukupas kailanman" (5, 4). Isang katotohanan lamang ang nais isalungguhit ni Apostol San Pedro. Hindi siya ang Pangulong Pastol. Hindi rin isa sa mga apostol ang Pangulong Pastol. Kung hindi siya o ang mga alagad, sino ang Pangulong Pastol? Ang Pangulong Pastol ay walang iba kundi si Kristo. Si Apostol San Pedro ay kinatawan lamang ng Panginoong Hesukristo. Siya'y hindi si Kristo. Bagkus, siya'y kumakatawan lamang sa kanya.
Bakit naman kinailangan ng Panginoong Hesukristo na magtalaga ng isang bikaryo o kinatawan? Pag-ibig para sa Kanyang kawan. Hinirang ni Hesus si Apostol San Pedro upang maging Kanyang kinatawan dito sa daigdig dahil tunay Niyang iniibig ang Kanyang kawan. Tayong lahat na bahagi ng Kanyang kawan dito sa daigdig ay tunay Niyang minamahal. Iyan ang dahilan kung bakit hinirang ni Hesus si Apostol San Pedro upang maging unang Santo Papa ng Kanyang Simbahan. Nais Niyang mapangasiwaan at maalagaan ang Kanyang kawan dito sa lupa. Hindi papayag si Hesus na mapahamak ang Kanyang Simbahan dito sa daigdig.
Si Apostol San Pedro ay iniatasan at hinirang ng Panginoong Hesukristo upang maging unang Santo Papa ng Simbahan. Bilang unang Santo Papa ng Simbahan, ang kanyang responsibilidad at misyon ay pangasiwaan at alagaan ang Simbahang itinatag ni Kristo dito sa daigdig. Ang misyong ito ay hindi natapos sa pagkamatay ni Apostol San Pedro. Bagkus, ipinagpatuloy ito ng mga sumunod sa kanya. At sa kasalukuyang panahon, patuloy itong tinutupad ng kasalukuyang Santo Papa.
Hinirang ni Kristo Hesus si Apostol San Pedro upang maging unang Santo Papa ng Kanyang Simbahan dito sa daigdig dahil sa Kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan ni Apostol San Pedro, ipinakita ni Hesus ang Kanyang pag-ibig para sa Kanyang mga tupa dito sa lupa. Tayong lahat na nananalig at sumasampalataya sa Kanya nang buong puso ay ang mga tupa sa Kanyang kawan. Ayaw ni Hesus na ang bawat isa sa atin na bumubuo sa Kanyang kawan dito sa mundo ay mapahamak.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento